Chapter 10

4.7K 162 0
                                    


Gray Anderson in the thumbnail!

G R A Y

"Tay ako na po diyan. Mag pahinga na mona kayo." napatango naman si Itay at agad agaran ko naman siyang hinila nang upuan upang makapag pahinga siya.

Ang lakas nang tirik nang araw dito sa Karenderya nila Itay at Aling Koring. Sabado kasi ngayon at nakagawian ko na din na tumulong kay Itay lalo na kapag hapon dahil alam kong madali siyang mapagod dagdagan mo pa ang init nang panahon.


"Okay lang ako nak. Umupo ka mona dyan, wala pa naman masyadong bumibili dahil weekend ngayon." umupo nalang rin ako at habang pinupunasan ang butil nang mga pawis na nag lalandas sa mukha ko at sa braso ko.



Tama naman si Itay dahil hanggang lunes at biyernes lang naman ang pasok dito sa Calle. Ngunit meron pa din namang bumibili maliban sa mga estudyante kagaya nalang kapag may mga estranghero napapatingin sa mga paninda nila Itay. Yon nga lang ay matumal dahil hindi naman palaging ganon ang nangyayare.


"Kamusta pala ang pag aaral mo Gray? Pati na rin ang pagtratrabaho mo? Hindi mo ba napapabayaan ang pag aaral mo niyan?" tanong naman ni Itay sakin habang nag papaypay siya gamit ang karton. Ngumiti naman ako kay Itay at nag thumbs up.



"Mabuti naman Itay. Wala pang masyadong ginagawa dahil first week palang nman. Wag po kayong mag aalala Itay, kayang kaya ko pa naman po."  napangiti nalang din si Itay at tumayo upang bigyan ako nang mainit na yakap. Dakilang sweet talaga ang Itay ko lalo na kapag ganitong mga usapan.



"Maraming salamat anak ha? Kahit kailan hindi ka naging pabaya sa pag aaral mo at sa pag tulong sakin. Napaka swerte ko dahil ikaw ang naging anak ko." hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Itay at tsaka siya hinirap sakin. Nakangiti ito at makikita mong sincere talaga siya sa mga sinasabi niya sakin.



"Wala yon Itay. Responsibilidad ko po iyon bilang anak ninyo at nag papasalamat din po ako sa pagtanggap ninyo sakin kaya ako po yong maswerte. Wag na tayong mag drama Tay! Di bagay sa pogi nating mukha." natatawa kong sabi at tumawa na din si Itay at bumalik na sa kanyang pwesto.



"Ay anak may bago bang lipat dyan sa may tapat natin?" napatingin naman ako kay Itay at halata sa mukha ko ang pagtataka.  Napailing nalang ako bilang sagot kay Itay.



"Wala naman akong napapansin Itay na may nakatira na diyan sa malaking bahay. Bakit nyo naman po natanong?"




Matagal na kasing walang nakatira diyan sa Malaking Bahay na nasa tapat namin simula palang nong bata ako. Usap usapan naman dito ay lumipat sila sa ibang bansa pero mayroon pa din namang caretaker na nag lilinis weekly kaya hindi mo makikita na abandonado na ito. Yan lang ang nag iisang Malaking Bahay na nakatayo dito sa Calle. Ngunit kahit walang nakatira diyan ay walang nag tatangkang magnakaw o manloob man lang dahil malalagot talaga sila.



"Napansin ko lang kasi ang magarang kotse doon nong isag araw at tinitignan nang maigi ang Malaking Bahay. Sa pagkakaalam ko naman hindi iyan binebenta."



Ngayon lang kasi nagkaroon nang aaligid diyan sa Malaking Bahay na yan. Simula nong nag kaisip na ako wala pakong nakikita na nakatambay manlang dyaan sa Malaking Bahay dahil takot lang nila. Makapangyarihan at mayaman ang nakatira dyaan sa Malaking Bahay kaibigan ito nang Gobernador nang Manila kaya walang nang tatangka dito. Kaya nakapag tataka naman talaga na may nakita diyan si Itay na magarang kotse. Alam ito nang boung syudad nang Manila.



She DevilWhere stories live. Discover now