Chapter 6

4.7K 203 2
                                    


G R A Y

"Anong klaseng ngiti yan Gray!? Care to share" napalingon naman ako kay Uno at agaran naman siyang umupo sa tabi ko. Si Uno nga pala yong nag sabi sakin na mag antay ako sa stock room kasi don tumatambay si Miss. Gabrielle kaya heto medyo close na kami ni Uno hindi lang dahil don kundi siya rin ang nag turo sakin kung ano ang mga dapat kong gawin.

"Wala naman to Uno, ano ka ba? Bawal na ba ngumiti ngayon?" Pabiro kong sabi at umiling naman siya tsaka ngumising nakatingin sakin. Kumunot naman ang noo ko sa ipinapakita niyang facial expression "I already know kung bakit ka pangiti ngiti diyan, kagaya mo rin sila."

"Hoy! Ano yong huli mong sinabi? Hindi ko narinig yon!" Napangiwi naman ako nung umalis na siya sa tabi ko at nag senyas na umpisahan na ang trabaho.

Napailing nalang ako at kinuha na ang uniporme ko. Isang apron lamang ito na kulay brown at sa loob ay puting damit at pantalon, inayos ko muna ang buhok ko at nag pabango na rin baka masabihan ako ng mga costumer ng kung ano ano, malugi pa ang Cafe dahil sa akin.

Lumabas na ako at ganon na lang ang pag laki ng mata ko ng makita ko siya, kasama ng iba.

Nakakunot ang noo nito at nakataas ang kilay habang nakikipag usap sa hindi pamilyar na lalaki sa akin. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya kaya ginala niya ang mata niya, nag iwas nalang ako ng tingin baka mahuli niya akong nakatitig sa kanya.

"Oh Gray! Kanina kapa nandiyan? Halika nga dito, itong Black Coffe pakibigay naman sa Table 13."Binigay na niya sakin yong tray at umalis na. Siya pala si Ally halos mag kasabay lang kami sa pag a-apply nauna lang ako ng ilang oras. Graduated na siya sa high school kaya siguro part time job niya rin ito.

"Here's your order Ma'am. Black Coffe!" Ibinaba ko na yon sa table niya at ngumiti. Napasinghap pa ako dahil sa gandang mayron siya, pero wala pa ring makakatalo sa kaniya. Parang familiar siya sakin, nakita ko na kaya siya? Baka naman artista o model lang.

"Do you need anything Ma'am?" Umiling lang ito tsaka uminom na ng kanyang kape, tumango lang ako at aakmang aalis na ng bigla niyang higitin ang wrist ko "May kailangan ba kayo Ma'am? Maalat ba yong kape? Papalitan ko nalang po." agad agaran ko namang sabi dahil kinakabahan nga ako, first day ko palang pero palpak na. Binitawan niya na ang wrist ko "A-ahm What's your name?" Sambit niya at uminom kaagad nv kape niya. Nagulat pa ako dahil for sure mainit pa yon pero parang wala lang naman  sa kaniya.

"Gray po Ma'am" ngumiti ako sa kanya, nagulat ako nong bigla siyang tumayo at hinalikan ako sa labi. Napatulala ako. Ang bilis ng pangyayare. Napatingin ako sa kanya, she's biting her lower lip.

"Ah Ma'am bakit niyo po ginawa yon?"

"Because I want to. May magagalit ba?" Mataray niyang sabi at tinaasan lang ako ng kilay.

"Wa—"

"Meron at ako yon"

"Ellie? Anong ginagawa mo dito? Tsaka wala to, balik kana sa table mo." Kinakabahang sabi ko naman kay Ellie dahil baka mapa away pa siya kay ateng maganda. Ano kayang pinag sasabi ng babaeng to?

"Ano namang karapatan mo aber?" Tumayo siya at mag kaharap na silang dalawa. Nakatingin sila sa isa't isa at ako? Parang bula lang. Parang wala ako sa gitna nilang dalawa. Ano bang nangyayare sa earth? Nakakaloka ha.

"T-teka nga, upo kana muna Miss at kakausapin ko lang siya ha?" Hindi ko na inantay na makapag salita si Miss Maganda hinila ko na kaagad si Ellie papunta sa stock room. Kunot noo akong humarap sa kaniya.

"Ano bang sinasabi mo sa kaniya Ellie? Gusto mo bang mapa alis ako sa trabaho?" Baka kasi mamaya ipa fired ako nung babaeng yon edi wala na. Hindi ko na siya makikita.

She DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon