Chapter 5

5.1K 212 9
                                    


G  R A  Y

"Deny pa more Gray! Hinding hindi mo ako maloloko" nakangisi na naman si Markin. Nakakairita siya! Kanina niya pa sinasabi sakin na may gusto ako kay Gabrielle kahit wala naman. Talaga ba? Tudyo naman ng utak ko. Isa ka pa!

"Hindi ko nga siya gusto tsaka pano mo ba nasabi na may gusto ako sa kanya? Heart reader ka?" Maasim kong sabi sa kanya at uminom ng coke. Andito kami ngayon sa cafeteria. Palinga linga ako baka sakaling makita ko siya. Alam kong alam niyo naman kung sino yon.

"Iba kasi ang titig mo sa kaniya tsaka tignan mo para kang tangang linga nang linga. Hinahanap mo na naman siya. Iba na talaga yan toll!" Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"H-hindi ko nga siya gusto! Tsaka mukha siyang masungit Markin! Alam mo naman ang mga tipo ko." Napaisip naman si Markin at tumango na rin siya.

"Hindi ko naman talaga tipo ang mga masusungit na babae. Lahat ng mga minahal kong babae puro mababait, ideal girlfriend kumbaga. Tsaka kung magustuhan ko man siya alam kong di niya rin iyon masusuklian. Dahil babae ako at babae rin siya. Baka nga homophobic pa siya eh pero well wag natin siyang i-judge. Basta, kailangan itigil kong ano ang dapat itigil. Napabuntong hininga ako bago ubusin ang inorder kong recess.


"A-ah Miss nasan po si Mr. Wang?" Nakangiti kong tanong sa head officer ng school namin. Ngayon ko kasi kukunin yong birth certificate ko tsaka ang resume ko para makapag apply na ako sa Cafe. "Any appointment with him?" Tinaasan niya ako ng kilay kaya ganon din ang ginawa ko.

Any appointment ka pang nalalaman akala mo naman nasa isang kompanya kami. Masyadong pormal tong babae na to! Ang kapal kapal naman ng make up akala mo nasa bar.

"May kukunin lang ako Miss" Ngumiti pa rin ako kahit na mukha siyang clown. "At ano naman yon? He's busy." Nakatingin siya sa pink niyang nail polish. Halatang bored siya habang kausap ako as if naman nakakatuwa siyang kausap.

"Kukunin ko lang birth certificate ko at resume yon lang Miss." Napa tsk pa siya bago umalis sa harap ko. Naka kunot noo akong tumingin sa kanya nung bumalik siya. "What's your name?" Nag pigil ako ng tawa bago mag salita "Gray Anderson." Napahagpak ako ng tawa dahil na rin nag walk out siya ng hindi tinatanong pangalan ko. Napailing nalang ako.

"Here" Kukunin ko na sana kaso bigla niyang nilaglag sa sahig. Kaya kinuha ko nalang ito ng padabog. "Salamat ha?" Sarkastiko kong sabi at nag lakad na palayo.

Nakakainis ang babaeng yon! Kala mo kung sinong maganda. Nag iisa lang naman ang maganda sa iyo tudyo na naman ng utak ko. Pwede bang mag tanggal nang utak? Nanadya na e.


"Ang pogi mo naman Gray! Ngayon ko lang napansin na nag pagupit ka. May pinopormahan ka ba rito? Sino ba yan? I-share mo naman."Kinukurot pa ni Ellie ang tagiliran ko habang nakangiti. Porke't nag pagupit may pinopormahan agad? Hindi ba pwedeng gusto lang? Wala ba talaga? Tudyo na naman ni isip, alam niyo na.

"Wala naman Ellie! Medyo mahaba na buhok ko e. Ah, ellie ano may sasabihin ako."

"Ano yon Gray! Sabihin mo na dali baka mamaya andyan na prof natin."

"Wala!"

"Ano nga? Isa Gray!" Taray.

"A-ano k-kasi"

"Ano?"

"H-hindi m-mo b-a ka-sama si G-gabri-elle?"

Nakasingi siyang nakatingin sa akin, kasama na rin si Markin.

She DevilWhere stories live. Discover now