Chapter LI. Reminiscing Memories

3.2K 79 9
                                    

Gwen's POV

Masakit man para sakin ay kinakailangan kong dumistansya kay Erika at pagtuunan na lamang ng pansin ang pagpapatakbo ng kumpanya. Ilang buwan ko na ring hindi nadadalaw ang charity mula nung umalis si Erika kaya naman naisipan kong mag-drive papunta dun. Wala pang ilang minuto ay nakarating na ako sa Charity building. Habang naglalakad papasok ng building ay isa isa akong binati ng mga empleyado ko.

"Good morning Ma'am!" bati sakin ni Beth

"Good morning din po, kamusta naman po sina Ron-ron?" tanong ko

"Maayos naman po, teka lang po at isasama ko po kayo sa room nila." saka niya ako sinamahan papunta sa silid-aralan ni Ron

Malayo pa lang ay natatanaw ko nang tahimik na nakikinig si Ron sa pagtuturo ng kanyang guro. Makalipas ang ilang sandali ay narinig kong tumunog ang bell dahil break time na rin ng mga bata. Habang nakatayo kami ni Beth sa labas ng classroom ay di ko namalayang mabilis na tumakbo si Ron papalapit sakin na nakangiti.

"Ate Gwen!" nakangiting bati sakin ni Ron

"Hi, kamusta ka na?" tanong ko sakanya sabay pisil sa mga matataba niyang mga pisngi

"Okay naman po, nakasali po ako sa top 10." sabi niya sakin

"At dahil dyan may gift ako sayo." nakangiti kong sabi sabay abot sa kanya ng isang supot ng candy

"Wow! thank you po ate Gwen, asan po si teacher Erika?" tanong niya sakin

"Ah, si teacher Erika? wala na eh, nasa Bulacan na siya." sagot ko

"Nakakalungkot naman po, hindi na po ba siya dadalaw dito?" malungkot niyang tanong

"Ah hindi na eh, busy kasi siya. Wag kang mag-aalala, pag nakausap ko ulit sasabihan kong dalawin kayo dito okay?" nakangiti kong sabi saka muling pinisil ang pisngi niya

--

Pagkatapos naming mag-usap ay agad kong pinuntahan si Miss Rhia upang tanungin ang lagay ng Charity at kung anu-ano ang naisip nilang mga proyekto upang matulungan ang iba pang mga kabataang di na nakapag-aral. Masaya akong malaman na maayos naman ang takbo ng mga proyektong isinasagawa nila sa Charity na sa katunayan daw ay pwede pa kaming gumawa ng bagong mga programa upang matulungan ang ibang mga nangangailangan sa iba pang mga  lugar dito sa Luzon.

Habang papaalis ng building ay dumerecho ako sa sasakyan upang mag-drive na pauwi. Marami akong dapat asikasuhin sa office ngunit tingin ko ay di ko kayang tapusin ang lahat ng mga office works lalo na't masama ang pakiramdam ko. Hapon na rin at masyadong traffic na dulot ng rush hour kaya naman naisipan ko munang mag grocery sa nadaanan kong mall sa Makati.

7 pm na nung nakarating ako sa bahay, gutom na rin ako kaya nagluto ako at saka naghapunan ng mag-isa. Habang nagpapahinga sa sofa ay di ko maiwasang di malungkot dahil siguro sa mga oras na to ay kasama na naman ni Erika si Mark.  Kahit na di na kami magkasama ni Erika ay di ko mapigilang isipin ang mga ginagawa nila ngayon at magselos.

Vine's POV


Sa mag-iilang buwan kong pananatili dito sa Australia ay madali akong nakapag-adjust. Di naging mahirap sakin ang mag-aral muli na akala ko ay di magiging madali nung unang linggo ko dito. Marami na rin akong nakilalang mga bagong kaibigan at karamihan sa kanila ay mga Pinoy rin. Madalas nilang tinatanong sakin na kung kailan ako muling magiging handa magmahal muli pero lagi kong sinasabi nila na mas priority ko muna ang career at pag-aaral ko ngayon.  Lahat naman kasi ng mga bagay ay may tamang panahon. Even though my past wounds haven't been completely healed yet, I know that there will be a time that I'll be happy again.

Erika's POV

Wala pang isang buwan ay  nagulat ako nung biglang binalita ni Mark sakin na umalis na siya sa pagtatrabaho niya sa Bluefront. Ang sabi niya kasi saakin ay mas gugustuhin niyang magtrabaho sa ibang kumpanya kung saan mas magiging malapit siya sakin. Nung una ay nagalit ako dahil sinayang niya ang maganda niyang posisyon sa kumpanya nila Gwen pero di maglaon ay unti-unti kong naintindihan na gusto niya lang akong makasama at maprotektahan. Ganun ako kamahal ni Mark kaya naman di ako nagsising sinagot ko siya.

"Babe, ikaw na gusto kong makasama habang buhay,sana di mo ako bibiguin.." seryoso niyang sabi

"Mahal kita at gagawin ko ang lahat para di ka masaktan okay?" sabi ko sabay halik sa pisngi niya

"Payakap naman, di ako makapaniwalang tayo na. I love you so much babe." sabi niya sakin saka ako niyakap ng mahigpit

"I love you too, wag ka nang mambababae ah." nakangiti kong sabi

"Magkakaroon lang ako ng ibang babae pag nagka-baby girl na tayo." pilyo nyang sabi

"Sus ikaw talaga." nakangiti kong sabi saka kinurot mga pisngi niya

--

"Akala ko ba mahal mo si Gwen?" tanong ni Ivan sakin nung umalis si Mark

"Wag na nating pag-usapan yan okay." sabi ko

"Ikaw rin, mahirap magsisi. Lalong mahirap ang gumamit ng tao para makalimot." sabi ni Ivan sakin kaya napakunot noo ako

"Di ko ginagamit si Mark, mahal ko siya. Si Gwen? hayaan nalang natin silang maging masaya ni Vine." sabi ko

"Vine? wala na sila ni Vine, matagal na." sabi nya

"Anong wala na? naku Ivan at san mo naman nabalitaan yan?" pagtataray ko

"Ang sungit mo ate, halata naman interesado ka pa rin. Di pala mahal ah, secret! haha." natatawang sabi ni Ivan

"Don't tell me, nagkakausap kayo ni Gwen?" tanong ko

"Aba malay ko, basta sigurado ako wala na sila ni Vine dahil nag-aaral na sa ibang bansa si Vine."  paliwanag ni Ivan na mukhang nang-iinis

"Daming alam ah, siguro nagkakausap nga kayo. Makaalis na nga at maaga pa ko bukas." sabi ko saka ako tumalikod at napangiti sa mga narinig ko ngunit ayaw ko lang ipahalata

"Kung ako sa'yo ate, magpapakatotoo ako sa nararamdaman ko." pasigaw na sabi ni Ivan habang paalis ako papuntang kwarto

Habang nakahiga ay hindi ko maiwasang mapangiti. Kilalang kilala ko ang kapatid kong si Ivan kaya naman alam kong di siya nagsisinungaling. Bakit kaya naghiwalay sila ni Vine? Kamusta na kaya si Gwen? Bakit imbes na malungkot ako ay lalo akong nabigyan ng pag-asa? May pag-asa pa nga bang maayos namin ni Gwen ang lahat  ngayong pumasok na si Mark sa buhay ko?

A/N: Thanks for voting!

to be continued :)

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now