Chapter XX. The Flight

6.2K 102 2
                                    

Gwen's POV

Maaga akong nagising sa malakas na tunog ng alarm clock dahil maya maya palang ay flight na ni Vine, mahimbing syang natutulog sa tabi ko. Habang natutulog sya ay hinalikan ko ng matagal yung maganda niyang mukha..ang bango bango talaga ng anghel ko at napakaganda...mamimiss ko talaga sya at sobra ang lungkot ko pero wala na akong magagawa...

Maya maya palang ay dahan dahan nyang binuksan ang kanyang mata..

"Baby..mauna ka nang magshower, susunod na lang ako.." sabi niya

"Sige baby, i love you." sabi ko

"I love you too."  sagot nya

Dumerecho na ko sa shower room para maligo then pagkatapos ay si Vine naman, di na kami nakapagbreakfast kasi baka ma-late siya sa flight nya kaya sa airport na lang namin napagdecide na kumain..

Napakabilis ng oras kaya naman hinatid ko siya sa Airport, alam ko mabigat sa loob namin to pero ayoko nang magsalita masyado baka humagulgol ako sa harap ng maraming tao..Yung feeling na the other half of you is missing..ang sakit, sobrang sakit.. Kahit na katabi ko lang sya masyado ko syang mamimiss..

"Baby, wag ka na malungkot okay..ilang buwan lang naman ako dun, maging busy ka sa workpara di ka masyado malungkot ok?" sabi ni Vine habang hinawakan yung kamay ko.

"Ingatan mo sarili mo dun okay, tandaan mo na mahal na mahal kita sobra..at hindi ako sanay na wala ka." malungkot kong sabi sabay yakap sa kanya 

Pagkatapos naming mag-usap ay kumain muna kami sa isang restaurant malapit sa Airport. Ilang minuto nalang bago iannounce na ready na yung flight nya..

Hindi ko alam pero sa tuwing tinitingnan ko si Vine, nadudurog yung puso ko, ayoko syang umalis..kung kaya ko lang syang pigilan gagawin ko.

-

Vine's POV

We're already in the airport, busy sina dad and mom kaya naman si Gwen na lang yung sumama para hatirin ako. Sobrang nalulungkot ako at gustong gusto ko talagang umiyak pero pinipigilan ko lang dahil baka mag-iyakan lang kami ni Gwen.

Kanina pa tawag ng tawag si Nathan sakin pero inoff ko yung cellphone ko, I'm doing this for the sake of dad not because I like him. I don't know what to do anymore, I don't know how to face these coming days without Gwen but I need to go on and be strong, however..it's just a matter of time..

"Calling all the passengers of International Flight 7679NGD04 to New York, you may now proceed to the gate 2. Thank you."

boses ng flight announcer..

Nagkatinginan lang kami ni Gwen tsaka niyakap ko siya ulit ng mahigpit.

"Okay na baby, sige baka ma-late ka pa, tawagan mo ko pag andun ka na okay, I love you." sabi ni Gwen

"I love you so much okay baby, mag-ingat ka ha." sabay halik nya sakin sa lips

Habang naglalakad ako papunta sa gate 2, sa pagkalingon ko nakita kong tumitingin pa rin sakin si Gwen, kitang kita sa mukha nya ang lungkot.. hindi ko akalaing ganito yung mangyayari..pagkaakyat ko sa plane di ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.  :(

--

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now