Epilogue

7.7K 135 46
                                    

Dumating ang araw kung kelan cinelebrate namin ang anniversary namin. Lumipas pa ang mga araw at naging maayos naman ang trabaho namin ni Erika. Sa awa ng Diyos ay malapit lang ang eskwelahan na pinagtatrabahuan niya sa office ko kaya naman nasusundo ko siya tuwing hapon.

Tatlong buwan pa ang nagdaan saka ako nagbalak na magpropose kay Erika sa tulong ni Jackie na ginanap sa Central Park. Walang ka ide-ideya si ERika kaya naman nasurpresa siya sa biglaang pagpropose ko at masaya akong sabihin na sa wakas ay engaged na kami.

Hindi ko inaasahang magtatagal kami ng ganito. Wala na yata akong ibang maihihiling pa. Dumarating din naman ang mga pagkakataong nagkakatampuhan kami ngunit di natatapos ang araw ng di namain naaayos ang di pagkakaintindihan.

Isang napakagandang balita ang dumating nang tuluyang sagutin ng Panginoon ang matagal na naming pinagdadasal ni Erika. Akala ko imposible na maging maayos ang lahat pero mali ako. Habang lumilipas ang mga taon ay lalo naming nakikilala ang pagkatao ng isa't-isa. Tinuruan niya ako mamuhay ng simple, sa katunayan nga ay ayaw ni Erika na makialam sa finances ko.

Umabot na rin ang 2nd anniversary namin..at the same time, this will also be our wedding day.


Akala ni Erika ay mga friends and workmates lang namin ang mag-aattend ng wedding ceremony namin pero sa tulong ng kaibigan kong si Jackie ay nakuhanan namin ng tourist visa ang pamilya ni Erika and even my parents are there.

Ang setting ng wedding namin ay ginanap sa New York Botanical Garden. Sa sobrang ganda ng lugar ay sulit na sulit ang lahat ng oras at pagod na ginugol ko sa planong ito.

.

.

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating rin ang napakaganda kong bride suot-suot ang napakagandang long white gown niya. Pagkababa niya ng limousine ay halos maiyak siya sa tuwa nung nilapitan siya ng tatay niya upang ihatid siya sa altar. Bawat taong naroroon ay nagbigay ng isang masigabong palakpakan.

Kumpleto ang pamilya namin sa pagkakataong to at wala na akong ibang hihilingin pa.


Habang papalapit si Erika sakin ay tumutulo ang luha ko sa sobrang saya. Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal, for the first time ay nakaramdam ako ng magkahalong kaba at saya...


 ♫ ♬"The strands in your eyes that color them wonderful, stop me and steal my breath...

Emeralds from mountains thrust towards the sky never revealing their depth.." ♫ ♬


"As I stand here before you, looking into your eyes, I see all of the things I fell in love with. As I stand here before you, my heart beating so strongly, I find myself so lost for the right words to say. ..As I stand here before you, this ring in my hand, it makes me remember how complete you make my life...With this ring, let it be known I chose you, let it be known that with this ring, I promise to be with you for all eternity, 'til death do us part..."


 ♫ ♬I'll be your crying shoulder, I'll be love suicide, and I'll be better when I'm older, I'll be the greatest fan of your life ♫ ♬


Pagkatapos ng kasal ay ipinagpatuloy namin ang wedding reception sa Hilton Garden Inn. Doon ay masayang nagkausap ang parents namin na dati akala ko ay malabong mangyari. Dalawang linggong mag-iistay ang pamilya ni Erika dito sa New York kaya naman balak namin silang ipasyal muna bago sila umuwi ng Pilipinas. Sa susunod na taon ay balak namin ni Erika na umuwi ng Pilipinas upang mag-attend ng graduation ni Ron, gusto kasi naming pag-aralin si Ron dito sa Amerika.

Sina Vine at Francine naman daw ang nagkatuluyan. Well, I'm quite surprised but I'm happy for them. Naging successful ang business ni Francine at balita ko ay magkasama sila ngayon ni Vine sa Australia. Ganun talaga ang buhay, di natin masasabi kung anong pwedeng mangyari...





-

*****One year later..****

"Congratulations babe! I love you." bati ni Francine kay Vine na kakagraduate lang sa isang Fashion School sa Sydney

"I love you more." saka siya niyakap ni Vine si Francine at hinalikan sa labi

-


Author's Note:

Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Sa mga sumama saking magpuyat, sa mga nagtyagang magbasa sa loob ng dalawang taon bago ko to matapos. Sa mga nag-comment at mga bumoto po, kayo po ang inspirasyon ko tuwing nawawalan na ko ng ganang tapusin ang istoryang ito. I love you guys! dahil sa story na to ay marami akong naging kaibigan dito sa wattpad.


Sa ex ko na si @itsjennyreyes na nakinig sa mga ideya ko. lol salamat beh! :)

Sina Nina Claire, Stephanie, Michelle,Janlyn, Nicole Natasha, Cryzel, Joanna, Shane, Alessandra, Nina Bernadette, Crystals, Jam, Dane at sa mga readers ko po na nagmemessage mapa-overseas man o dito lang sa Pilipinas, thank you so much po! God bless you!

-Nicole M.


Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now