Chapter L. Only reminds me of you

3.3K 80 9
                                    

Gwen's POV


Ilang linggo rin ang lumipas at di ko inaasahang mas naging masaya ang pamilya namin lalo na't kasama ko na si kuya sa pagpapatakbo ng kumpanya. Bunga na rin ng sobrang pagiging busy sa kumpanya ay matagal tagal ko na ring hindi napupuntahan si Erika sa school na pinatatrabahuan niya kaya naman mula nung huling dalaw ko sa Bulacan ay wala na akong balita pang narinig tungkol sa kanya. 

"Gwen, nakatulala ka dyan? hinihintay ka ng menu oh." natatawang sabi ni kuya

"Ay sorry may iniisip lang, uhmm isang grilled steak at lemonade." mabilis kong sabi na tila ngayon lang napagtanto na ilang minuto nang naghihintay ang waiter sakin sa resto habang nakatulala ako sa kakaisip kay Erika

"Let me guess, you're in love with someone else aren't you?" he grinned at me.

"No, I'm not..." sabi ko

"Tumingin ka nga sa mga mata ko." nakangiting sabi ni kuya sakin kaya lalo akong umiwas ng tingin

"See, I told you... you're in love, tell me about him, I'll listen." sabi ni kuya na tila nahalata niyang nalulungkot ako at malalim ang iniisip

"She's gone, she left me..."malungkot kong sabi

"What? Did I just hear the word "she"?" gulat na sabi niya

"Yes..." sagot ko

"Wait, what? are you telling me that you're a lesbian?" tanong ni kuya na tila gulat pa rin sa mga sinabi ko

"I'm bisexual, and you heard it right. I'm in love with my former secretary." kinakabahan kong sabi 

"What went wrong?" he asked me 

"Akala nya di ko siya mahal, akala niya pinaglaruan ko lang siya, akala niya mahal ko si Vine." sabi ko

"You know there's nothing wrong with that, kung mahal mo naman at mahal mo rin why won't you make a way? talk to her, I'll help you if you want to." he smiled then he pat my back

"Di ko alam yung gagawin kuya, ang hirap kasi ng ganito, akala ko magiging okay na pero mas lalo ko siyang minamahal." paliwanag ko

Pagkatapos naming kumain ay kinabukasan din mismo ay sinamahan din ako ni kuya sa school na pinagtatrabahuan ni Erika. Mula sa di kalayuan ay naabutan naming palabas si Erika ng gate habang kasa-kasama ang lalaking kung di ako nagkakamali ay si Mark. Maya maya pa lamang ay nakita ko na mahigpit na nakayakap si Erika kay Mark habang nagdadrive. Di ko sukat akalain na nagkikita pa rin pala sina Erika at Mark hanggang ngayon. Habang nakikita silang papalayo ay malungkot ko silang pinagmamasdan habang nakamasid sa rearview mirror ng sasakyan. 

"Ang gwapo talaga ng boyfriend ni Erika no?" rinig kong sabi ng isang teacher sa kasama niya

"Oo grabe, kunsabagay maganda rin naman at mabait si Erika kaya bagay sila. Eh tayo kelan kaya magkakaboyfriend? haha" saka nagtawanan ang grupo ng mga co-teachers ni Erika

Habang naririnig ko ang mga pag-uusap nila ay hindi ko mapigilang masaktan. Pakiramdam ko huli na ang lahat, sobrang sakit pala lalo na kung ang taong minamahal mo ng sobra..masaya na pala sa piling ng iba. Wala akong magawa kundi maging tulala na lang, di rin nagtagal ay inihatid na ako ni kuya pauwi. Pinipilit niyang ipagaan ang loob ko pero sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay hindi ako makaimik. Pagkadating sa bahay ay dumerecho na ako sa kwarto, hindi ko mapigilang umiyak at sisihin ang sarili ko kung bakit ko pa siya pinakawalan.

Erika's POV


Habang tumatagal ay lalo yatang napapamahal si Mark saakin ngunit di ko maiwasang di maisip si Gwen tuwing kasama ko siya. Pano kaya kung si Gwen siya? mas magiging masaya siguro ako ngayon, siguro nagtatawanan na naman kami...  Bakit ko pa ba siya kailangang isipin eh tingin ko ay mas magiging masaya siya lalo nang ikakasal na sila ni Vine. Pilit ko man sigurong itago tong nararamdaman ko ay lumalabas pa rin ang totoo, na mahal ko si Gwen. Sana balang araw magiging okay rin ang lahat, sana balang araw maging magkaibigan ulit kami tulad ng dati... Sana hindi na ako masasaktan tuwing nakikita silang magkasama ni Vine. Sana balang araw ay makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kanya....

Habang nagpapahinga ay di ko maiwasang di maisip si Gwen habang tinitingnan ang relong ibinigay niya sakin. Kung alam nya lang kung gaano ko kagustong yakapin siya nung araw na umalis ako. Kung alam niya lang sana na gusto ko na siyang makita ulit.

--

Dalawang araw ang lumipas saka ako sinundo ni Mark sa bahay upang ipakilala ako family niya. Di ko inaasahang ganun na pala siya kaseryoso sakin kaya kinabahan ako nung tinanong sakin ng kapatid niyang babae kung kelan namin balak magpakasal. Nagulat ako nung sinabi sakin ng mama ni Mark na ako pa lang ang unang babaeng pinakilala niya sa family niya kaya napakaswerte ko at  seryoso si Mark sakin. 

Nung gabi ding yun ang unang pagkakataon na nahalikan ako ni Mark. Ramdam kong mahal na mahal nya ko pero hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya sa sitwasyon na pinasukan ko. Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan ako sa nararamdaman ko, pakiramdam ko may hindi tama pero gagawin ko ang lahat para masuklian lahat ng pagmamahal na binibigay ni Mark sakin.

Francine's POV

Dalawang buwan na lang at matatapos na ang kontrata. I'm planning to buy a new house for my family when I get home that's why I'm so happy and excited at the same time. One more reason why I like to get home is to be with Gwen again. I just missed her so much... I'm trying to call her but I can't reach her number these past few days. I can't wait to be with her again... :(

A/N: Sorry maiksi lang, to be continued :)

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now