Chapter 43

4.6K 217 67
                                    

G R A Y

READ AT YOUR OWN RISK 🔞


"Is everything okay, baby?" Gabrielle asked for the 9th time. Hindi ako mapakali sa inuupuan ko at aware akong nasa ibang lugar ang diwa ko. Nag pakawala ako ng malakas na buntong hininga na mas lalong nag pakunot sa kaniyang noo.


Nandito kami ngayon sa kwarto ni Gabrielle. Ang mga magulang niya ay nag papahinga na din sa kabilang espasyo ng kaniyang unit. Napatingin naman ako sa kulay bayolet niyang wall clock. Alas dos na pala ng tanghali.



Naramdaman ko ang pag hagod niya sa aking balikat. "Ano ang nasa isip mo?" Mahinahon ang kaniyang tuno.



"Nasaan pala si Clarity?" Alam kong naguluhan siya sa tanong ko ganon din ako. Bigla nalang lumabas iyon sa bunganga ko.



Hindi ko mawari pero parang nag dadalawang isip na ako.


Nagulat naman ako sa marahas nitong pag tayo. Pero hindi na ako nag aksaya pang bigyan siya ng pansin. Madaming tanong ang nag lalakbay sa isip ko.



Hindi na ako nag taka ng marahas niyang ibinalibag ang pinto. Napailing nalang ako.



Inayos ko ang aking suot na t-shirt at pantalon. Buti nalang may dala ako pamalit dahil makati sa katawan ang tuxedo na yon.



Hindi mo siya kailangan pag dudahan, Gray.



Nadatnan ko itong nakahalugipgip habang nanonood ng telebesyon. Mahinahon naman ako nag lakad patungo sa kaniya at dahan dahang umupo sa kaniyang tabi.


Wala itong kibo. Animo'y pinapakiramdam ang isa't isa.


Masuyo kong hinawakan ang kaniyang kamay at pinisil pisil ito. Alam kong kasalanan ko kung bakit ang dami ding nag lalaro sa kaniyang isip dahil sa inaakto kong to.



"I'm sorry." Bulong ko ngunit alam kong narinig niya.


"Tell me what's on your mind, Gray. I need to know everything." Mahinahon niya paring sambit. Napangiti ako. Mas lalo ko tuloy siyang minamahal. Ang laki talaga ng kaniyang pinag bago ng dumating ang anghel sa buhay namin.


Napatingin ito sakin. Napangiti na rin siya. Bakas sa kaniyang mga mata ang pag aalala at saya. Marahan niya pang hinimas ang kaniyang bilogang
tiyan.


"Masaya ka bang dala dala ko ang magiging anak mo?" Napatawa ako ng mahina dahil sa hirap niyang pag salita ng tagalog. But, i know she's trying. Napatango naman ako sa kaniyang sinabi.


Hinalikan ko ang kaniyang kamay. Bumaba ako upang mahawakan ko ang kaniyang tiyan. Hinalikan ko din ito ng puno ng pagmamahal.



Wala kang dapat ipangamba, Gray.



Tumingkayad naman ako upang mahawakan ang kaniyang mukha. Inilagay niya ang aking kamay sa kaniyang pisnge at bumulong. "I love you."



"I love you too, Lavi." Mabilis ko namang tugon.


Ngumiti ito at hinila ang batok ko. Banayad lamang ang halik. Hindi nag mamadali. Sinipsip ko ang kaniyang dila na mas lalong nag pahigpit sa paghawak niya sa aking batok.



Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Oct 19, 2022 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

She DevilWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu