Chapter 19

3.9K 165 14
                                    



YR 2004

"Goodjob, Gabrielle." ganon nalang ang pagkagulat niya nang nahuli siya nang kanyang Tito Sebastian sa kaniyang ginawa. Tumingin siya dito at nabungaran niya ang kaniyang Tito Sebastian na nakangisi at halata ang pagkamangha nito sa nasaksihan. Biglang nalang siyang nanlumo dahil alam niya sa kaniyang  sarili na pareho na sila nang kanyang Tito Sebastian. Nanginginig ang kanyang mga kamay at mga tuhod nang lumapit sa kaniya ang kaniyang Tito Sebastian na palaki nang palaki ang pagkaka ngisi.





"M-mag papaliwanag ako Tito. It's not like that." sinisikap niyang tumingin sa left side dahil alam niyang malalaman nang kanyang Tito Sebastian kong nag sisinungaling ba siya o hindi. Mas lalong lumaki ang pagkangisi nang kanyang Tito Sebastian. Nanginginig na rin ang kanyang ibabang labi kaya itinapat niya sa kanyang bibig ang kanyang kuko. Mannerism niya ito kapag nasa pagitan siya nang pagsasabi nang totoo o ang pag sasabo nang mali. Alam niyang dinagdagan niya lang ang rason upang hindi maniwala sa kaniyang ang kanyang Tito. Ano nga bang gagawin niya? Hindi siya makapag isip nang maayos dahil sa kaba at takot na nanalantay sa kaniyang kaibuturan.






"You don't need to lie Gabrielle." hinawakan nito ang baba ko at ipinaharap sa kaniya. Tumingin ako sa kanyang mga mata, I saw hurt, greed, grief and disgust on her eyes. Pero bigla itong nag laho at napalitan nang blankong aura. Alam kong may ikinukubli ito sa kaniyanng maskara.





"I'm not lying! Scarlet is too stubborn so i had to do that." tinanggal na niya ang kamay niya sa aking baba. Tumalikod ito nang sandali at humarap din sa akin na may ngisi sa kanyang labi. This time mas nakakatakot ang aura nito. Nakita kong napakuyom ang dalawa nitong palad. Napalunok ako. "You know what Gab. I hate liars." ramdam ko ang pait at ang pinang huhugutan niya nang sinambit niya iyon. Hindi ako makapag salita. Walang lumalabas sa bibig ko. Ang tanging nagawa ko lang ay pagmasdan ito. Gwapo ang kanyang Tito Sebastian. Hindi katamtaman ang laki at hugis nang kanyang katawan pero masasabing pwede siyang ipanlaban sa mga pageant at bumagay ito sa hugis nang kaniyang mukha. Nababalitaan niya din na maraming nagkakagusto dito ngunit wala siyang interes upang e-enertain sila, naikwento yon dati nang kaniyang mga Tita's noong may mga family gathering. Hindi niya lang talaga maisip kong bakit sa dinarami nang tao sa mundo bakit ang Tito Jack niya pa ang napusuan nito?







Hindi naman siya bobo para mag bigay nang judgement sa kaniyang mga nasasaksihan. Dahil alam niyang may malalim itong dahilan. May malalim na dahilan kong bakit kailangan mong gawin ang  isang bagay na alam mong mali para sayo at para sa ibang tao. "Alam mo kasi Gabrielle kong hindi mo tuturuan nang leksyon ang mga tao uulit at uulit sila. Aabusuhin ka nila." umupo na ito sa tabi ko. Hindi pa din tumitigil ang pagwawala nang kaba sa sistema ko.






"P-pero ba-bakit?... kailangan mong gawin iyon?" mahinang wika ko naman pero alam kong narinig niya ang mga huli kong sinabi. Napatingin ito sa akin at umiling iling. "Akala mo ba inosente ang Papa Alfred mo?" nagulat naman ako sa sinabi niya. Tumango naman ako dahil mabuting Ama sa amin si Papa Alfred. Lahat nang mga gusto naming gawin ay sinsuportahan niya. Hindi siya ganon ka strikto dahil palagi niya kaming pinapaalalahan sa aming mga limitasyon. Wala akong maipintas sa aking Ama. Kapag mga holidays, important events ang pamilya namin ay hindi niya ito kinakalimutan. Lumalabas kami kapag may free time ito, pumupunta sa mall, kumakain sa iba't ibang restaurant, nag bobonding kaming tatlo. At alam  kong yon ang pinakamasayang araw sa buhay ko... Dahil ang aming Papa Alfred ay hindi nag kulang sa amin, never siyang nag kulang. Hindi ko kailanman naramdaman ang pangungulila sa aming Ina dahil sobra na ang pagmamahal at atensyon na binibigay nang aming Papa Alfred. Kaya sobra kaming nag papasalamat na siya ang naging magulang namin.






She DevilWhere stories live. Discover now