Chapter 30

6K 179 114
                                    


Meagan Garcia in the thumbnail!

READ AT YOUR OWN RISK! 🔞


G R A Y




"Ano?" takang tanong ko naman sa kaniya. Nakakunot noo akong habang hinila ang katapat kong upuan na nasa lamesa. Ano bang iniisip ni Gabrielle? Masyado pa kaming bata para dyan. Pinatay naman na niya ang kanyang digital stove at inihanda na rin ang ramen na niluto niya. Wala siyang imik habang ginagawa yon. Hindi niya manlang sinasagot ang tanong ko, napaka bipolar talaga. Kumalam naman ang tyan ko nang ihain niya ang ramen sa harapan ko. Amoy palang niya ay busog na busog na ako.






"Don't mind what I've said. Kain nalang tayo." mahinahon niyang wika sa akin at binigyan ako nang wooden chopstick na gagamitin ko. Hindi ito umimik at hindi rin ako tinatapunan manlang nang tingin. Seryuso ba siya sa sinabi niya? Hindi naman sa ayaw ko sadyang wala pa akong maipagmamalaki sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya na sa lamesa ngunit marahas niya itong inalis at dali daling kumuha nang tacos. Napabuntong hininga nalang ako at nag simula na ring kumain. Mamaya ko nalang siguro siya kakausapin.






Napadami naman ako nang nakaing ramen at tacos dahil masarap talaga mag luto si Gabrielle. Hindi nalang ako tumikim nang carbonara pasta kahit na mahilig ako doon dahil pwede naman yon kainin ni Gabrielle mamayang pag alis ko, kong sakaling tatamarin siyang mag luto. Pansin ko rin na napapatingin ito sa akin at umiiling iling habang nakangiti. Ano na naman kayang tumatakbo sa isip niya? Ang dali talaga mag bago nang mood niya. Napansin ko rin na favorite niya ang tacos dahil kahit malalaki ito ay naka tatlo o lima siya. Wala nga ata akong nakain na karne sa tacos niya dahil puro gulay ang lahat nang nalalasahan ko. Vegatarian naman pala ang lola nyo.







Nauna na itong tumayo ngunit hindi ko siya sinundan. Nakakahiya naman kong pababayaan ko lang tong pinag kainan namin. Kinain ko na ang natitirang noodles sa ramen at iniligpit na ang pinag kainan namin. Nakikain na nga lang ako, si Gabrielle pa mag huhugas? Ang kapal ko naman. Nilagay ko nalang ang carbonara pasta sa lamesa at tinakpan ito. Hinugasan ko na din ang mga ginamit niya sa pag luluto at habang ginagawa ko iyon ay naramdaman ko ang malamyos na kamay ni Gabrielle sa aking tyan at ang kanyang chin na nasa aking balikat.







Nakaramdam naman ako nang kakaibang kiliti sa aking sistema dahil sa pagiging clingy at sweet nito. Hindi ko mapigilang kagatin ang ibabang labi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. "I'm sorry." bulong nito sa akin na mas lalong nag palapad nang ngiti ko. Hinugasan ko ang kamay ko at nahihirapang lumapit sa ref dahil doon nakasabit ang towel ni Gabrielle sa kitchen, nakayakap pa din kasi ito sa akin at ayaw niyang bumitaw kahit na alam niyang may ginagawa ako. Natawa naman ako sa pagiging cute nito kaya humarap na ako upang pagmasdan siya.










Nakalabi itong nakatingin sa akin at bahagyang namumula ang kanyang mapuputing pisngi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at marahan itong kinurot sa kaniyang dalawang pisngi na mas lalong nag palabi sa kaniya at marahan akong hinampas sa aking braso na mas lalong ikinatuwa nang nararamdaman ko. She's sulking like a child. Hinawakan ko ang kamay nito at hinila siya papunta sa sofa upang mapag usapan na rin namin ang sinabi niya kanina. Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kaniyang kamay at dali dali itong inilagay sa kanyang dibdib habang seryusong nakatingin sa akin.






Napaubo naman ako nang mahina dahil baka matuwa ako sa itsura nito ngayon. Hindi dahil mukha siyang clown kundi dahil mas lalo siyang gumaganda sa ginagawa niya. She's really adorable. Tinabing ko ang mga buhok na humaharang sa kaniyang magandang mukha habang nakangiti kasabay nang lahat lahat nag paru paru sa aking tyan. Nanginginig ako habang ginagawa iyon dahil baka mas lalo itong mag tampo ngunit nagulat ako nong ngumiti na ito at namumula ang mag kabilaang pisngi. Ang lakas din pala nang epekto ko sa kaniya.






She DevilWhere stories live. Discover now