Chapter 4

5.8K 213 1
                                    


G R A Y

"Ang gwapo natin ngayon anak ha! Sigurado ka bang wala kang pinopormahan?" Napailing nalang akong bumaling kay Itay habang nilalagyan ng Gel ang buhok ko. Nag pagupit kasi ako ng medyo maikli dahil na rin humahaba na ang buhok ko o baka dahil makikita mo na siya at magiging kaklase tudyo naman ng isip ko.

"Hay nako Itay! Matagal na po akong Gwapo tsaka mana ako sayo diba tay?" Napatawa nalang si Itay at ginulo ang buhok ko na kaka-ayos pa lamang.

Tinignan ko ng masama si Itay kaya umalis na rin siya. Inayos ko ulit ang buhok ko at tinignan ko ang kabuuan kong ayos sa salamin namin. Naka white polo ako at black pantalon, kaya nag tataka ako kung bakit sinabi ni Itay na nag papa- pogi ako kahit ganito naman ang ayos ko palagi. Pero mas espesyal ngayon.

Bumaba na ako at naabutan ko naman si Itay na nag liligpit para sa Karenderya ni Mang Koring. Bumuntong hininga ako at lumapit kay Itay. "T-tay may sasabihin sana ako" nakayuko kong sabi at agad naman humarap sa akin si Itay. "Ano yon anak? Tsaka ba't ka ba nakayuko? Tumingin ka nga sakin. Ikaw talagang bata ka."Kaya nag angat ako ng tingin. Nakita ko sa mata ni Itay ang pag aalala. Ayaw niya kasi na paligoy ligoy ako kong kaya ko rin naman sabihin kaagad. "Nag hanap kasi ako ng Trabaho kahapon Itay, dyaan lang sa malapit sa school yong bagong tayong Cafe don. Part time lang naman Itay kasi gusto kong makatulong sa inyo." Hinawakan ko sa kamay si Itay at bumuntong hininga siya bago marahang tumango. Nayakap ko naman siya dahil sa sobrang saya ko.

Ayaw kasi ni Itay na kumakayod ako para sa amin. Nag hahanap kasi ako ng trabaho dati noong bakasyon. Nalaman niya kaya sinabi niyang mag resign ako, sayang din yon kasi medyo malaki din ang sweldo. Napangiti naman ako nang maalala kong anong nangyare kahapon.

FLASHBACK

"Mag kaibigan ba kayo?" Pawaring tanong ko kay Ellie habang hinigop ang kape ko. Nilibre ako ni Ellie noong una tinangihan ko pa pero dahil mapilit siya ay kinuha ko rin. Masamang tumanggi sa grasya. Napatingin naman siya sakin at ngumiti "Aha! Bukas na bukas din ay mag transfer kami sa bago naming school" Bakas sa kanyang boses ang pag kairita at napakunot noo naman siya.

"Bakit ganyan naman ang itsura mo? May nasabi ba akong mali?" Ngumiti ako sa kanya at nag kamot pa ng batok ko. Aba! Malay koba kong na offend ko siya or something? "Wala kang nagawa you silly! Ayoko lang talaga pumasok don sa school na yon. Kung hindi ko lang bestfriend si Gabriella ay sa malamang hindi ako sasama sa kaniya. Wala kasi sa school na yon ang course na kukunin ko." Medyo lumungkot ang mukha niya kaya tinap ko lang ang balikat niya at ngumiti naman siya sa akin.

Napatingin ako ulit sa gawi niya. She's eating her cake with a poise. Ang ganda niya pa rin kahit naka poker face ang aura ng mukha niya. It's already obvious that she's pissed. But I don't know why. "Baka matunaw bes! Wag mong masyadong titigan" tinignan ko lang ng masama si Ellie at namilong ang mata ko ng kumuway siya sa gawi ni Gabrielle.

Pupunta ba siya dito? Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinignan ang ayos ng mukha at buhok ko. Natataranta akong kinuha ang suklay at nag ayos ng buhok ko. "A- Andyannaba? Andyan na?" Bumalikhat naman ng tawa si Ellie at inirapan ko lang siya. Pinag tripan ba naman ako. "Kabagin ka sanang babae ka." Pero ang loko hindi pa rin tumigil sa pag tawa. I feel so embarrassed. Mabuti na lamang na si Ellie lang ang nakakita dahil busy ang mga tao sa kanya kanya nilang ginagawa.

"What is it El?" Halos mahulog ako sa kinau-upuan ko nong narinig ko ang boses na yon. OMG! Si Gabrielle nandito! Anong gagawin ko!? Sa sobrang taranta ko ay napayuko nalang ako dahil nararamdaman kong nag iinit ang pisngi ko. Kalma lang heart! Feeling ko lalabas na sa rib cage tong puso ko. Medyo naamoy ko ang kanyang pabango. Hmm amoy vanilla. Napasinghap ako nung may humawak sa baba ko upang iangat ako sa pag kakayuko. Titignan ko na sana ng masama si Ellie dahil siya lang naman ang mag lalakas loob gumawa nun pero natulala ako nang halos isang pulgada nalang ang layo niya sa akin.

She DevilWhere stories live. Discover now