Chapter XXXII. You

5K 102 0
                                    

Gwen’s POV

Sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay di ko namalayang nakatulog ako. Dis oras na nang gabi at nagising ako sa sobrang sakit ng katawan ko, pagdilat ko ng aking mga mata nakita ko si Erikang mahimbing na nakahiga sa sofa na tila naramdaman na gising ako.

“Oh mukhang tumaas yata yung lagnat mo, teka kukunan kita ng gamot.” Sabi ni Erika habang kinukuhanan ako ng tubig at gamot.

“Salamat Rika ha, bait mo talaga hayaan mo at babawi din ako sayo.” nakangiti kong sabi

“Naku okay lang nuh at wala naman akong hinihiling kapalit syempre kaibigan kita kaya andito lang ako lagi.” Sabi ni Erika habang nilalagyan ako ng bimpo sa noo

Maya-maya lang ay pabalik na si Erika na hihiga na sa sofa…

“Erika..” tawag ko sa kanya

“Bakit? Tumaas na naman ba lagnat mo?” nag-aalala nyang sabi habang papalapit

“Hindi, dito kana matulog sa tabi ko.” sabi ko

“Sige mukhang takot ka yata matulog mag-isa eh.” pagbibiro ni Rika

“Hindi, mahirap kasi matulog sa sofa baka mahulog ka pa eh malaki naman yung kama, malambot pa.” pagbibiro ko

“Asusus geh na nga dito na.” sabay kuha ng mga unan nya at yakap sakin.

Ang awkward nung bigla nya kong niyakap kaya parehas kaming nagkatitigan at na-speechless kaya tinanggal niya yung mga braso nyang mahigpit na nakayakap sakin.

“Uhmm ang init mo pa rin, matulog ka na nang bukas gumaling ka na.” sabi ni Erika

“Goodnight, ikaw din matulog ka na.”  sabi ko

“Goodnight din Ma’am Gwen.” nakangiti nyang sabi.

Di ko namalayang 9:30 na nang umaga, nagising ako sa mabangong amoy ng breakfast na mukhang galing sa kitchen.

“Good morning Ma’am, kain na tayo are you feeling okay?”  tanong ni Rika

“Nope, sige kain na tayo.” okay na yung pakiramdam ko pero hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun

Masarap magluto si Erika kaya naman naparami yung kinain ko., di ko tuloy maiwasan isipin sina Vine at Francine na dati rin kong kasalo sa umagahan at pinaglulutuan ako.

Alam mo Gwen, ilang araw ka na ring di pa gumagaling…gusto mo pacheck-up ka na sa doctor?” sabi ni Erika

“Wag na, gagaling din ako.” sabi ko

“Bakit? Anu ka ba mas maigi nang nagpapadoctor ka nang gumaling ka agad.” sabi ni Erika habng nakakunot yung noo

“Alam mo sanay naman na akong mag-isa at isa pa di na kailangan magpadoctor, andyan ka naman eh ang kulet.” hindi ko akalaing masasabi ko yun

Tumahimik lamang si Erika at parehas kaming di makatingin sa isa’t-isa

Jusme Gwen? Ano bang mga sinasabi mo kay Erika, bakit parang iba? Ewan ko nga ba hayy.

“Kunsabagay, tingnan natin kung di ka pa gagaling.” nakangiti nyang sabi habang may kinukuha sa bag nya

“Anu na naman balak mo nurse ha?” natatawa kong sabi

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now