Chapter XXI. Lilac and Jasmine

6.6K 106 2
                                    

Francine's POV

Maaga akong pumasok sa work dahil may bago na naman daw akong endorsement sabi ng fashion designer ko na siyang manager ko din. Sa di inaasahang pagkakataon, nakasalubong ko ang ex boyfriend kong si Dave, matagal na rin siyang print ad model at matagal na rin kaming di nagkita dahil sa pagpunta niya noon ng Europe kung saan yun ang naging main reason ng break-up namin. Ano kaya ang ginagawa nya dito?mukhang may project din sya ah?

Isang oras na ang lumilipas ay hindi pa rin dumadating si Sir pero makalipas ang ilang sandali nakatanggap ako ng text message.

"Sorry Franz, may appointment kami ni Mr. Gomez sa Taguig, moved na yung screening nyo bukas." txt ni Mr. Dizon


Hindi ko maiwasang mainis sa mga boss ko lagi nalang nakacancel yung mga appointments kung kelan prepared ako.Umuulan sa labas kaya naman minabuti ko nalang magstay muna sa lobby bago umabang ng taxi pauwi. Mula sa di kalayuan, tanaw na tanaw ko si Gwen na papalapit..nakasuot siya ng shades at nakacorporate attire, napakaattractive nya, halos lahat ng tao sa lobby mula sa gate ay napapatingin sa lakas ng appeal nya.

"Francine.." bati ni Gwen

"Oh..balita ko hinatid mo si Vine kahapon sa airport, totoo ba yun?" tanong ko

"Oo..hindi pa nga tumatawag sakin mula kahapon eh, connecting flight kasi siya at 20 hours bago siya makarating dun." paliwanag nya

"Hayaan mo, tatawag din yun.." sabi ko

"Oo..pagod na pagod yun panigurado.." malungkot na sabi ni Gwen 

"Halatang lungkot na lungkot ka, I understand, hindi madali sa ngayon yan pero masasanay ka rin na magkalayo kayo." sabi ko

'Siguro..oo ganun talaga, may pasok ka ba ngayon?" tanong ni Gwen

"Wala, bakit? gusto mo samahan kita para di ka na malungkot?" pag-aaya ko habang nakangiti

"Sige..punta tayo kahit saan, kahit saan magdadrive ako." nakangiting sabi ni Gwen hawak hawak ang braso ko

Dumerecho kami sa kotse ni Gwen then nagdrive sya ng mga 30 minutes then after that huminto kami sa isang napakagandang garden.

"Wow Gwen ha, may nalalaman ka palang ganito." pagbibiro ko nung pagbaba ko ng kotse

"Favorite kong puntahan to nung bata pa ako..nung kasama ko sina Vine at Nathan, madalas dito kami naglalaro." sabi ni Gwen

"Ganun ba, kaya naman pala eh..mahilig ka din pala sa flowers ano?anong favorite mo dyan?" tanong ko

'"Pikit mo mga mata mo.." sabi ni Gwen

Pinikit ko rin ang mga mata ko habang nakangiti..Amoy na amoy ko yung bango ng bulaklak na gustong gusto ko sa lahat.

"Anong bulaklak to?hulaan mo..it's my favorite flower." Gwen said

"Jasmine." nakangiti kong sabi habang dahan dahang binubuksan ang mga mata ko

"Wow! how did you know?" sabi ni Gwen

"It's my favorite flower too." I smiled

"Magkakasundo pala talaga tayo..tara, maupo muna tayo malapit sa fountain." aya ni Gwen

Pagkaupo namin sa bench ni Gwen, pumitas ako tatlong bulaklak na lilac, bukod kasi na purple pink ang kulay nito ay napakasoothing and sweet smelling ng flower na to. Dahan dahan kong nilagay sa may taas ng tenga ni Gwen, pero medyo natanggal ko yung shades nya at dun ko nakita ang magang maga na mga magaganda nyang mga mata.

"Oh magang-maga pala mga mata mo ah!' sabi ko

"Okay lang ako, napuwing lang." sabi nya habang hawak hawak yung mga bulaklak na pinitas namin

"Anung okay? para ka ngang nabagsakan ng langit eh, halika nga at makauwi na." sabi ko

"Mamaya na kailangan ko magrefresh.." sabi ni Gwen

Biglang umulan ng malakas kaya naman wala na kaming choice kundi magstay papunta sa kotse ni Gwen upang sumilong. Maggagabi na nun kaya naman halos maidlip na kami sa lamig at inip sa napakalakas na ulan.

"Oh okay ka lang ba? alam ko namimiss mo sya pero dapat kayanin mo, distance lang yun kaya wag ka masyado malungkot." payo ko

'Kinakaya ko naman eh, lahat lahat kinakaya ko para samin pero masaya ako, sobrang saya ko tuwing kasama ko siya kaya hindi ako sanay na wala siya..di ko kaya." sabay hagulgol ni Gwen sa front seat

"Wag ka nang umiyak, alam mo nakakapangit yan..mahal ka naman ni Vine kaya wala kang dapat ipag-alala di ba?" sabi ko

"Oo pero natatakot ako eh..natatakot ako na baka isang araw sabihin nalang nya sakin na hindi na siya masaya...na nahihirapan na sya.." patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ni Gwen

Ngayon ko lang syang nakitang nagkaganito at bilang kaibigan, masakit para sakin na nakikita syang nasasaktan..Hindi ko mapigilan ang sarili kong makita si Gwen na umiiyak, kaya habang pinupunasan ko ang mga luha nya, niyakap ko sya ng mahigpit.

"Tahan na..andito naman ako, bilang kaibigan mo hindi kita hahayaang nagkakaganyan na lang..wag ka na malungkot..ssshh.." pagtatahan ko kay Gwen sa pag-iyak

"Maraming salamat Francine ha, napakabigat kasi sa pakiramdam yung magpapanggap ka na okay lang ang lahat kahit hinding hindi na okay." sabi ni Gwen

-

Vine's POV

After 20 hours na pagtravel, sa wakas ay nandito na ko sa New York! Super tiring talaga ang trip kaya naman haggard na haggard ako. Nagcheck-in muna ako sa hotel malapit sa Timesquare para makabawi ng tulog bago ko puntahan si Nathan sa Richmond kung saan sya nakaconfine.

Hindi ko pa rin natetext si Gwen kasi di pa ako nakabili ng roaming na prepaid card. May halong kaba at lungkot ang nararamdaman ko ngayon, sana naman maging maayos ang lahat pagkatapos ng pagsubok na to..

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon