Chapter 1

11.8K 377 13
                                    

Here you are, moving ahead bravely despite everything that went wrong.
- Rithvik Singh

Gray

"Pwede bang pakihinaan ang boses mo Miss? Nakakairita." Balibag kong angil sa babaeng ngayong nakaupo sa harapan ko.

Inirapan lang ako nito at tinalikuran. Walang modo talaga ang babaeng, are!

Pinagmasdan ko ang kanyang likuran. Mukha itong mayaman at elegante. Hindi ko maaninag ng maayos ang kanyang mukha dahil na rin ang buwan lang ang aming nag sisilbing liwanag.

Mistula itong tuta na naligaw sa kung saan saan. Mabuti nalang talaga at galing ako kila Aling Bibang kaninang mapansin ko siyang hila hila at malapit ng parausan ni Mang Carding.

Kinuha ko naman ang panyo na hawak hawak ko at inamoy ito. Tsk! Di naman ganon kasama ang amoy.

Dahan dahan akong humakbang papalapit sa kanyang likuran at ipinatong sa kanya na parang balbal ang panyo. Tila nagulat naman ito pero agad ding hinawakan ng mahigpit ang panyo na siyang ikinalayo ko.

"Uh... T-thank you...fo-for t-this." Garalgal niyang wika na halata mong nanginginig na sa lamig at takot. Di na lamang ako umimik at dahang dahang tumabi sa kanya.

"Ayaw mo pa bang umuwi?" Mahina kong bulong habang nakatingin sa kawalan.

Napabuntong hininga ito at tila napangiti ng mapait.

Napatingin ako sa gawi nito. Akala ko may makukuha akong sagot sa kanya ngunit, wala pala.

Napailing nalang ako habang nakatingin sa kabihasnan. Napapitlag naman ako ng maramdaman ko ang kanyang ulo na sumandal sa aking balikat.

"Let me rest, Mister." Napatingin ako sa kanya at ganon na lang ang pag hanga sa aking mga mata ng masilayan ang kanyang mukha.

Napakaganda niya!

"Staring is rude, Mister."

"Babae ako, Miss."

"How come you're a great fighter?" Mahinahon nitong wika at kasabay nitong idinilat ang kanyang mata. Hindi ko namalayan nakatitig ako sa kanya mag damag. Psh.

"Lalaki lang ba dapat ang marunong?" Nakangiwi kong tanong sa kanya.

"Of couse not, silly!" Mahina naman itong humagikgik na ikinalundag ng puso ko. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang pamamasa ng mga palad ko.

"Baka naman balak mong sabihin sa akin ang pangalan mo."

"Why would I do that?"

"Kasi niligtas lang naman kita?"

"You are still a stranger, Mister."

"If I kiss you right now, am I still a stranger? Natutop ko naman ang bibig ko sa nasambit kong iyon! Hindi ko din alam bakit yon ang lumabas sa bunganga ko, what a dick!

"Such a flirt."

"Do you find it uncomfortable?"

"Not at all."

Limang minuto din ang tinagal ng mapansin kong dahan dahan niyang inalis ang kanyang ulo sa aking balikat at tumayo.

Napatingala nalang ako sa kanya."Can you accompany me?" Mahihimagan mo sa tono ng boses niya ang pagiging bossy ng tanongin niya ako.

Napatitig muna ako sa kanyang mukha at tumango.

Pamilyar talaga siya. Hindi ko lang mawari kong saan ko siya nakita. Tumayo na din ako at inayos ang puti kong damit.

She DevilWhere stories live. Discover now