Chapter XXVIII. Reading between the lines

6.3K 131 12
                                    

After 10 hours…

Pauwi na sana ako, naglalakad lang ako para mag-abang ng jeep pauwi samin pero sa di ko inaasahan, biglang umulan ng malakas, wala akong dalawang payong kaya naman sumilong ako sa isang malapit na tindahan, habang tumatagal ay lalong lumalakas ang buhos ng ulan kaya naman di ako makaalis-alis sa kinatatayuan ko,

“beep…beep…beep…..”

Isang pulang kotse ang tumigil sa harap ko ngayon at busina ng busina, wala naman akong kakilalang may ganung sasakyan kaya naman di ko nalang pinansin ito,

Maya-maya pa lamang ay nagbukas ang tinted na bintana ng sasakyan at nakita ko ang isang pamilyar na magandang babaeng nakajacket, si Gwen..

“Ma’am Erika tara dito.” Aya niya sakin na sumakay.

Nahihiya naman akong tanggihan ang pagmamagandang loob ni Gwen kaya naman sumakay na ako sa front seat.

“Thank you ha.” Sabay fasten ko ng seatbelt.

“Naku ma’am dapat nagdadala ka ng payong.” Sabi ni Gwen

“Hehe nakalimutan ko lang ngayon sa pagmamadali, by the way san ka nga pala papunta?” tanong ko

“Pupunta sana ako sa mall magpapalamig lang, sama ka?” nakangiti nyang sabi

“Ahh ganun ba ayy okay na ibaba mo nalang ako sa sakayan, sorry ha naabala pa kita.” pag-uumanhin ko

Maaga pa naman ma’am ah, kain muna tayo, ngayon mo pa ba ako tatanggihan?” nakangisi nyang sabi

‘Hmm, sige na nga..wag mo na ako tawaging ma’am, Rika nalang.” sabi ko

“Okay Rika.” Nakasmile nyang sabi

Habang tinititigan si Gwen sobrang nagagandahan ako sa kanya at ramdam kong isa syang mabuting kaibigan, ang swerte nya..maganda,matalino,matulungin,may ari pa ng kompanya samantalang ako..simple lang pero tanging maipagmamalaki ko lang,yung mapagmahal kong pamilya na kahit simple lang mayaman naman kami sa pagmamahal :)

Nung dumating kami sa mall, hinawakan nya yung kamay ko na sya namang nagbigay ng kaba sa puso ko, mabilis na tumitibok ang puso ko at nanlalamig ang palad ko…hindi ko maintindihan pero may iba akong nararamdaman..pero stop it Erika, normal lang na hawakan nya yung kamay mo kasi magkaibigan naman kayo at parehas kayong babae.. :P

Dinala ako ni Gwen sa isang Filipino restaurant,

“Sige umorder ka na Rika wag ka nang mahiya.” Sabi ni Gwen habang inaabot sakin yung menu book.

Umorder ako ng sinigang na baboy at calamares dahil paborito kong mga pagkain yun .

“Oh sige yun na rin yung oorderin ko para sakin, plus dalawang mango shake.” Habang nakatingin siya sakin, anu ba yan! Nakakabaliw yung mga ngiti ni Gwen

“Erika?? “ tawag sakin ni Gwen, di ko alam na nakatulala lang ako sa kanya the whole time.

“Ayy..sorry may iniisip lang kasi ako.” nahihiya kong sabi

“Haha, mahal ka nun.” pagbibiro ni Gwen

“Sino?” napatawa ako sa sinabi niya sakin

“Yung boyfriend mo haha.” Nakangiti nyang sabi

“Wala akong boyfriend noh.” sabi ko

Nung dumating yung order namin, kumain na kami habang nag-uusap, nalaman ko palang kamamatay lang ng pinsan nya sa Amerika kaya naman nalulungkot ako para kay Gwen pero hanga ako sa tatag na despite of all her problems, di nya pinapakita yung weaknesses nya.

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon