Chapter XLV. When I'm with you

4.1K 93 2
                                    

Gwen's POV


Pagkagising namin ni Erika ay naiilang kami sa isa't-isa. Alam namin pareho na lasing kami kagabi pero hanggang ngayon ay alam ko ang mga buong nangyari.

Matindi ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover habang pansin ko namang mukhang nanghihina si Erika at nung hinawakan ko sya ay umaapoy ang buong katawan niya sa taas ng lagnat niya kaya agad ko syang ipinagluto ng sabaw saka nagmadaling pumunta ng botika para bumili ng gamot. Pagkabalik ko sa bahay ay rinig kong kausap niya ang nanay niya sa phone kaya pagkatapos nilang mag-usap ay napag-isipan kong tawagan ulit ang nanay niya para ipagpaalam na kung pwede dito muna si Erika sa bahay dahil masama ang pakiramdam nya.

Nanlalamig si Erika kaya naman pinahiram ko sya ng mga damit ko upang magpalit saka ko siya kinumutan at pinagpahinga. Dati rin akong inalagaan ni Erika nung nagkasakit ako at alam kong kailangan nya ako ngayon kaya naman para mapagaling siya agad ay hindi na muna ako papasok.  Di nagtagal ay tumawag sakin si Vine, ipinaliwanag ko sa kanya na  hindi muna ako makakapasok ngayong araw dahil may importanteng lakad ako. Yun lang kasi ang naisip kong dahilan para hindi siya mag-isip ng masama marahil alam kong magagalit siya pag nalaman niyang halos mag da-dalawang araw nang nagpalipas si Erika ng gabi dito sa bahay.

Habang nahimbing na natutulog si Erika ay maingat kong kinuha ang cellphone niyang nakalapag sa tabi niya. 

"Erika, asan ka na? bakit di ka pumasok?"

"Erika magreply ka naman oh, namimiss na kita eh. :( "

Nakailang texts at missed calls si Mark kay Erika kaya sa sobrang inis ko ay dinelete ko ang mga texts nya at call logs nya.

Kinahapunan ay tahimik akong nanunuod ng TV sa sala habang hinihintay na magising si Erika.Ilang sandali pa lang ay bumangon na si Erika saka tumabi sakin sa sofa.

"Oh ano okay ka na?" tanong ko sakanya saka siya hinawakan para malaman ko kung di na siya nilalagnat

"Okay na, salamat pala..." nakangiting sabi niya

"Buti naman at okay ka na, kain muna tayo." pag-aaya ko

"Sige busog pa ko, hatirin mo na muna ako pauwi nakakahiya kasi wala akong dalang damit." sabi nya

"Sige teka lang kukunin ko muna yung susi." sagot ko

Erika's POV


Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong nina nanay at tatay na alalang-alala na di ako nakauwi kagabi. Ipinaliwanag ko naman lahat ng nangyari kaya naman pinagpahinga na nila ako sa kwarto. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang paghahalikan namin kagabi ni Gwen. Yun kasi ang unang pagkakataon na nakahalik ako ng babae pero this time its different dahil alam kong sa mga oras na yon ay kaya kong itigil ang mga ginagawa namin pero habang tumatagal ay hindi ko na mapigilan ang ibang nararamdaman ko para sa kanya. Tingin ko ay unti-unti na akong nahuhulog sa kanya, alam kong may girlfriend na si Gwen pero di ko sukat akalain na mararamdaman ko to sa kanya.

--

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Nasa office ako pero hindi ko matanggal sa isip ko ang mga nangyari nung gabing yon. Gumagawa ako ng mga files sa laptop habang busy naman si Gwen sa mga gawain niya sa desk nya. Unfortunately, sa pagiging absent-minded ko ay hindi ko alam kung ano yung napindot ko at biglang na-reformat yung laptop ni Gwen na ginagamit ko. Nabura ko ang mga files niya kaya naman kinakabahan ako habang pinipilit ayusin ang laptop niya.

Gwen's POV

Kanina ko pa tahimik na pinagmamasdan si Erika sa desk nya habang nagsusulat naman ako sa desk ko ng business letter. Napansin ko na nmukhang nahihirapan siya sa pag operate ng laptop at kita kong naiinis na siya kaya naman dahan dahan akong lumapit sa kanya dahil alam kong may problema siya pero hindi lang niya sinasabi sakin.

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon