Chapter 29

5.7K 212 76
                                    


Gabrielle Lincoin the thumbnail!

READ AT YOUR OWN RISK! 🔞


G R A Y



"I want to take you on a date Gabrielle. Maari ba?" mahinang bulong ko kay Gabrielle kasabay nang malakas na tibok nang puso ko. May mabou man o wala, kailangan ko siyang panindigan. Mahal ko siya at yon ang nararapat kong gawin. Hinahaplos nito ang aking buhok habang ang isa niyang kamay ay nakayakap sa akin. She's really sweet aren't she?






"Of course. Ngayon na ba?" natatarang sambit nito at bahagya pa siyang napatayo. Napatawa naman ako sa sobrang cute niya. Muntik pang nalaglag ang comforter na nag sisilbing takip sa kaniyang katawan. Umiling iling ako bilang sagot at hinawakan ang kamay nito. Masyado naman siyang excited. Gusto kong maging special ang una naming date at ang mga susunod pa. I blushed on that thought. Hinila ko na ito upang makahiga ulit siya. Hinawakan ko siya sa kaniyang namumula pisngi at hinalikan ang kanyang noo.




"Maari bang after periodical test natin?" wika ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Wala akong makitang ano mang pag sisisi. Mariin itong tumango at mabilis akong hinalikan sa labi. Ramdam na ramdam ko ang libo libong paru-paru sa aking tyan habang pinag mamasdan siyang nakangiti. Nakangiti siya abot ang kanyang mga mata. She's really happy. If someone makes you happy, make them happier.






"Paano pala ang boyfriend mo?" nakayukong tanong ko sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang pag guhit nang sakit at lungkot sa aking mga mata. Ngayon ko lang naalala na may boyfriend pa pala siya. Ang sakit naman nang sitwasyon ko ngayon. Naramdaman ko ang malambot na palad nito habang itinataas ang aking chin. Dahan dahan niyang hinahaplos ang pisngi ko kasabay nang kanyang ngiti. Napangiti nalang din ako dahil kitang kita ko ang pag aalala sa kaniyang mga mata.



"Matagal na kaming wala." ngiting pahayag nito sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dali dali itong hinila upang mayakap. I feel so grateful. Hinaplos haplos ko ang kanyang likod at binaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Grabe ang bango talaga bes. Pinag pawisan na siya non ha? Kamusta naman kaya ang amoy ko? Ramdam na ramdam ko ang tibok nang kanyang puso, hindi syempre nag patalo ang puso ko.



"Mag lunch ka dito okay? No buts. Darating na din maya maya ang anak natin." wika nito habang namumula ang kanyang pisngi at tenga. Parang hinahaplos ang puso ko sa kaniyang tinuran. May nanalo na talaga.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinuha ang unan na nasa harapan ko upang doon ibuhos ang kilig na nararamdaman ko. She's a sweet talker ha. Ramdam na ramdam ko ang panginginig nang boung katawan ko hindi dahil sa kaba kundi dahil sa pagiging swerteng nilalang ko.



Narinig ko naman ang mahinang pag tawa nito at kinurot pa ako sa tagiliran ko. Umayos na ako nang higa at tumingin sa kaniyang mukha. Kahit ilang beses ko siguro siyang pagmasdan ay hinding hindi ako mag sasawang purihin ito. Hinawakan ko ang kamay niya at pinag saklop ito. Hinalikan ko nang marahan ang kanyang kamay habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Hindi nakaligtas sa akin ang pag kagat nito sa kaniyang labi.



Unti unti akong lumapit sa kaniya habang hindi pa din nawawala ang pag titig ko sa kaniya. Napapikit na ako nang maramdaman ang kanyang mabangong hininga. Kasabay nang pag talon nang puso ko ang pag lapat muli nang aming mga labi. Walang gumagalaw sa amin. Gusto kong maramdaman nang mas matagal ang kanyang malambot na labi. This is love. This is pure love. Dahan dahan kong ginalaw ang aking labi kasabay nang pag putok nang fireworks sa aking paligid. Mas tumitindi pa ang attraction na nararamdaman ko para sa kaniya.



She DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon