Chapter XLVIII. Honeymoon Avenue

4K 97 16
  • Dedicated to my girlfriend
                                    

Erika’s POV

Habang lumilipas ang mga araw ay unti-unti akong nasasanay sa mga bagay na nagbago mula nung umalis ako sa kumpanya. Pero kung minsan ay hindi ko pa rin maiwasang hanap-hanapin ang mga panahong kasama ko si Gwen.

Habang nakaupo sa classroom ay di ko namalayang kanina pa lumilipad ang isip ko habang nakatitig sa mga estudyante kong masayang naglalaro mula sa di kalayuan. Bigla ko kasing naalala ang panahong una kong nakilala si Gwen nung nagtuturo ako sa mga out-of-school youth. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga araw na una siyang dumating sa buhay ko. Siguro nga ay tama sila na may mga taong dadating lang sa buhay natin pero hindi sila mananatili satin habang buhay kundi ipaparanas lang nila satin kung gaano kasaya ang magmahal. Uwian na ng mga estudyante ko at hapon na rin nun kaya naman agad akong nagpunta sa waiting shed kung saan naghihintay sakin si Mark upang ihatid ako pauwi. Mula kasi nung nag-resign ako ay si Mark na ang laging nakakasama ko.

Gustuhin ko man na sagutin na siya ay may parang pumipigil sakin. Siguro ay hindi pa ko handa na pumasok sa isang relasyon. Baka kasi kung padalos-dalos ako ay parehas lang kaming masasaktan. Isa pa ay mahal ko pa si Gwen kaya hindi ko alam kung paano siya kalimutan. Hindi ko kasi alam kung paano magsisimula…

Gwen’s POV

Napakabilis lahat ng mga pangyayari. Alam kong di malabong mangyari lahat ng to mula nang nagkagusto ako kay Erika pero kailangan kong haraping parehas silang dalawa ang nawala sakin. Araw-araw ay lagi kong sinisisi ang sarili ko. Bakit ang sama ko? Bakit napakamakasarili ko? Kung pwede ko lang turuan ang puso ko ay matagal ko nang ginawa. Mag-isa ako ngayon sa office at medyo naging kumplikado ang mga pangyayari dahil umalis si Vine sa kumpanya. Nagalit din sakin ang parents ko mula nung sinabi ni Vine na hindi na tuloy ang kasal namin at ang pagpunta namin sa states. Siguro alam na nila ang dahilan kung bakit dahil alam kong pinilit nilang tanungin si Vine kung bakit biglang nagbago ang desisyon niya. Ang hirap ng ganito, bukod sa nasasaktan ako sa mga pangyayari ay napapabayaan ko na rin ang kumpanya. Gustuhin ko mang paulit-ulit na humingi ng tawad kay Vine ay alam kong panahon lang ang makakaayos ng lahat. Balang araw ay maiintindihan din niya kung bakit nangyari samin lahat ng to.

-

Vine’s POV

Nothing hurts more than knowing the person you love the most has fallen out of love with you. I can’t stop crying since the night she told me that she already fell in love with Erika. I guess this is the time for me to finally let go. I know that it’s all my fault, I should have never let her go for the first place only to come back to her when I know it’s finally over . It’s breaking my heart but I need to move on. As I’m packing up my things, I finally decided to pursue a degree in Fashion designing in Australia. I know that this is the only way to finally let her go. Sana maging masaya siya, sana balang araw mahaharap ko na siya ng wala na akong nararamdaman para sakanya. Sana pagbalik ko mabalik namin ang dati naming pagkakaibigan. Sino pa bang makakatulong sa sarili kong makalimot kundi ako lang. 

---

Gwen’s POV

Habang lumilipas ang mga araw ay lalo akong nahihirapan sa pamamahala sa kumpanya.Bukod kasi sa wala na si Vine niya bilang Vice president ng kumpanya ay wala na rin si Erika na secretary ko. Alam kong si Leah lang ang makakatulong sakin para maayos ko lahat ng mga pending works sa office kaya naman laking pasasalamat ko nung tinanggap nya ang pakikiusap kong bumalik na siya sa opisina. Mag-dadalawang buwan na pero hanggang ngayon ay di ko parin nakakausap sina mommy at daddy mula nang nalaman nilang di na ko pupunta sa states. Balita ko rin ay nasa Australia na si Vine para ipagpatuloy ang pangarap niyang maging Fashion Designer. Pilit ko mang itago sa sarili ko ang lahat ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para kay Erika. Hanggang ngayon kasi ay mahal ko pa rin siya.

Buong araw ako sa office kaya naman pagod na pagod ako nung nakarating ng bahay. Habang nagbibihis ay napansin kong hanggang ngayon ay suot-suot  ko pa rin ang kwintas na binigay ni Erika sakin nung birthday ko. Gustuhin ko siyang puntahan sa bahay nila pero natatakot akong malaman na  di na niya ako kailangan. Maya-maya palang habang nakahiga sa kwarto ko ay sinubukan kong tawagan ang kapatid niyang si Ivan. Nung una ay akala ko ay di niya sasagutin ang tawag ko pero laking tuwa ko nung bigla niya itong sinagot.

“Hello?”sagot ni Ivan sa tawag ko

“Kamusta na? si ate Gwen mo to.” sabi ko

“Ay Ma’am Gwen ikaw pala yan, kamusta na po? okay lang naman kami.“ sabi niya

“Okay lang din naman, kamusta pala yung ate mo?” tanong ko

Akala ko nagkakausap pa rin kayo, di pala niya nasabi sayo? public school teacher na siya dito sa Bulacan.” sabi niya sakin

“Ganun ba? pwede malaman kung saan yung school  kung saan siya nagtuturo?” tanong ko

Mula nang nagkausap kami ni Ivan ay nabuo ulit ang pag-asa kong makita ulit si Erika. Handa kong ayusin lahat at ipapangako ko sakanyang di  ko na siya sasaktan. Pero sa ngayon ay hindi ko pa siya kayang harapin. Tuwing hapon ay naiisipan kong magpunta sa pinagtatrabahuhan ni Erika at laking gulat ko nung nakita kong mukhang sila na ni Mark. Nalulungkot ako dahil tingin ko ay sinagot na niya si Mark pero hindi pa rin ako susuko. Alam ko kasing kahit papano ay may puwang pa rin ako sa puso ni Erika.

Kung alam lang niya sana na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya…

 --

 

“I feel like my heart is stuck in bumper to bumper, traffic I’m under pressure ‘cause I can’t have you the way that I want let’s just go back to the way it was…”

Author's note: Sorry just a short update. Don't worry babawi ako pag di po ako busy :) Thanks for reading anyway ;D

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now