Chapter XLIII. Take a look at me

4.2K 84 0
                                    

Gwen's POV

7 a.m. na nung nagising ako habang si Vine naman ay mahimbing na natutulog sa tabi ko. Habang natutulog sya ay bumangon ako to order something for our breakfast. Maya-maya pa lang ay nagising na rin si Vine sabay yakap sa likod ko habang hinahanda ko yung almusal namin.

"Ang sweet naman ng baby ko, pwede na maging asawa ko." nakangiting sabi ni Vine na ginantihan ko lang ng ngiti

Pagkatapos naming kumain ni Vine ay inihatid ko na sya sa kanila saka ako umuwi para magbihis dahil may mga appointment pa ako mamaya sa office. 10:30 am na nung tumingin ako sa relo ko kaya nagmadali akong maglakad para pindutin ang pasara nang elevator. Pagkapasok ko sa elevator ay nagkatinginan kami ni Erika. 

"Good morning.." bati ko kay Erika

"Good morning din po, I'm sorry I'm late." sabi ni Erika habang nakakagat sa kanyang mapupulang labi

"It's okay, ako din naman eh..besides, katatapos lang ng holiday." I said.


Pagkadating namin sa office ay dun ko lang napansin na suot-suot nya yung binigay ko sa kanya na wrist watch nung Pasko kaya naman di ko maiwasang mapangiti. Hindi ko alam kung bakit pero ilang minuto na ang lumipas pero wala parin kahit isa saamin ang nagsasalita.

"Umm Ma'am sabi nga po pala ni Mr. Ong sakin na hindi po sya makakarating ngayon, bukas na lang daw po kasi po may inaasikaso pa raw po sya." sabi ni Erika sakin

"It's okay i-reschedule nalang natin bukas ng 10:00 am." sabi ko 

"Okay po." sagot ni Erika habang nagseset ng bagong appointment sa computer

Habang tumatagal yata ay lalong gumaganda si Erika. Hindi ko alam kung mas nagagandahan lang ako sa kanya o dahil lang sa kabaitan nya. Hindi ko maiwasang titigan sya habang nagtatype ng mga schedule.

"May ipapagawa pa po kayo ma'am?" tanong ni Erika na tila nahuli akong nakatingin sa kanya
 kaya bigla akong napalunok at umiwas ng tingin

"Uhmm wala, pansin ko lang na suot mo na pala yung watch pero late ka pa rin." nakangiti kong sabi

"Di na po mauulit ma'am sorry po ulit." pagpapaumanhin nya

Yan yung isa sa mga katangiang nagustuhan ko kay Erika, na kahit naging magkalapit na magkaibigan kami ay di pa rin nawawala yung respeto nya sakin bilang boss nya pagdating sa oras ng trabaho kahit na ilang beses ko syang sabihan na wag na kong tawaging "ma'am" ay yun pa rin ang tawag nya sakin. :)

Pagkatapos nyang gawin ang mga bagong schedule na pinagawa ko ay yayayain ko na sana siyang sumabay na sakin na mag-lunch pero biglang dumating si Vine.

"Hi baby! sorry I'm late, let's eat?" nakangiting sabi ni Vine saka ako hinalikan sa pisngi

"Baby naman." bulalas ko kay Vine dahil nahihiya ako kay Erika

"Why? anything wrong? Oh okay sorry baby na-miss lang kita agad." sabi niya sabay tingin kay Erika

Pagkatapos naming mag-lunch ni Vine ay parehas na kaming nagpuntahan sa conference room para sa meeting namin kasama ang mga shareholders ng company.

Hapon na nung matapos ang meeting, nakausap ko na rin ulit si Mr. Gomez para sa late Christmas party na gagawin namin bukas sa Charity. Sinabi ni Vine sakin na sasabay na lang siya sa mga kaibigan niya sa 8th floor dahil may party na gaganapin kaya nagpasya na lang akong umuwi ng maaga. Pagkalabas ko ng building ay naabutan kong nakaangkas si Erika sa motor ni Mark suot-suot ang helmet na inabot ni Mark at tingin ko ay hahatirin nito si Erika pauwi.

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedKde žijí příběhy. Začni objevovat