Chapter XIV. Vine or Francine?

8.1K 136 5
                                    

Vine's POV

Dalawang araw na ng nakalipas ay di parin kami nagkakausap ni Gwen kahit na nagkakasalubungan kami sa opis ay hindi na kami nagpapasinan tulad ng dati. Si Nathan naman ay laging nagpupunta sa opis at pinaplano na namin ang setting ng kasal at para sa mga invitation, pero gusto ko nang magback-out,gusto ko nang sabihin sa kanya na bisexual ako, na si Gwen ang gusto ko kaso nga lang di madaling gawin yun, mararaming magagalit at marami din ang masasaktan.

Naghihintay lang ako ng tamang tiyempo para liwanagin ang tunay ko na nararamdaman para kay Gwen, nakakapagod kasing magkunwari na galit ka sa isang taong mahal na mahal mo. Napakacoward ko. :(

Umaga ng Martes nung nagplano akong kausapin si Gwen at puntahan siya sa katabing opis para kausapin, namimiss ko na kasi siya...ang hirap hirap magpretend pero tinitiis ko lang. Kanina pa nasa opis si Gwen at mukhang nag-iisa lamang siya kaya napagdesisyunan ko na puntahan na lang siya.

tokk..tokk..tokk"

 pagkakatok ko sa pinto ng opis nya"

"Come in.." boses ni Gwen

Nang pagpasok ko ay umupo muna ako at huminga ng malalim, hindi ko alam kung paan sisimulan kaya naman nagkunwari ako na hinhintay ko yung secretary niya. Hindi nya ako pinapansin at mukhag busy siya sa pagtatype ng mga files.

tokkk..tokk.tokk...

may kumatok sa pinto

"Pasok po kayo, bukas po yan." sabi ni Gwen


Isang magandang model ang nakita kong pumasok kung hindi ako nagkakamali ay siya si Francine, yung bagong endorser ng kumpanya na nakita namin sa Fashion Runway. Pagkapasok niya ay bineso beso niya si Gwen at binigyan ako ng isang matamis na ngiti na siyang hindi ko naman ikinatuwa. Close na kaya sila ni Gwen? Bakit siya dumadalaw dito sa opis eh dati rati naman ay ako lang at ang secretary ni Gwen ang authorized na pumasok dito?

"Gwen magcoffee muna tayo?" sabi ng Francine kay Gwen 

"Sure, Vine maiwan muna kita dyan ah, mamaya maya dadating din si Leah wait mo lang." paalam ni Gwen sakin sabay hawak ng kamay nung Francine

Hindi! Hindi pwede mangyari to! pano nalang pag naging sila? May nararamdaman akong iba sa kanila, what if? Ugghh! I hate this! bakit di ko pa kinausap si Gwen?Ang duwag duwag ko! nakakainis...dapat may magawa ako para maging magkaayos kami. Ayokong maagaw siya ng iba, hindi ko alam ang gagawin ko.

Gwen's POV

Umaga ng Martes ng nagtatype ako ng mga files, nagulat ako ng may biglang kumatok sa pinto, si Vine pala..pero di siya nagpunta para kausapin ako pero mukhang hinihintay niya si Leah yung secretary ko. Gusto ko siyang kausapin kaso nga lang mas pinili ko na lang na maging tahimik kaysa umunti unti na naman na babalik ang nararamdaman ko para sa kanya na masasaktan lang ako. Sakto naman na ilang sandali pa lang eh dumating na rin si France, niyayayaniya kong magcoffee kaya sumama naman ako. Simula nung di na kame nag-usap ni Gwen eh si Francine na ang laging nakakausap ko sa mga bagay bagay. Napakasuportive ni Francine kaya medyo nagugustuhan ko siya. Ang sabi niya sakin ay straight siya kaya naman walang malisya ang pagkakaibigan namin, bukod dun, three years na akong walang karelasyon kasi nga ayoko na munang mainvolve sa commitment, masasaktan lang kasi ako eh.

"Gwen, bakit nasa opis mo si Vine? akala ko ba di na muna kayo mag-uusap?" tanong ni Francine

"Inaantay niya secretary ko, ewan ko dun." sabi ko

"Naku! wag mo nang kausapin masyado yun masasaktan ka lang sinasabi ko sayo, ikakasal na yun." sabi niya

"Oo nga eh, hindi naman na ako nag-eexpect, mula't mula pa lang magkaibigan na kami at basta wag na natin pag-usapan." paglilinaw ko

"Marami pa naman iba dyan eh, bakit di ka magboyfriend?" tanong ni France

"Ano ba naman tanong yan, ikaw na lang ang magboyfriend, ayoko na noh nasaktan na ko ng sobra dati, ayoko na maulit yun." sagot ko

"Eh iba iba naman ang mga lalaki, depende lang sa tao yun." sagot niya

"Asusus! di mo ko mapipilit na magboyfriend, babae ang gusto ko, ikaw ba gusto mo magboyfriend?." sabi ko

"Eh career muna ang aatupagin ko, sinusuportahan ko kasi sila mama at papa eh." sagot niya

"Mabuti yan." sabi ko.

Kinuwento niya sakin yung buhay niya, ampon lang pala siya pero napakabait niyang anak sa mga umampon sa kanya, sabi ko na nga ba para talaga siyang anghel, pasaway nga lang. :)

Francine's POV

Maaga pa lang ay pinuntahan ko na si Gwen sa opis nya para magcoffee, nakita ko si Vine kaya naman ngitian ko siya, naiinis ako kay Vine kasi napakamanhid niya..mahal na mahal siya ni Gwen pero nagdesisyon siya na pakasalan si Nathan. Hay kung ako ang nasa kalagayan ni Vine, si Gwen ang pipiliin ko at papakasalan ko. Nag-usap kami ni Gwen sa isang coffee shop sa Building, nakwento ko yung tungkol sa family ko, natutuwa ako sa kanya dahil nakikinig siya at pinapayuhan niya ko, ibang iba sya sa Gwen na akala ko nung una, akala ko matapobre sya pero napakakindhearted niya pala. Kailan kaya ako makakakilala ng lalaking kasing ugali niya?

Habang nag-uusap kami ay may tumawag sa kanya, balita ko ay si Mr. Cruz yun, tungkol sa Charity program na project nila, ngayong araw na daw gaganapin eh kaya naman nagpaalam siya para makipagkita kay Mr. Cruz

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon