Chapter XXXVIII. Hurt and Jealousy

4.8K 92 17
                                    

Erika's POV

Sa totoo lang ay naiinis ako tuwing nababanggit ni Gwen si Vine lalo nang magpapakasal na pala sila. Hindi ko maintindihan kung bakit nagseselos ako, wala naman akong karapatan kasi kaibigan lang ako. Ano nga bang magagawa ko kundi maging masaya para sa kanila.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pang umalis ni Gwen ng bansa at dun na manirahan kasama si Vine. Pinipilit kong itago na nasasaktan ako kasi alam kong hindi tama tong nararamdaman ko, gusto kong pigilin ang nararamdaman ko pero tuwing nakikita ko si Gwen, masaya ako.

Masaya ako tuwing nakakasama ko sya, oo,pilit ko mang tinatago yung nararamdaman ko para sakanya pero siya lang yung taong nagpasaya sakin ng ganito. Ayokong masaktan kaya ililihim ko na lang yung nararamdaman ko para kay Gwen.

Habang nakahiga ay naalala ko lahat tungkol sa mga ginagawa namin ni Gwen, yung maganda nyang mukha, magaganda nyang ngiti, yung sweetness nya, I remember everything about her. I think I'm falling for her but may iba na syang mahal kaya nasasaktan ako... :'(

Habang nakahiga ay hindi ako makatulog dahil naiisip ko si Gwen kaya lumabas na lang ako ng kwarto at pinuntahan yung kapatid kong si Ivan.

"Ate, gising ka pa pala." sabi ng kapatid ko

"Hindi ako makatulog eh." sabi ko

"Ate nga pala, ipapakila ko yung girlfriend ko bukas sa inyo nina nanay." sabi ni Ivan

"Wow binata ka na talaga." sabi ko

"Matagal na, ate wag nyo nga kong babyhin." sabi nya

"Sige na nga, bunso ka kasi eh..Ivan may sasabihin ako sayo." sabi ko

"Pano pag nagkagusto ako sa isang babae, ayos lang kaya sa inyo?" tanong ko

"Si ate Gwen ba?" tanong nya

"Ha? pano mo nalaman?? wag kang maingay." sabi ko

"Mabait naman si ate Gwen, akala nga namin nina nanay at tatay kayo na eh." sabi ni Ivan

"Magkaibigan lang kami, mabait lang talaga si Gwen." sabi ko

"Alam mo ate, kung saan ka masaya nakasuporta kami sayo." sabi ni Ivan

"Salamat bunso..sige tulog na ako." nakangiti kong sabi

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng kapatid ko ay natulog na ako dahil maaga pa ako sa work ko bukas.

Nagising ako nung tumunog yung cellphone ko.

"Gwen calling..."

"Hello Erika, punta ka sa main office." sabi ni Gwen

"Okay, mag-aayos lang muna ako." sabi ko

"Okay ingat." sabi nya

"Okay bye." sabi ko

Nagmadali akong kumain at maligo para magpunta sa office ni Gwen.

Pagkakatok ko sa pinto ay agad akong pinagbuksan ni Gwen.

"Good morning ma'am." bati ko sa kanya

"Good morning din, pinatawag kita kasi nag-end na yung contract ni Leah bilang secretary ko." sabi nya

"At ikaw yung papalit sa kanya." dugtong niya

"Huh eh pano po yung work ko sa charity?" tanong ko

"Maghahire na lang kami ng bago, basta ikaw yung gusto kong secretary ko." nakangiting sabi ni Gwen

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now