Chapter 18

3.9K 163 29
                                    


VIOLENCE AND MATURED CONTENT AHEAD! 🔞

YR 2004

"Ate anong nangyare sayo?" bakas sa mata at boses nang kaniyang kapatid ang pag aalala. Napansin nito ang kalmot nito sa mukha at sa mapuputi nitong legs.



"Nakalmot kasi ako ni Scarlet eh, pero okay naman na ako. Medyo mahapdi lang." ngiting pahayag naman nang kaniyang Ate. Pero alam niya sa kaniyang sarili na nasasaktan ito. Namumula at dumudugo ang mga kalmot ni Scarlet sa kaniyang Ate. Naaawa ito. Ngayon lang kasi ito nagkaroon nang physical pain dahil alam niyang alagang alaga nang kaniyang Ate ang kanyang katawan.



"Ano ba kasing ginawa mo ate? Bakit ka kinalmot ni Scarlet?" Si Scarlet ay ang kanilang alagang pusa. Ito ay isang Japanese Bubtail na binili pa nang kanyang Papa sa Japan. Mahilig kasi sa pusa ang kanyang ate Stephanie pero siya ay hindi. Mahilig siya sa aso. Sa katunayan nga ay gusto siyang bilhan nang kanyang Papa ngunit siya lang ang may ayaw. Ayaw niya monang mag alaga nang kahit ano o kahit sino. Gusto niyang pag tuunan ang kaniyang pag aaral at panood nang mga movies sa kaniyang tablet. Kontento na siyang kalaro ang kanyang ate Stephanie.



"Naapakan ko kasi ang buntot niya nang hindi ko sinasadya." garalgal na sabi nang kanyang Ate Stephanie habang pinapahiran nang lunas ang natamo niyang kalmot. Umakyat lahat nang dugo niya sa katawan nang makitang namimilipit sa sakit ang kanyang Ate.




"Ibigay nalang kaya natin si Scarlet ate? baka maulit pa yang pagkalmot niya. Tignan mo nga mga sagot mo! Ang daming dugong umaagos. Alam ba ito ni Papa?" umiling iling lang ang kanyang ate Stephaniie. Tumango na lamang ang nakababata niyang kapatid. Alam naman nang kanyang ate Stephanie na hindi siya mag susumbong sa kanilang Papa at hinayaan niya na lamang itong pumunta sa kaniyang silid. Marahil ayaw niyang makita ang aking mga kalmot.



Akala nang kanyang Ate Stephanie sa silid ito patungo ngunit hindi mapalagay ang loob nang nakababata niyang Kapatid kong hindi niya makikita si Scarlet. Hinanap niya ito sa kahit anong sulok nang kanilang bahay ngunit hindi niya ito makita. Isa nalang ang kanyang hindi na pupuntahan. Ang guest room. Ang guest room kong saan pinatay nang kanyang Tito Sebastian ang kanyang Tito Jack.






Kahit nangangatog ang kaniyang mga tuhod at kalamnan ay ipinihit niya pa din ang door knob nang pinto. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang wala na roon ang bangkay nang kaniyang Tito Jack ngunit namataan niya sa kama ang mga gamit nang kanyang Tito Sebastian. Marahil ay hindi pa ito umaalis. Kaya possibleng dito pa mamalagi ang kanyang Tito Sebastian. Hindi niya pinahalata na may alam siya nong nag kasalo-salo sila sa pagkain nang hapunan. Business Tycoon ang kanyang Papa kaya maaga itong umalis at sa gabi na kong umuwi. Sila ay may ari nang sikat na Bullets Industry sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Kaya hindi na rin nakakapag taka kong mahusay gumamit nang baril ang kanyang Tito Sebastian.





Ngunit kahit sila ang may ari nito ay hindi pinapayagan nang kanyang Ama ang dalawa niyang unija iha na humawak nang baril at masangkot sa kanilang negosyo. Gusto nang kanyang Papa ay mag pokus lang sila sa pag aaral. Hindi nila binibigo ang kanilang Ama dahil parehong nag e-excel sa klase ang mag kapatid. Hindi lang sila kilala dahil sa kanilang taglay na kagandahan ngunit pati sa katalinuhan ay may ibubuga rin sila. Nakita niya si Scarlet sa ilalim nang kama na natutulog. Kukunin niya sana ito ngunit kaagad nitong kinagat ang kanyang kamay. Hindi niya maramdaman ang sakit. Nag pupuyos siya sa galit. Mabilis siyang pumunta sa kusina at kumuha nang kutsilyo. Hindi niya pinansin ang nag tatakang tingin nang kanilang kasambahay. Patuloy ang pag agos nang dugo sa kaniyang kamay pero hindi siya makaramdam nang sakit. Galit ang nananaig sa kaniyang sistema.






She DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon