Chapter XXVII. Erika :)

5.4K 100 4
                                    

Erika’s POV

Nag-aayos ako ng lesson plan para bukas dahil tuturuan ko na naman yung mga students ko bukas. Ganito lang lagi yung ginagawa ko, work-bahay-pahinga.. palibhasa wala akong boyfriend, sa katunayan nagkaroon na ako ng boyfriend dati pero after ng matagal naming pinagsamahan nakabuntis siya ng ibang babae kaya simula nun hanggang ngayon di ko na binalak na magkadyowa pa, masasaktan lang kasi ako, mas maigi nang pagtuunan ko nang pansin ang pamilya ko at ang trabaho ko kaysa pumasok sa isang relasyon.

Sabi nila sakin maganda daw ako, matangkad, matalino, pero morena nga lang kaya naman maraming kumukuha sakin na model at maging artista pero mas pinili kong maging teacher, eto kasi ang hilig kong gawin, and propesyon na pinangarap ko. Masaya kasi ako pag natuturuan ko ang mga dating out-of-school youth, galing din kasi ako sa isang mahirap na pamilya. Magbubukid tatay ko at mananahi naman si mama pero nagpapasalamat parin ako dahil napagtapos nila ako ng kolehiyo. Sa ngayon part-time volunteer teacher ako sa isang lugar sa Manila at part-time call center agent ako sa Makati.

“Erika bangon na malelate ka na naman sa work mo…” paggising ni mama sakin

“Opo ma, 5 minutes lang po babangon na koo..” antok kong sabi, di ko namalayan 30 mins na akong natulog ulit

“Ay jusko late na naman ako neto!” nagulat ako nung nakita kong 8:30 na eh 9:00 yung pasok ko..

Mabilis akong naghilamos,kumain at naligo at dumerecho na ako sa work ko sa call center.

At as usual nga late na ako ng 5 minutes pero nakahabol pa naman..

“Miss Erika, you’re late again,isang absent na lang maghanap ka na nang bagong work.” Sabi ng supervisor sakin

“I’m sorry ma’am di na po mauulit,sorry.” Nakayuko kong sabi

Hassle ang trabaho sa call center pero kinakaya ko para kina mama at para sa tatlo ko pang kapatid na pinapag-aral ko. 15 minutes lang yung break namin kaya naman puspusan ang trabaho.

--

* should i continue????

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon