Chapter XLIV. The Grand Party

4.2K 95 7
                                    

Gwen's POV

"Baby gising na, male-late na naman tayo sige." rinig kong sabi ni Vine sabay yakap sakin, nakapikit pa ang mga mata ko habang nakahiga pa ko sa kama

"Antok pa ko eh."  di ko pa rin mamulat ang mga mata ko sa sobrang kaantukan

"Alam kong madami kang appointments ngayon, wake up sleepyhead!" sabay halik nya sa noo ko

"Ang kulet kulet ng baby ko."  saka ako pumatong sa kanya saka siya kiniliti 

"Stop it! hahaha" pilit nyang tinatanggal ang mga kamay ko sa pagkakakiliti ko sa kanya

"Maliligo na ko muna ako, ikaw na muna magluto okay?" malambing kong sabi saka binuksan ang cabinet para kunin ang towel

"Okay sexy!" nakangiting sabi ni Vine saka naglakad papunta sa kitchen

---

Ala una na nung nakarating ako sa office, pagkadating ko palang ay agad naman akong sinalubungan ni Erika na hawak-hawak ang blue folder.

"Ma'am kanina pa po kayo hinahanap ng mga organizers ng event natin bukas." sabi ni Erika sabay abot ng folder sakin

"Okay I see, just tell them I'll be there in a minute okay?" sabi ko habang tinitingnan ang mga bagong endorsements ng company

Bukas ang 20th anniversary ng Bluefront kaya naman halos lahat kami ay excited na para sa grand party bukas ng hapon. Ito ang unang pagkakataon na icecelebrate ang anniversary ng kumpanya na ako na ang tumatayong CEO nito. Makalipas ang isang oras ay nakausap ko na ang mga event organizers para mapaghandaan na ang malaking selebrasyon na ito kahit nasa US sina mommy at daddy. Nalulungkot  ako dahil wala na si Nathan at di na niya makikita ang mga achievements ng company ng pamilya namin. Kung nabubuhay pa sana siya ngayon ay napakasaya rin siguro niya dahil sa pagiging successful ng kumpanya namin mapaloob man o labas ng bansa. 

Naging busy ako maghapon kaya naman hindi ko na namalayan na 6:30 na pala ng gabi at malakas ang ulan sa labas ng office.

Bigla kong naisip si Erika kaya naman tinanong ko yung mga ibang employees kung nakauwi na si Erika, ang sabi nila kasabay daw siya ni Mark pauwi. Half day lang ako sa office pero pagod na pagod ang utak ko, ang dami kasing nakatambak na files sa desk ko at ni isa wala pa kong nasisimulan. Matagal tagal na rin akong di nakaalis ng bahay para magrelax kaya naisipan kong magpunta sa shooting range na pagmamay-ari ng dati kong kaklase.

"Ang galing mo pa rin humawak ng baril hanggang ngayon, target na target pa rin." nakangiting sabi ni Lance

"Ako pa, nasa focus lang yan." pagmamayabang ko saka ko tinira yung target gamit ang isang kamay

"By the way, lagi kang tinatanong sakin ni Frank, hanggang ngayon yata mahal ka pa din nya." sabi ni Lance

"Mahal? Ilang taon na nakalipas Lance, alagaan na lang nya yung pamilya nya mas magiging masaya ako para sa kanya." sabi ko habang tinatanggal ang ear muffs ko

"Balita ko engaged ka na raw, who's the lucky guy?" nakangiting tanong ni Lance

"Pumunta ka na lang sa kasal ko haha." natatawa kong sabi dahil hindi nya alam na sa babae ako naka-engaged

"Uhh, kung di mo lang ako binasted noon eh di sana tayo ang ikakasal ngayon."  sabi ni Lance

"Hay nako Lance, tigil-tigilan mo nga ako kasi parang kapatid lang kita okay? oh sige sige mauna na pala ako, sa susunod ulit, bye." sabi ko sabay kurot sa magkabilang pisngi niya saka ako umalis papunta sa kotse

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now