Chapter II. Inevitable

14.4K 240 24
  • Dedicado a voters, readers, commentators
                                    

Simula nung araw na yon ay di ko mapigilang ngumiti hanggang sa nakauwi na ako ng bahay. Syempre medyo matagal na rin kaming hindi nagkita kaya niyaya ko siya nung kinagabihan nunn na magrefresh malapit sa isang sikat na resto na malapit sa beach. Ganun ako ka-sweet sa mga taong special sakin. I just can't believe na bukod sa goal na natupad ko na bilang CEO ng company ay makakasama ko pa sa araw na yun yung childhood friend ko na super special para saakin.

Nakatulog na ko habang paulit-ulit na iniisip ang pag-uusap namin ni Vine kanina, ni hindi ko makalimutan ang amoy ng pabango niya na nakakabuhay ng aura.I was thinking like natutuwa ako sa kanya at I'm excited to work with her too dahil magkadikit lang ang mga opisina namin dahil parehas kaming pumalit sa mga posisyon ng mga parents namin na nagretiro na sa pagiging opisyales ng aming kompanya. Pero what was I thinking? Paano pag nalaman niyang lipstick lesbian ako, baka naman iwasan nya ko? Eh bakit nga ba ganito ako kasaya eh kaibigan ko lang naman siya, it feels so weird but natuto lang ulit akong ngumiti ulit nung nakasama ko si Vine kahapon.

--

First day ko as the CEO of our company at panay greet ang mga employees and staffs ng company saakin mula hallway papunta sa 18th floor, di ako sanay kaya medyo nakakailang ng masyadong tinuturing na prinsesa sa company. Sa pagod kong maglakad with my 2 inches na high heels papunta sa desk ko ay napaupo ako at pinikit ang aking mga mata.

"Want a Coffee?" sabi ng isang familiar na boses ng isang babae.

Nung dinilat ko ang aking mga mata, si Vine agad ang nakita ko na nakasandal sa tapat ng desk ko, tinititigan nya ko habang nakangiti.

"Ano? Coffee muna tayo, mukhang antok ka pa eh." aya ni Vine sakin

“Vine! Ikaw pala yan, sure magcoffee muna tayo, maaga pa naman eh.” Sabi ko habang nakangiti kay Vine.

Nagpunta kami sa pinakamalapit na coffee machine sa office.

“Gwen.. so what do you like? Capuccino or coffee espresso?” tanong ni Vine habang nag-iinsert ng coin sa vending machine.

“Anything hot, I mean—anything warm.” Sabi ko habang nakasandal sa wall.

“Here, cappucino for us both, overtime tayo mamaya eh..” habang inaabot ni Vine ang cup of coffee.

“Thanks, alright so back to the office ulit.” Sabi ko kay Vine habang hinahawakan niya ang isa kong kamay, papunta kami sa office namin na window glass lang ang pagitan

Gwen’s P.O.V

Habang umiinom kami ng coffee ni Vine ay bigla niya kong tinanong.

“How’s your love life? Got a boyfriend?” habang nakaupo sa office chair niya na tila iniikot ikot niya ito.

“Zero, I got no time for that how about you?” tanong ko.

“Really? Di halata ah, you’re gorgeous! Me? We broke up months ago, so..single ako.” she responded.

“Ma’am Vine, may naghahanap po sa inyo, may client po yata.” biglang sabat ng secretary ni Vine na kakarating lang.

“Ganun ba? sige, tell him or her to wait okay.” utos ni Vine sa secretary niya.

Biglang naudlot ang pinag-usapan namin kaya back to work na naman kami.

“Gwen,I’ll be back later okay.” Sabi ni Vine habang papaalis ng office ko.

“Okay see you later!” I responded.

Habang nakaupo ako sa office chair ko ay tinitingnan ko ang magazine ng company namin as Bluefront is a Clothing apparel corporation na may mga models kaming finifeature every year sa magazine.

I was amazed nung nakita ko yung mga female models ng mga jeans and shorts section. Ang gaganda nila lahat..yun nga lang, bawal akong makipagrelasyon sa mga employees ko lalo na kung babae pa, kasi sa business rule, it’s very unethical to do that.

Anyways, masaya ako dahil lagi ko nang makakasama si Vine especially during overtime, nakakainlove ang ngiti niya, she’s so sophisticated and I’m sure na maraming nagkakagusto sa kanya kaya malabong magustuhan rin niya ako.

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora