Chapter 16

4.2K 166 7
                                    


YR 2008

"Ate Steph! Please? Take me away from here." garalgal nitong sabi at hindi niya na napigilan ang pag iyak dahil hindi na kaya ang dinadamdam niya. Walang magawa ang nakakatanda niyang kapatid kundi yakapin lang ito nang mahigpit. Napansin niya ang pag flinch nito nang magtama ang kanilang balat sa isa't isa. Kaya bahagya itong lumayo at pinagmasdan ang nakakabatang kapatid. Nanghihina ang kanyang mga tuhod dahil halos hindi na niya makilala ang kanyang kapatid.






"What did they do to you!?" hindi na napigilan nang kanyang Ate ang namumuong galit sa kanyang kaibuturan. Halos mawasak ang kanyang puso nang makita ang putok sa labi nang kanyang kapatid at ang mga malalaking pasa nito sa boung katawan. Napakuyom siya nang kamao at pinag susuntok ang pader na nasa kanyang harapan. Naawa siya sa sinapit na kayang nakababatang kapatid ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang magawa. Hinalikan niya na lamang ito sa noo at hinawakan nang mahigpit ang kanyang kamay. Hindi niya na napigilan ang pag tulo nang kanyang mga luha.






"I'm sorry. I can't do anything. I'm sorry." napuno nang daing at pighati ang kwarto nang mag kapatid.





+++

"Ano ba talagang nangyare sayo tol? Ang tanga mo naman kong natapilok ka lang." napalabi nalang ako bilang sagot kay Markin. Napaka kulit din nang isang to. Pagkatapos umalis ni Gabrielle ay nakatulog na lang din ako. Nagising nalang ako nang gising ako ni Markin dahil maaga ang uwian ngayon kasi may mga meeting ang mga teachers kasama ang principal.




"Oo nga! Okay lang ako. Bukas okay na 'to. Pasensya kana tol ha?" hinging paumanhin ko naman sa kanya. Ngumiti lang siya at tinapik ang braso ko. Inaakay niya na ako ngayon papunta sa motor niya. Naiuwi niya na din si Baby Tristan bago siya pumunta sa clinic.




"Nako! Wala yon. Ano palang ginawa mo kay Gabrielle? Hindi na siya pumasok pagkatapos niyang pumunta e. Sobrang worried si Ellie." bigla naman akong nalungkot dahil alam ko ako ang dahilan non. Nakakatakot yong mukha niya kanina. Hindi lang normal yong masamang tingin niya sa akin kanina, alam kong may iba pa. Tinext kona rin siya kaninang pag kaalis niya at nililinaw ko sa kanya na I like Meagan as a friend. Sinusubukan ko din ang pagtawag sa kanya ngunit palaging 'subscriber cannot be reach'. Kaya nakatulog na lang din ako kakaantay sa reply niya.



"Tinanong niya kasi sakin kong may gusto ako kay Meagan at bigla nalang siyang lumabas. Hays!"






"Baka nag seselos yon tol! Ano bang sinagot mo? Don't tell me that you like her? Ayos yon tol! Para mapalapit naman ako kay Keziah." binatukan ko naman siya at inirapan nalang. Nag seselos?! Si Gabrielle? Impossible! Bakit naman siya mag seselos? Maniniwala pako kong tinotoyo na naman siya. Tsk! Ang hirap spellingin nang babaeng yon!







"Ano kaba!? Malamang hindi. Si Gabrielle nga ang gusto ko diba? Tsaka hindi ko pa nakakalimutan yong ginawa mo kanina sakin ha! Pa deny deny kapa. Tignan mo inamin mo din." napakamot nalang siya sa batok niya at inalalayan niya na akong sumakay sa kanyang motor. Naigagalaw ko naman na nang paunti unti ang paa ko pero andon pa rin yong kunting kirot. Maraming salamat nalang talaga kay Gabrielle dahil sa pagmamasahe niya sa akin. Hays! Sana okay lang siya. Itetext ko nalang ulit siya mamaya.







"Tol nakita moba si Clarity? Dalawang araw na siyang hindi nag papakita sa atin ha." isa din yong babaeng yon. Hindi manlang nag papaalam samin kong saan pupunta at kailan ulit siya babalik. May lahi talagang kabuti yon. Susulpot at susulpot sa hindi malaman na dahilan at lugar.




She DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon