Chapter XXII. A Thousand miles

6.7K 97 1
                                    

Nathan’s POV

Umaga nung dumating si Vine habang nagpapahinga ako sa hospital, saktong kakaalis lang ng doktor kaya hindi nya naabutan ang mga mahalagang findings ng doktor sakin.

“Nate..” sabi ni Vine habang papalapit sakin na may bitbit na mga prutas

“Oh Vine, I missed you!” pilit kong pagbabangon mula sa bed

“I missed you too, how’s your health? Eto fruits oh para maging magaling ka na.” sabi ni Vine sakin

“I’m okay nakakarecover naman na ako.” pagsisinungaling ko

“Good news, andito ako para alagaan ka since alalang alala kami nina dad at yung family mo.” Sabi nya

“I know Vine, makita lang kita gumagaling na ako eh,thank you so much.” Sabi ko habang nakangiti

“Naks, bolero ka pa rin.. ampayat payat mo na ah.. kumain ka ng marami para magkaroon ka ng lakas.” Sabi nya habang pinaghahandaan ako ng kakainin

Sobrang mahal ko si Vine, thank God at natupad na rin yung mga prayers ko na makita sya kahit man lang sa huling sandali ng buhay ko. Sa totoo lang napakalala na talaga ng condition ko pero kinakaya ko lang para sa family ko at para sa mahal kong si Vine, gusto ko pa syang makasama ng matagal…

Vine’s POV

Pagkatapos kong magcheck-in sa isang malapit na hotel sa Time Square,nagpahinga muna ako at kinabukasan ay naghanda na ako para puntahan si Nathan..bumili ako ng mga prutas at agad akong nagpunta sa address ng hospital na binigay niya sakin.

Pagkarating palang sa room nya kitang-kita ko ang matamlay na Nathan na sobrang payat..nakakaawa ang kalagayan ni Nathan kaya naman naluluha ako habang papalapit sa kanya. Ang sabi niya sakin okay lang sya at nakakarecover pero nalulungkot ako na makita syang nanghihina at nag-iisa at wala man lang kahit isa sa parents nya ang nag atubiling alagaan nya dahil busy sila pareho sa business.

Makalipas ang ilang oras na pagbabantay kay Nathan ay nagpaalam muna ako para bumili ng prepaid nang matawagan ko si Gwen..

Ringgg…ringgg ringgg

“Baby..nagkita na kami ni Nathan..kamusta ka na dyan?” sabi ko

“Baby, miss na miss na kita, okay lang ako.. I love you mag-ingat ka  dyan ha?” sabi ni Gwen

“Oo baby ikaw din huh? Nasa house ka ba?” tanong ko

Oo baby, musta nga pala si Nathan, kumusta na pakiramdam nya?” tanong ni Gwen

“Ayun matamlay na matamlay sya baby pero sabi raw ng doktor na nakakarecover na sya unti-unti..don’t worry okay binabantayan ko naman sya.” Sabi ko

“Alalang-alala kasi kami nina dad eh.. sige baby, take care always.” Pagpapaalam nya

“Sige baby I love you ulit.” Sabi ko

“I love you more.” Huli nyang sabi

Namimiss ko si Gwen sobra pero alam ko sa sarili ko na pag gagaling na si  Nathan magkikita ulit kami at hinding hindi na kami magkakalayo.

Naglakad ako pabalik sa hospital para bantayan si Nathan pero laking gulat ko nung nakita ko ang isang babaeng papasok ng billing department ng hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung ex-girlfriend kong si Gia, maganda siya,maputi at matangkad, naghiwalay kami dati dahil di sya naging faithful sakin, pinagsabay nya kami ng workmate nya. Isa din yun sa mga dahilan kung bakit nagpasya akong bumalik sa Pilipinas nuon, dahil mahal na mahal ko sya pero kailangan kong makapagmove-on, masakit kasi sakin ang paghihiwalay namin.

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedWhere stories live. Discover now