Chapter XLVI. Irresistible

4.2K 107 7
                                    

Erika's POV

"Parang ang busy busy mo yata ngayong linggo.." sabi ni Mark sakin nung nakasalubong ko sa lobby 

"Ah, marami lang inaasikaso..kamusta ka naman pala?" tanong ko

"Ayos lang, ako na yung maghahatid sayo.." sabi ni Mark

"Wag na, may pupuntahan pa kasi ako. Mag-aabang nalang ako ng fx, salamat." sabi ko

"Iniiwasan mo na ba ko?" sabi ni Mark 

"Hindi, sige ingat ka. Mauna na ko,may emergency lang." sabi ko saka ako umalis para magpunta sa sakayan

"Sige ingat ka.." malungkot na sabi ni Mark

Pagkarating ko sa bahay ay agad sumalubong sakin si Shane. Siya ang bestfriend ko nung college at makalipas ang isang taon ay ngayon lang kami nagkita ulit.

"Best! kamusta ka na? Ganda mo na lalo ah!" masayang sabi ng bestfriend ko sabay yakap sakin ng mahigpit

"Bolera ka pa din girl! haha eto ayos lang galing sa work." sabi ko saka ko siya bineso

"Balita ko secretary ka na daw ng isang company? taray naman!" nakangiti niyang sabi saka kami umupo sa may sala

"Oo temporarily." nakangiti kong sabi

"Nagpunta nga pala ko dito para ayain kang mag-take ng LET. Ayaw mo bang ipagpatuloy ang pagiging teacher?" tanong ni Shane sakin

"Syempre gusto ko, sa katunayan nga naghihintay na lang ako ng konting panahon para makabalik sa pagtuturo eh. Napamahal na rin kasi sakin ang trabaho ko na to kaya nagdadalawang isip pa rin ako."paliwanag ko kay Shane

"Sige best, alam kong ito naman talaga ang gusto mo, 2 weeks na lang at LET na kaya naman sana makapaghanda na tayo pareho." sabi ni Shane sakin

"Sige, magreview na dapat tayo habang may panahon pa." nakangiti kong sabi sa kanya

Bata pa lang ako ay pangarap ko na ang pagtuturo. Idolo ko kasi ang mga naging guro ko at masaya ako pag tinuturuan ang mga bata pero sa ngayon ay napamahal na rin sakin ang trabaho ko sa kumpanya nina Gwen. Ano nga bang dapat kong gawin? Hindi ko kasi alam kung paano ako mag-uumpisa eh. Alam ko rin kasing balang araw ay ipagpapatuloy ko rin ang pagtrabaho sa kung anong kurso ang tinapos ko.

Habang nakahiga ay napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Habang lumilipas kasi ang mga araw ay halos di ko na kayang lumayo pa kay Gwen. Aaminin ko, nakokonsensya ako dahil engaged na siya kay Vine. Hay nako Erika ano bang nangyayari sayo?

 Francine's POV

Simula nung naghiwalay kami ni Dave ay naging malaya na naman ako. Masaya kong nagagawa ang mga bagayna gusto ko pero nalulungkot akong isipin na habang nandito ako sa Paris ay na-ospital naman ang stepfather ko dahilsa Cerebrovascular Disease o stroke. Gusto ko sannag umuwi ng Pilipinas pero hindi pa tapos ang kontrata ko dito. Namimiss ko ang mga kaibigan at pamilya ko sa Pinas, lalo na si Gwen. Paano ko ba naman malilimutan ang mga masasayang pinagsamahan namin? Sa pagkakaalam ko ay matagal na silang hiwalay ni Vine. What if I'll try to make a move and maybe we can take our friendship to the next level?

Gwen's POV

Habang lumilipas ang mga araw ay mas malaya ko nang napapakita kay Erika kung gaano siya kahalaga sakin. Di ko man inaasahan ay ganun din siya saakin kaya naman mula nun ay hindi na matanggal ang mga ngiti ko sa mga labi. Feeling ko daig pa namin ang mga eksena sa pelikula. Pakiramdam ko eto yung unang pagkakataon na nainlove ako. 

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon