Chapter XXXVII. Better in Time

4.8K 97 13
                                    

Gwen's POV

Habang lumilipas ang mga araw ay natutunan kong patawarin si Vine dahil bumabawi naman siya sakin at sinabi niya ding sincere sya sa mga sinasabi nya. Hindi ko pa ring maiwasan na hindi magtiwala sa kanya mula nung niloko nya ko at iniwan.

"Babe hayaan mo babawi ako sayo." sabi ni Vine sakin habang kumakain kami sa isang pastry shop

"Okay."sabi ko

"Babe hindi ka ba masaya na mag-uumpisa tayo ulit?" sabi ni Vine

"Masaya pero hindi pa ko handa." sabi ko

"Sabihin mo nga sakin, may girlfriend ka na ba mula nung nawala ako?" tanong niya sakin

"Wala." sabi ko

"Alam ko it's all my fault pero hihintayin kong magiging okay din ang lahat." sabi ni Vine

"Hayaan mo na muna kung anung mangyayari, mangyayari." sabi ko

"Anyways, sama ka sakin mamaya?" sabi ni Vine

"Saan naman?" tanong ko

"Basta, agahan mong matapos yung work." sabi nya sakin

Kahit na sinaktan ako ni Vine ay may feelings pa rin ako sa kanya, yun nga lang hindi na ganun katindi tulad ng dati. Sa tingin ko mahirap nang ibalik yung tiwala ko sa kanya sa kabila ng mga nangyari...

Pagbalik namin sa office ay naabutan kong nagtatype si Erika kaya naman 3pm pa lang ay pinagpahinga ko na sya dahil may lakad kami ni Vine.

Hawak hawak ni Vine yung kamay ko nung papunta kami sa parking area.

"Wow so ito pala yung gift sayo ni tito Albert nung birthday mo? Ang ganda." sabi ni Vine

"Yes, maganda nga." sabi ko habang binubuksan yung kotse

"Let me drive for you." sabi ni Vine

"Dahan dahan lang ah." sabi ko

"Yeah, sana magkaayos na kayo ni tito Albert." sabi ni Vine habang nagdadrive

"Oo nga eh...ngayon lang kami nag-away ng ganito katindi ni daddy" sabi ko

"Hayaan mo tutulungan ko kayong magkaayos ulit." sabi ni Vine

"Naku malabong mangyari yun..." sabi ko

"Anak ka nya kaya matatanggap ka rin ni tito." sabi ni Vine

Ilang minuto ang nakalipas bago hininto ni Vine yung kotse ko sa isang regency hotel.

"Anung gagawin natin dito?" sabi ko

"Dun tayo sa rooftop, magdidinner." sabi ni Vine habang nakangiti

"Okay." sabi ko sakanya

"Have your seat." sabi nya sakin

Ang ganda ng place na kinuha ni Vine, puno ng mga colored lights at romantic music.

Umorder sya ng favorite naming seafood dishes saka kami uminom ng wine habang nag-uusap.

"Gwen, I still love you..." sabi ni Vine sakin, hindi lang ako umimik

"Gwen..will you be mine again?" tanong nya

"Pag-iisipan ko." sabi ko

Pagkatapos naming kumain ay nagcheck-in kami ni Vine sa isang executive room na available.

Nilocked nya yung pinto saka sinandal ako sa wall saka ako hinalikan at ginantihan ko naman ang mga matatamis nyang halik na lalong nagpainit samin. Tinatanggal nya yung damit ko habang tinulak ako sa kama saka ko dahan dahang binuksan yung zipper ng uniform nya habang lalong umiinit ang paghahalikan naming dalawa.

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now