Chapter 21

4K 170 33
                                    


Gray Anderson in the thumbnail!

YR 2004

"Patayin natin ang Papa mo." napatingin naman ako sa kaniya. Wala akong makitang bakas nang pag sisisi sa kaniyang binitawan na salita. Umiling iling ako. Ganon na ba siya ka demonyo? Pati ang sarili niyang kapatid kaya niyang paslangin, sabagay na gawa niya nga sa kaniyang kadugo at sa kaniyang minamahal. Hindi ako pinalaking stupida para sumunod sa gusto niya. Kailangan kong makipag laro sa kaniya upang malaman ko ang binabalik niya.





"Are you nuts?!" asik ko naman sa kaniya. Tila hindi niya nagustuhan ang sinambit ko dahil naramdaman ko ang galit sa aura niya. Hinawakan ako nito sa baba at sinampal. Ramdam ko ang pamumula nang mukha ko at ang pag iinit nang mata ko. Ngayon lang may nag tangkang pag buhatan ako nang kamay at saktan ako nang pisikal. Maski ang mga magulang ko ay hindi ako sinasaktan ngunit siya na Tito ko lamang ay somosobra na. Mas lalo niya lang pinapakita sa akin na marumi siyang mag laro.





Nag pupumiglas ako sa kaniyang pagkakahawak sa baba ko ngunit mas lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin. Napakagat naman ako sa aking ibabang labi dahil nararamdaman ko na ang pananakit nang baba at nang mga kamay ko. " Yan ang mga napapala nang mga matitigas na ulo." sinamaan ko lang siya nang tingin na mas lalong ikinangisi nito. Demonyo nga talagang maituturing ang kagaya niya. Inilapit nito ang mukha niya sa akin at inamoy amoy ang buhok ko. Nakakatindig balahibo. Nalanghap ko ang amoy nang sigarilyo at alak sa kaniyang hininga. Mas lalong lumakas ang kabog nang dibdib ko at pati ang panginiginig nang aking boung sistema.







Hindi ko alam kong ano ang nasa isip nito at ang kaniyang binabalak na gawin lalo na't alam kong nakainom siya. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay niya sa aking baba, kumikirot na ang panga ko. "Madali naman akong kausap." binitawan niya ang baba ko at umalis sa harapan ko. Hinawakan ko naman ang panga ko at minasahe ito gamit ang isang kamay ko na walang sugat. Naramdaman ko ang paglapit nito sakin habang nakatayo. Kumuha siya nang sigarilyo sa kaniyang bulsa at sinindihan ito. Tinakpan ko na naman ang ilong ko habang umiling iling. "Kong ayaw mong pumayag sa gusto ko..." tumigil ito sandali at mariin akong tinignan. Itinapat niya ang kaniyang sigarilyo sa kanyang bunganga habang nakatingin pa rin sa akin. Blanko ang emosyon nito kaya hindi ko malaman ang kanyang iniisip. Lumapit siya sa akin at hinawi ang mga buhok ko at inilagay ito sa tenga ko. Hinayaan ko lamang siya sa kaniyang ginawa dahil baka pag pumalag ako, ikasa at itutok niya sa akin ang baril niya.







Tinanggal niya ang sigarilyo sa kaniyang bibig at bumuga nang usok. Nanatili akong hindi gumalaw kahit ang sakit na nang ilong ko sa naamoy ko. Napa flinch ako nang maramdaman kong inilapat niya ang kaniyang bibig sa aking tenga. Tumaas ang mga balahibo ko. Nagsimula na naman kumabog ang dibdib ko. Nag wawala ang boung sistema ko. Kinakabahan at natatakot ako pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya.






"Ako na lamang ang gagawa. Isasama ko pa ang Ate Stephanie mo. Sound's good right?" ramdam na ramdam ko ang pag ngisi niya sa tenga ko nang ibulong niya iyon sa akin. Tumawa siya nang mala demonyo at lumayo na sa akin. Kahit nanginginig at kinakabahan ay hindi ko ipinakita na natatakot ako sa pwede niyang gawin. Alam kong tinatakot niya lang ako para pumayag sa kagustuhan niya. Hinding hindi niya magagalaw ang dalawang taong mahalaga sa akin hangga't nabubuhay ako.







Alam kong mangmang at walang alam ang batang kagaya ko sa paningin niya. Pero yon ang kanyang pagkakamali. Bumuntong hininga mona ako bago sunagot sa kaniya. "Pumapayag na ako basta wag mong papakialaman ang Ate Stephanie ko." mabuti na lamang at di ako nautal noong sinabi ko yon dahil panigurado ay alam nitong nag sisinungaling ako. Pumalakpak siya habang nakangisi na nakatingin sa akin. Sinalubong ko ang mga nag babaga niyang tingin upang malaman niyang pumapayag ako sa kagustuhan niya. " Very good Gabrielle. Ako na ang bahalang mag linis nang kalat mo." tudyo nito sa akin at lumabas na. Umirap lang ako sa kaniyang sinabi kahit hindi niya makikita. Nakakagigil siya. Ang sarap niyang balatan gamit ang nail cutter. Mag hahanap nalang ako nang first aid kit dito sa guest room dahil panigurado mag tataka at mag aalala sa akin si Ate kapag nakita niya ang mga dugong umaagos sa kamay ko. Pumunta ako sa cr at doon ko natagpuan ang first aid kit na nasa cabinet.








She DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon