Chapter 12

4.2K 167 8
                                    


Gabrielle Lincoin in the thumbnail!

G R A Y

Pagkatapos nang 'mainit' naming tagpuan ni Gabrielle sa comfort room aya agad agaran din kaming umalis na parang walang nangyare. Napag desisyonan namin na mag lunch nalang sa condo niya dahil hindi rin daw siya nakakakain nang maayos. Nag text nalang ako kay Markin na mauuna nalang ako sa bahay ngunit diko binanggit na kasama ko si Gabrielle, ikwekwento ko nalang iyong  nangyare mamaya sa kanya. Dahil pagkatapos nang shift ko sa Cafe ay may pupuntahan na naman kami kagaya nang napag usapan noong nakaraang linggo.





Lulan kami ngayon nang Ford Mustang 2020 na minamaneho ni Gabrielle. Kanina pako nakatulala habang pinag mamasdan ang kanyang sasakyan. Grabe, sobrang yaman pala talaga nila. Nag bangayan pa nga kami kanina dahil sobra akong nahihiyang makaupo dito sa sports car niya. Baka magasgasan ko kasi mas mahal pa 'to sa buhay ko.



Alam kong kanina pa niya ako pinag tatawanan sa isip niya dahil sa panaka naka nitong pag ngiti at pag iling na nahuhuli ko. Kong makikita ko lang siguro ang itsura ko ay ganon din ang magiging reaksyon ko. Sa totoo lang kasi ngayon lang ako nakasakay sa magarang kotse kagaya nito. Nakasakay naman ako nang mga ordinaryong kotse lang dahil noong bakasyon ay kinuha akong driver nong kapitbahay namin dahil may outing silang magkaka pamilya  papuntang Zambales kaya alam ko din mag maneho nang kotse.




"So, what do you want to eat?" napatingin naman ako sa kanya at nag tama ang mga mata namin. Ako na ang unang nag iwas dahil nararamdaman kong nag iinit na naman ang pisngi ko at ang tenga ko. Tatanongin ka ba naman nang mahal mo kong anong gusto mong kainin? Impossible na hindi ka mahiya at mag blush. Once in a lifetime lang 'to kaya dapat sinusulit na. Halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti dahil nag lalandas na naman sa isip ko ang nangyare sa comfort room, hindi ko rin maiwasan ang pag iinit nang ibabang parte ko dahil sa nangyare. Mabuti na lamang at hindi niya ito nahalata kundi panigurado mas lalo siyang iiwas sa akin.





"Ikaw." tumingin ako sa kanya habang kamot kamot ang batok ko. Nag taka ako nong nakataas ang kilay nito at kinakagat niya ang kanyang ibabang labi. Hot. Ano bang mali sa sinabi ko? Tama namang siya na ang bahala alangan naman na mag demand pa 'ko nang kakainin. Ang kapal naman nang mukha ko.




"I mean ikaw na ang bahala. Ikaw ha, kong ano ano ang iniisip mo. Hindi yon ang ibig kong sabihin." natatawang sambit ko sa kanya kasabay nang pag iling iling ko. Inirapan lang ako nito at ibinalik na ang mata sa pagmamaneho.



Sobrang elegante niya habang nag mamaneho at sobrang sexy niya sa sout niya ngayon. Naka jeans lang siya at mustard tank top na bumagay upang makita ang shape nang kanyang katawan. Ilang beses ko na bang pinuri ang babaeng 'to? Syempre maraming beses na mahal mo siya diba? tudyo naman nang utak ko kaya napangiti nalang din ako habang nakatingin pa din kay Gabrielle.




"Will you stop staring!? It's uncomfortable you know." nagulat nalang ako sa pag susungit niya at pag taas nang boses niya kaya minabuti ko nalang tumingin sa ibang direksyon upang hindi niya makita ang nag iinit kong mga mata na gustong lumuha at feeling ko hihimatayin na ako dahil sobrang sikip nang dibdib ko.





Hindi naman porket nakipag halikan siya sayo at sinakay ka niya sa magara niyang kotse ibigsabihin na non ay kaya nyang ibalik ang nararamdaman mo. She's just being friendly, yon lang. Hindi ko dapat bigyan nang malisya lahat nang ginagawa niyang ito. May boyfriend siya kaya bakit pa siya mag kakagusto sa iba diba? Tama na ang pag i-ilusyon Gray. Tama nang sulitin mo na ang araw na kasama siya dahil malay mo hindi na ito maulit pa. Nag pakawala ako nang mahinang buntong hininga dahil baka marinig pa nang katabi ko ay sungitan pako at tsaka ko pinahid ang mga luha kong diko namalayan na tumulo na pala dahil sa mga iniisip ko.





"We're here." diko namalayan na huminto na pala kami. Diko nalang pinansin ang pananakit nang dibdib ko at bumaba na rin. Kong kanina napatulala ako sa kotse niya ngayon ay muntik nang tumulo ang laway ko dahil sa pagkakanganga nang bunganga ko. Nasa harapan ko ngayon ang Trump Tower sa Manila na 45 minutes drive mula sa Calle Minestrial High School. Ito ay mayroong 57 floors at sigurado mamayaman lang ang makakapasok dito. Hiyang hiya naman ang sout kong jeans at ang aking polo.





"Nakakahiya naman dito Gabrielle. Wag nalang kaya akong tumuloy? Uuwi nalang ako." nakayuko kong wika at nag kamot pa ako sa batok dahil sa hiya na nararamdaman ko. Mas lalo ko lang napapatunayan sa sarili ko na hindi talaga kami pwede. Gusto kong kainin na ako nang lupa ngayon dahil na rin sa tingin nang mga tao dito sa parking lot. Alam ko naman na hindi ako nababagay dito kaya nangingilid ang luha ko ngunit di 'ko hahayaang tumulo ito nang dalawang beses ngayong araw.




Nagulat nalang ako nang pinagsaklop ni Gabrielle ang kamay naming dalawa. Nararamdaman ko na naman ang pamilyar na paro paro sa aking tyan, ang pagbilis at paglakas nang kabog nang puso ko at ang pisngi at tenga kong grabe na naman ang pamumula. Kanina ang sungit sungit niya sa akin ngayon naman hinawakan pa ang kamay ko ang bipolar naman nang mahal ko.





"Don't worry. You're with me." nag angat ako nang tingin at nasilayan ko na naman ang pinakamaganda niyang ngiti. Gustong tumalon nang puso ko hanggang 57 floors sa sobrang tuwa nito. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti na rin dahil sa saya na nararamdaman ko.




Lahat nang nadadaanan naming staff ay bumabati sa kanya pero ang lola mo nakakunot noo lang at kong minsan ay nakataas ang kilay na sagot. Kaya binibigyan ko nalang nang apologetic na ngiti ang mga ito na naiintindihan naman siguro nila kasi tumatango din sila bilang sagot.



Pinindot ni Gabrielle ang pang 56 floors at muntik pa akong masuka sa sobrang bilis nang andar nang elevator at wala pang itong tigil. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay niya dahil na rin sa kaba na nararamdaman ko. Ang sama nang tingin niya sakin na ikinangiwi ko naman. Ngumiti ako sa kanya at humingi nang paumanhin.




Mabuti nalang at huminto ang elevator sa 20th floor at may pumasok na couple's na napatingin sa kamay naming mag kahawak. Bibitawan ko na sana ito nang higpitan namin ni Gabrielle ang pagkahawak dito. Kanina pa 'ko kinikilig sa babaeng 'to. Hindi kona talaga kaya. Hulog na hulog na ako mga bes.





Gustong kumawala nang puso ko sa rib cage nito nang inilagay ni Gabrielle ang kamay ko sa kanyang bewang. Mga tol! May nanalo na. Chansing na chansing na ako. Tumingin ako sa kanya ngunit taas noo lang itong nakatingin na parang walang nangyayare.




Mabuti nalang dala ko ang bag ko at naalala kong meron pala akong jacket dito. Bat ngayon lang gumana ang utak mo Gray ha!? Magpaka gentlewoman ka naman sa magandang babaeng hawak mo sa bewang. Kilig na kilig naman ako sa tudyo nang utak ko. Sa makakakita sakin ngayon panigurado sasabihing may sayad ako sa utak dahil ang lawak nang ngiti ko. Kinuha ko ang jacket sa backpack ko kaya inalis ko ang kamay ko sa bewang niya kaya napatingin naman siya sakin.



Agad agaran ko naman kinuha ang jacket sa backpack ko at maingat na inilagay ito sa balikat ni Gabrielle habang nanginginig ang kamay ko pati ang tuhod ko. Ngumiti naman siya at inayos nya din ang pagkakalagay nang jacket niya sa kanyang balikat.



Halos malagutan ako nang hininga nang bumulong siya sa akin at sinabing "Thank you, baby." diko namalayan na napapapikit pala ako dahil sobrang sexy nang pagkakasabi niya sa pandinig ko. At tama ba ang narinig ko? Baby ang tawag niya sakin?






ITAY I'M GETTING MARRIED .....








+++

Thank you kay jan001123  sa pag gawa nang cover. Maraming salamat din sa patuloy na nag vovote at nag cocomment. Keep safe everyone! See you on the next update po. ❤️

She DevilOnde histórias criam vida. Descubra agora