Chapter XI. Girls' Night out

9.1K 153 10
                                    

Gwen's POV

Nagising ako ng maaga para pumasok sa work, ang sarap ng tulog ko kaya nagstretching muna ako. Nagulat ako nung nakita kong katabi ko si Francine at parehas kameng nakahubad pero medyo nakatakip ng kumot ang aming mga katawan. OMG! Ano nang gagawin ko? May nangyari ba saamin? Ang naalala ko lang eh hinalikan niya ko sa bar. Paano na lang pag nalaman sa office to? Anung gagawin ko?!

Sa pagmamadali ko ay dumerecho ako para maghilamos at nagluto ako ng almusal para samin ni Francine, nakakakiya naman kasi pag iiwan ko siya ditong mag-isa kaya pagkagising niya eh hahatirin ko siya sa kanila.

Sa lakas ng kalabog ko ng mga utensils sa kusina eh mukhang nagising ko yata siya.

"Gwen? Gwen??" boses ni Francine na tila hinahanap kung nasan ako.

"Andito ako sa kusina, magbihis ka muna." sigaw ko mula sa kusina.

Makatapos kong magluto eh pinuntahan nya ko sa kusina at umupo siya sa tabi ko. Na tila tinitingnan lang ako at di makapagsalita.

"Bakit may problema ba?" tanong ko kay Franz

"May naalala ka ba kagabi?" tanong nya

"Wala eh." alam kong meron pero nahihiya akong sabihin.

"May pagnanasa ka sakin no?" pagbibiro nya

"Wala ah bakit naman kita pagnanasahan, assuming ka masyado ah baka ikaw?hahaha" sabi ko sabay tawa ng malakas habang tinitingnan siya

"Nako! eh hindi naman ako pumapatol sa babae eh!" pagmamayabang niya

"Talaga lang ha? halata nga eh, kaya pala nasa lesbian bar ka kagabi." sabi ko tapos sabay kameng tumawa

"Ang sarap naman ng pancake na yan." sabay kuha niya ng fork at knife at inislice saka isinubo sakin.

Ang sweet niya pala, ngayon ko lang nalaman...hayyy naalala ko tuloy si Vine, kamusta na kaya siya? Engaged na siguro sila ni Nathan...

Kumain na kami at naunang nagshower ni Francine. Habang naliligo siya eh kitang kita ko ang hubad niyang katawan dahil di niya naisara gaano yung pinto. Naaalala ko bigla yung nangyari kagabi. Ang matindi naming paghahalikan, ang very first kiss ko sa babae...ang lambot ng mga labi niya, napakainit ng mga sumunod na nangyari na hindi ko alam kung panu ko nagawang halikan siya pababa,nakakagigil,nadala lang siguro talaga ako sa sobrang kalasingan at masyado ako nabighani sa mala-anghel niyang mukha at sexy nyang katawan.

Matapos kong maligo ay hinatid ko na siya sa bahay nila na medyo may kalayuan sa amin ng mga bandang 8am. Dumerecho ako sa opis matapos ko siyang hatirin. 

Nakita ko si Vine sa office na nakaupo sa may desk ko na tila malalim ang iniisip kaya dumaan ako banda sa likod niya at tinakpan ang kanyang mga mata.

"Sino to?" sabi niya habang nakangiti.

"Secret" pagbibiro ko.

"Gwen..Ikaw talaga! ha! kulet"sabi niya sabay pisil sa pisngi ko

Gusto ko siyang yakapin sa mga oras na yon, mukhang di niya nga talaga gusto na ikasal kay Nathan pero ginawa niya para sa kagustuhan nina Dad at ng mga parents niya.

Napansin ko na may diamond ring siyang suot suot, engaged na nga sila, masakit pero kailangan kong tanggapin na lalaki talaga ang nararapat para sa kanya.

"By the way, bakit di ka nakapunta kagabi? tawag kami ng tawag ni tita sayo ah." tanong niya

"Eh nasiraan kasi ako ng kotse at lowbatt yung celphone ko kaya nakatulog ako." pagsisinungaling ko

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu