Chapter 23

4K 169 8
                                    



Gabrielle Lincoin in the thumbnail!

YR 2004


"Alam kong hindi niya yon kayang gawin Anak. Naniniwala pa din ako na mananaig ang pagiging Kuya niya." sumilay ang mga ngiti ni Papa nong sinabi niya iyon. So, tell me? Bakit kailangan ko siyang pag duduhan?! Kong ang ginawa niya lang ay mag hasik nang kabutihan at kapatawaran. Tumango na lamang ako bilang sagot pero kailangan ko pa din gawin ang dapat kong gawin. Sana nga. Sana nga tama ang paniniwala ni Papa sa kaniyang kapatid upang wala nang gulo. "Anak tara na? Sabay sabay na tayong mag lunch." tumayo na ito at hinawakan ang kamay ko habang hindi pa din natatanggal ang mga ngiti sa labi niya. Kahit na mayroong bumabagabag sa kalooban ko ay hindi ko napansin na nakangiti na din pala ako. Nakakahawa ang kasiyahan ni Papa. He's truly an amazing man.






"Omg! Anong nangyare sayo baby?" halos maiyak naman ang expression ni Ate Stephanie nang mabungaran ang pasa at pamumula nang mukha ko. Kaagad naman itong lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit na halos hindi na ako makahinga. Napatawa naman ako sa pagiging over protective niya sa akin. Tinapik ko lang ang likod niya at marahan itong hinaplos. "I'm fine Ate. Naitama lang sa pader." kinagat ko naman ang ibabang labi ko dahil alam kong mahahalata nito, I'm not good at lying. Bumuntong hininga naman siya at kumalas na sa pag kakayapos sa akin. Tinignan niya ako nang mariin. Mula ulo hanggang paa. Huli na nang mailagay ko sa likod ko ang kamay ko dahil nahawakan niya na ito kaagad. Napaungol naman ako sa sakit nang masagi niya ito. Ang sama sama nang tingin niya sa akin habang tinatanggal ang benda sa kamay ko.








Nakayuko lang ako habang ginagamot niya ang mga sugat ko sa kamay pagkatapos niyang gamot ang mukha ko. Nag papasalamat nalang ako dahil umakyat si Papa upang mag bihis pagkatapos niya akong ihatid sa dining table kundi baka nakita niya ang sugat sa kamao ko. "Aray naman Ate! Mag dahan dahan ka naman. Ang sakit kaya!" naka pout kong sabi kay Ate nang diinan niya ang cotton balls sa sugat ko. Inirapan lang ako nito at inikot ang kanyang mga mata. Suplada! "You're so stupid!" asik naman nito sa akin na ikinangiwi ko naman. "Paano kong mamatay ka dahil sa pinag gagawa mo?! You're such a bitch!" I know she's mean. Ganyan lang talaga niya ako pagalitan but believe me, I got the best Ate in the whole universe. "I'm sorry Ate." i give her my puppy eyes look at mabilis siyang niyakap pagkatapos niyang linisan ang mga sugat ko. Hinalikan ako nito sa aking noo at tumugon na sa mga yakap ko.







"Isama niyo naman ang Papa nyo." mas lalong lumapad ang mga ngiti ko nang marinig kong ang boses nang aking Ama. Lumapit siya sa amin at niyakap kami nang mahigpit. A picture of a not compelete family, but a happy one. "I love you Mama." bulong ko naman dahil siya nalang ang kulang pero tanggap ko naman na dahil alam kong masaya na siya at binabantayan niya kami. She's our guardian Angel. Naramdaman ko naman ang pag flinch ni Papa marahil ay narinig niya ang sinabi ko. Hindi ko nalang iyon pinansin. I don't want to spoil the moment. Lalabas din ang totoo tungkol sa pagkamatay ni Mama at sinisigurado kong hindi si Papa ang pumatay sa kaniya. He loves Mama so much, so do I.








"Tama na ang drama mga Anak, We need to eat lunch na. May pupuntahan tayo." nauna nang kumalas sa amin si Papa at hinakawan kami sa kamay ni Ate. Sa right side ako at sa left side si ate. Nakangiti kami habang papunta sa dining table. Excited na excited naman ako sa paglabas namin ngayon nila Papa dahil matagal tagal na rin noong huli. Masaya kaming nag kwekwentuhan at nag tatawanan nang makarinig kami nang malakas na pag ubo. Lumingod ako at nakita ko ang Tito Sebastian ko na nakangisi. For the second time ay nakita ko ang emosyon sa mga mata nito. I'm good at observing other people. It's my hubby. I saw insecurity and pain in his eyes. "Halika Sebastian. Saluhan mo kami." ngiting paanyaya ni Papa sa kaniya. Tumango naman si Tito Sebastian at ngumiti kay Papa. Pekeng ngiti to be exact.





She DevilWhere stories live. Discover now