Chapter XLVII. The Letter

4K 108 9
                                    

Erika's POV


Nagising kami parehong nakayakap sa isa't-isa. Ganito pala yung pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo. Wala akong pinagsisihan na ibinigay ko sa kanya ang sarili ko pero minsan naiisip ko rin na hindi ko pag-aari si Gwen at ilang buwan na lang ay pupunta na siya sa states dahil magsasama na sila ni Vine. Kasama ko nga si Gwen pero hindi ko alam kung hanggang kailan kami magiging ganito. Hay nako Erika bakit ba kasi sinusunod ko ang nararamdaman ko ng hindi nag-iisip? Natatakot akong masaktan pero hindi ko kayang lumayo kay Gwen.

"Good morning,I love you..." sabi niya saka ako hinalikan sa labi 

"Bangon na, ma-lelate na tayo.." sabi ko saka umiwas ng tingin

"Babangon na po, ang sungit-sungit naman." sabay kurot sa pisngi ko

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay sinamahan ko muna siya sa bahay niya para magpalit ng susuotin dahil wala siyang dinalang damit kagabi.

Papunta na kami sa office nung nakasalubong namin si Vine na mukhang galit na galit kay Gwen.

"Where have you been last night?" galit na rinig kong sabi ni Vine kay Gwen

"I'm sorry na-lowbatt ako, been to Shiela's party last night, she's my my college friend." rinig kong sagot ni Gwen saka nagpunta sa desk niya

Ayaw kong marinig ang mga pinagtatalunan nila dahil nasasaktan ako pag sinisigawan niya si Gwen pero hindi ko maiwasang di ma-guilty at malungkot dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyan si Gwen. Lalong lumalakas ang mga boses nila habang nag-aaway kaya nagkusa na muna akong lumabas ng office. Bakit ganun kung kailan pa ako naging masaya ulit saka pa nagkaroon ng hadlang?

Pagkabalik ko sa office ay nakita kong namumugtong ang mga mata ni Vine habang papalabas. Si Gwen naman ay tahimik na nakaupo sa may desk niya. Maya-maya pa lang ay di ko inaasahang lalapitan nya ko.

"I'm sorry Erika.." sabi niya sakin saka tumulo ang mga luha sa mga mata niya

"Okay lang, wala ka namang kasalanan eh. Ako nga dapat yung mag-sorry sabi ko." sabi ko saka ko pinunasan yung mga luha niya

"Gusto mo itigil na natin to? ayokong masira relasyon nyo dahil lang sakin." sabi ko sakanya

"Hindi, mahal kita...maaayos ko din lahat nang to." sabi niya sakin habang tinititigan ako sa mga mata

--

Ilang araw pa ang nagdaan at nagkaayos ulit sina Vine at Gwen.Habang tumatagal yata ay lalo akong nahihirapan pag nakikita silang magkasama. Wala naman kasi akong karapatang magalit o magselos dahil engaged na siya kay Vine. Mahirap man aminin pero tingin ko nakikihati lang ako sa pagmamahal ni Gwen.

Linggo nung tumawag sakin ang bestfriend kong si Shane upang balitaan ako tungkol sa hiring sa isang malapit  na public school.

"Oh ano? magpasa na tayo ng resume bukas. Pag-isipan mong mabuti dahil alam kong matagal mo nang gusto ang makapagturo sa school." sabi ni Shane

"Sige,magkita tayo bukas..aabsent na lang muna ako." sabi ko

Ayokong iwan si Gwen pero mas mabuti na sigurong ako na yung lalayo. Bukas ay magbabakasakali ako sa first interview ko sa school at kung natanggap man ako ay ito na yung magiging sign na dapat ko nang umalis sa kumpanya.

Vine's POV

Simula nung bumalik ako galing ng Ilocos ay napansin kong nag-iiba na ang kilos ni Gwen sakin. Pakiramdam ko ay may itinatago siya sakin. Natatakot akong malaman na totoo nga ang mga hinala ko sa kanya kaya naman para hindi na kami mag-away ay itinatago ko na lang lahat sa sarili ko. I love her so much that's why I don't wanna lose her again. 

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon