Chapter VI. Whos' that girl?

10K 175 9
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas at back to work na naman kami ni Vine. Tambak na naman ang mga appointments as usual kaya kahit magkatabi ang mga opisina namin eh madalang nalang kami magkita dahil sa magkabilaang appointments.

"Ma'am Gwen, may tawag po kayo mula sa Marketing Department." sabi ng secretary ko.

"Okay sige, just a second." sabi ko habang nagmamadaling ayusin ang kalat sa table at kinuha ang phone.

"Hello..oh Mr. Mendoza..okay I'll see..uhmm great...mga 11am..okay po thanks!" sabi ko habang kausap ang in-charge sa Marketing Department about sa bagong fashion icon namin.

Dapat ko raw ma-meet and bago naming model/endorser for year 2013, pero ako yung magdedecide kaya dapat ko munang makita ang sample cover niya. Kaya pinakuha ko sa secretary ko.

"Ma'am Gwen, eto na po yung sample cover ng magazine." habang iniaabot ng secretary ko yung magasin.

Agad kong tiningnan yung frontpage pero nagulat ako nung nakita ko ang picture ng babaeng sinampal ako sa highway. Kung di ako nagkakamali siya nga yung ala-model pero napakagaspang ng ugali, nakakairita! at masaklap pa may appointment ako sa kanya mamaya sabi ni Mr. Mendoza.

Dalawang oras pa ang nakalipas at saktong 11am na nung dumating ako sa Fashion Room ng Marketing Dept.

"Ma'am Gwen, eto na po pala yung bagong model ng company natin if papasa po sa inyo. Oh diba ang ganda." sabi ng isang fashion designer namin.

Ang sama ng tingin ko dahil nag-iinit ang dugo ko sa babaeng nakaupo na suot na naman yung bright colored dress niya kaya di ako sumang ayon sa fashion designer.

"Titingnan ko, miss pakilala ka na." pagmamasungit kong pagtawag sa babaeng masungit na yon na tumitingin ng brochure.

Lumingon nga yung babae at nagulat siya kung bakit nga ba andito ako sa Fashion Room.

"Bakit--bakit nandito ka?ikaw yung C.E.O?" gulat niyang tanong sakin.

"Oo ako nga, nice to meet you rude girl." pagaabot ko ng kamay para makipagshake hands.

Halatang nahihiya siya sakin pero eto na ang panahon para makaganti sa kanya. 

"Teka teka Ma'am? magkakilala kayo ni Francine?" tanong ng isang bading na designer.

"Hindi basta long story, start na ang audition,move!" pag-uutos ko

"I'm Francine Pereira, 22 years old and a former freelance model." pag-iintroduce ni Francine sa kanyang sarili.

Pinarampa siya, nagpose with different clothing designs namin at okay naman siya pero kahit di siya nagkakamali ay pinapaulit ko siya at tinatarayan.

Gusto ko lang kasing makabawi sa ginawa niyang pagsampal pero tanggap naman siya bilang the new fashion icon ng BlueFront dahil may star quality siya.

After ng screening niya ay agad siyang pumunta sakin at humingi ng paumanhin sa mga nagawa niya noon.

"Ma'am Gwen sorry po, hindi ko po alam na kayo po pala ang C.E.O, sorry po please?" nakayuko niyang pagsabi habang pilit hawakan yung braso ko.

"Ganun lang ba kadali yon ha? galingan mo na lang ang work mo okay I got to go." pagmamasungit ko habang naglalakad palayo sa kanya.

Natutuwa ako dahil nakaganti na ako sa kanya, ang ganda niya sobra pero wala pa ring mas gaganda kay Vine :)

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt