Chapter LVI. Nothing like this

3.5K 83 2
                                    

Gwen's POV

Ilang linggo na rin ang lumipas at di na muling nagparamdam si Francine saakin. Nag-aalala ako pero mas mabuti na sigurong wag ko na muna siyang kausapin.

"Contemplating?" pag-aabot ni kuya ng-coffee na tinimpla niya para sakin

"Thanks kuya, wala to, inaantok lang ako." sabi ko

"So kelan mo ipakikilala samin nina mommy at daddy si Erika?" nakangiti niyang sabi

"I don't know, kung kelan kayo pwede." sabi ko while leaning on my desk.

"Isama na lang kaya natin siya sa wedding anniversary nina mommy." he grinned

"Oh, I forgot. sa 28 right?" sabi ko

"Yes, on Tuesday night. Don't worry I'll tell them." he said

"Okay kuya, thank you." I replied with a smile

Erika's POV

Martes ng umaga nung naisipan kong magpunta sa isang malapit na mall upang bumili ng maisusuot para sa pupuntahan kong anniversary ng mga magulang ni Gwen para na din maipakilala niya ako bilang girlfriend niya.

Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil makikilala ko na rin sa wakas ang pamilya ni Gwen this time as her partner. On the other hand, kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila sakin dahil malaki ang posibilidad na hindi nila ako magugustuhan. Ano man ang mangyayari mamayang gabi ay nakahanda akong tanggapin ang reaksyon ng pamilya ni Gwen sakin.

Mahal na mahal ko si Gwen kaya gagawin ko din ang lahat ng makakaya ko upang makuha ang loob ng pamilya niya. Pagkatapos kong bumili ng maisusuot ay nagpunta ako sa salon. Prestihiyoso ang pamilya Martin kaya naman kailangan kong paghandaan ang formal naming pagkikita.

Alas singko ng hapon ng sinundo ako ni Gwen sa salon upang sabay na rin kaming magpunta sa dinner mamayang 7pm. Dumerecho muna kami sa bahay niya upang makapagbihis. Di ko maiwasang mapangiti nung makita siyang nakasuot ng blue dress na lalong nagpalabas ng ganda niya.

"Nakatulala ka dyan, pangit ba?" tanong ni Gwen sakin

"Hindi ah, ang ganda mo kasi, nakakawindang." mahina kong sabi habang tinitingnan siyang nag-aayos sa harap ng salamin

'Mas maganda ka baby, I'm sure magugustuhan ka nina mommy lalo na si kuya." nakangiti niyang sabi saka ako hinawakan sa pisngi at binigyan ng isang halik sa labi

"Sana magustuhan ako." nag-aalala kong sabi saka niya hinawakan ang malalamig kong mga kamay.

"Oo naman, ako bahala. Let's go." sabi niya saka niya ko pinagbuksan ng pinto ng sasakyan bago siya sumakay upang mag-drive

Habang nakaupo ay di ako mapakali dahil lalong lumalakas ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba pero ilang minuto lang ang lumipas ay di ko namalayang nakarating na kami sa venue kung saan gaganapin ang selebrasyon ng 50th wedding anniversary ng parents ni Gwen.Kung bibilangin siguro ay may nasa 80 guests ang nasa kani-kanilang mga table na kung di ako nagkakamali ay mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ng pamilya Martin.

Si Gwen naman ay hawak-hawak ang kamay ko papunta sa table kung saan natatanaw ko ang mommy, daddy at kuya James niya, lahat ay nakaformal kaya nung pagkalapit namin ay halos himatayin ako sa kaba.

"Mom, dad, kuya...meet Erika, my girlfriend." nakagiting sabi ni Gwen habang pinapakilala ako sa family niyang nakatingin lahat sakin

"Good evening tito,tita..Happy 50th anniversary po." saka ko lumapit upang makipagbeso sa mommy ni gwen at nagmano sa daddy niya

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now