Chapter XLIX. I belong to you

3.7K 89 4
                                    

Erika's POV

Habang lumilipas ang mga araw ay natutunan ko na ring mag-adjust bilang teacher. Marami na rin akong naging mga kaibigan na kapwa kong guro kagaya ni Blessy na napakabuti sakin kahit nung unang araw ko pa lang dito sa school. Lunch break namin ng mga co-teachers ko nung biglang tinawag ako ng school guard habang kumakain kami sa canteen.

"Ma'am Perez, ipinapaabot po pala sa'yo." sabay abot nya sakin ng isang bouquet of flowers at isang maliit na card

"Kanino galing?" gulat kong sabi saka binuksan ang card na may nakasulat na have a good day

"Di ko din alam ma'am eh ipinaabot lang daw dun sa bata, sabi eh ipaabot na lang daw po sa'yo." sabi ng guard

"Ganun ba, naku maraming salamat kuya ah." nakangiti kong sabi

"Ayieee.. kabago bago mo pa lang dito may mga admirers ka na. Iba talaga si Ma'am Erika."  kantyaw ng kapwa kong guro na si Hannah

"Oo nga, sino kaya yun? kainggit naman ang haba ng hair mo ma'am. Ako nagpa-extension na at lahat wala pa ring nanliligaw haha." natatawang sabi ni Blessy

"Okay lang yan girls, hindi minamadali ang love. Kusang dumadating yan kaya chill lang okay?" nakangiti kong sabi

Wala akong ibang maisip na pwedeng magpaabot ng rosas kundi si Mark lang kaya naman nung nagkita kami ay agad ko siyang pinasalamatan.

"Huh? sorry pero hindi ako yung nagpadala ng flowers. Siguro may iba pang nagkakagusto sa'yo." sabi ni Mark sakin

"Akala ko kasi ikaw, wala kasing sinasabi kung sino nagbigay eh." sabi ko

"Tara na, eto yung helmet." pag-aaya niya saking umangkas ng motor saka siya nag-drive pauwi

Mabilis nyang pinatakbo ang motor kaya naman sa sobrang lamig ng hangin ay napayakap ako sa kanya. 

"Mahal kita Erika!" sigaw niya habang nagdadrive

"Pahinto mo muna sandali, may sasabihin lang ako." bulong ko sa kanya saka niya inihinto ang motor sa isang bakanteng lugar

"Ano yun mahal kong prinsesa?" nakangiti nyang sabi saka inayos ang nahanginan kong buhok kanina sa biyahe

"Pumapayag na ko.." kinakabahan kong sabi habang tinititigan siya

"Saan?"tanong niya

"Na maging tayo..." nakangiti kong sabi

"Yes!! I love you!" saka siya napayakap sakin ng mahigpit at hinalikan ako sa pisngi

"I love you too."  sabi ko saka ko siya niyakap

"Pangako ko, hinding-hindi kita sasaktan." sabi niya saka niya ko hinatid pauwi

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero sa tingin ko eto lang ang tanging paraan para malimutan ng tuluyan si Gwen. Ang bigyan ng pagkakataon si Mark na matagal na akong hinihintay. Hindi ko din alam kung magiging maayos ang relasyon namin pero gagawin ko ang lahat para lang maging masaya kami pareho. Napamahal na rin sakin si Mark at oo mas naging special siya sakin mula nung binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataong ipakita sakin kung gaano siya kaseryoso kaya naman nung napatunayan niya kung gaano ako kahalaga sa kanya ay tingin ko ay handa na ulit akong magmahal.

Gwen's POV

Nakangiti akong nakaupo sa sofa mula nung sinabi ng guard sakin na tinanggap ni Erika ang pinadala kong bouquet.  Nahihiya akong harapin siya ngayon kaya naman ito na lang ang tanging naisip kong paraan to let her know that somebody still loves her. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko ngayon at isa na dun ang pangangamba ko kung may pag-asa pa ba ako sa puso ni Erika.

-

Tahimik akong nagbabasa ng librong kabibili ko lang nung bigla kong napansin na may kumakatok sa pintuan kaya naman walang anu-anu pa man ay ipininagbukas ko ang bisita. Laking gulat ko nung nakita ko si mommy. Di ko napigilang humahulgol habang niyayakap siya. Akala ko kasi ay wala na silang balak pang bumalik ng Pilipinas mula nung nalaman nilang hiwalay na kami ni Vine.

"I'm sorry mom.." umiiyak kong sabi kay mommy

"It's okay anak, di ka rin namin matitiis ng dad mo kasi mahal na mahal ka namin." sabi ni mommy

"Kamusta na po si dad? bakit po di nyo kasama?" tanong ko

"Ayun medyo nagtatampo pa rin sayo, nandun siya sa office. Actually we came here to tell you the good news." sabi ni mommy habang pinupunas yung mga luha ko

"Good news?" gulat kong tanong

"Remember your brother James? we saw him in L.A, and your dad appointed him to help you run the company." nakangiting sabi ni mommy

"Really mom? napatawad na siya ni dad? I'm so happy..thank you so much mom."  saka ko niyakap si mommy ulit ng mahigpit

Si James ang nakakatanda kong kapatid, actually he's my adopted brother. Dad sent him out of the house since he told them that he's gay. It's been seven years since I last saw him. Akala ko hinding-hindi ko na makikita si kuya kahit kailan pero di ko maipaliwanang kung gaano ako kasaya ngayon dahil sa wakas ay nandito na siya ulit sa Pilipinas.

-

Nung kinagabihan din ng araw na yun ay nag-set ang family namin ng dinner together sa isang restaurant malapit sa kumpanya. Di ko maipaliwanag ang saya ko nung muli kong nakita si kuya.

"Kuya!" tawag ko sakanya habang nakangiti saka ko siya nilapitan

"Gwen! lalong gumanda ang kapatid ko ah, musta naman buhay dito sa Pilipinas?" nakangiti nyang tanong

"Eto okay lang naman kahit medyo nakakapagod, it's nice to know you're back! Still looking good huh." natatawa kong sabi

"Bolera pa rin pala yung maganda kong kapatid." sabay kurot sa pisngi ko

"Para pa rin kayong mga bata, let's go take our dinner first." nakangiting sabi samin ni dad

Mula nung gabing yun ay ipinaliwanag ko kay dad kung bakit naghiwalay kami ni Vine. Humingi na rin ako ng tawad sa kanila ni mommy pero sinabi niya sakin na mula ngayon ay hindi na nila pakikialaman ang mga desisyon ko, na wala naman daw akong kasalanan as long as I'm happy with what I'm doing. Bukas na bukas din ay may grand meeting kami dahil i-oorient ko na kay kuya kung anu-ano ang mga tungkulin niya bilang Vice president ng kumpanya.

--

Francine's POV


Gusto ko sanang umuwi para surpresahin sina mama sa Pilipinas pero hindi pa natatapos ang kontrata ko dito sa Paris. Balita ko ay unti-unti nang gumagaling si Papa mula sa pagkaka-stroke niya kaya naman kahit papano ay gumagaan na rin ang pakiramdam ko.

"Ringg..ring...ring..."

 "Hello anak." boses ni mama over the phone

"Hello ma, kamusta na po kayo dyan?" tanong ko

"Okay lang kami ng papa mo anak,miss ka na namin." malungkot na sabi ni mama

 "Miss ko na din po kayong lahat ma." mangiyak kong sabi

"Kelan ka uuwi dito anak gustong gusto na kitang mayakap, pasensya ka na anak ha puro sakit ng ulo ang binibigay namin sayo ng tatay mo." sabi ni mama

"Okay lang yun ma ang importante kumpleto pa rin tayo." sabi ko

"Francine, Dane is calling you." tawag sakin ng kaibigan kong si Claire kaya naging maiksi ang usapan ni mama saka ako nagpaalam para puntahan si Dane sa dressing room.

--

A.N: Pasensya na, akala ko talaga matatapos ko na yung LS eh kaso masyadong busy po talaga ako sa school. Maraming salamat po sa mga nagbabasa pa. Pag natapos ko po tong LS, may bago po akong isusulat :) 

will update sooooon :P 

-Nicole

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now