Chapter 27

4.6K 186 42
                                    



G R A Y


"Don't you dare! Don't you just fcking dare!!!...."




"Alam nating pareho ang kaya kong gawin." Asik naman ni Gabrielle sa kaniya.Walang nag babalak na awatin ang dalawa dahil baka sila rin ang pag initan nang mga ito. Hinawakan ko na sa braso si Gabrielle at inilayo siya kay Meagan. Nakakaloka sila mga bes! Ano bang pinag lalaban nang dalawang to? Ramdam na ramdam ko ang pag sunod ni Meagan kaya hinarap ko ito habang nasa likod ko si Gabrielle na hawak hawak nang madiin ang braso ko. Yon ba naman ang pag diskitahan. Masakit kaya!



"Meagan mag usap nalang tayo mamaya pwede ba?" mahinahon ko namang sabi. Dahan dahan naman itong tumango at ngumiti sa akin.Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pag irap niya kay Gabrielle kaya ang isa naman ay namumula na sa galit kaya bago pa ito pumutok ay pumihit na ako paharapat niyakap siya. Sumubsob naman siya sa leeg ko kaya hinawakan ko ang kaniyang buhok at marahan itong hinaplos haplos dahil ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. Hinalikan ko ito sa kaniyang noo at ngumiti sa kaniya. Tila nag wawala naman ang libo libong paro paro sa aking tyan at parang tambol na naman sa lakas nang kabog ang dibdib ko. Normal na ito sa akin dahil siya ang kasama at kayakap ko.




"Gusto mo bang wag mona tayong pumasok? Mag review nalang tayo sa condo mo." bulong ko naman sa kaniya habang hinahaplos haplos ang kanyang likod. Naramdaman ko namang tumango ito kaya kinuha ko na ang kanyang purse at ako na ang nag buhat nito. She's not really in the mood kaya mas naisipan kong mag skip mona nang klase dahil baka hindi rin siya makapag focus. Matalino naman siya eh. Sobrang talino, kahit palaging surprise quiz ang meron kami perfect niya pa din. Siya na talaga. Nakakahiya naman komopya sa kaniya kapag siya ang katabi mo.


Hawak ko ang bewang niya at siya ay nakapulupot sa braso ko kaya para kaming couple ngayon, kong mag tinginan kasi tong mga schoolmate namin puno nang pag tataka at pag hanga ang nababasa ko sa kanila. Mayron pa akong narinig na bagay na bagay daw kami kaya napangiti nalang din ako. Sa isang linggo na panliligaw ko sa kaniya ay hindi pa namin napag uusapan ang tungkol sa kanila nang boyfriend niya. Hindi ko na rin naman siya nakikitang aaligid aligid kay Gabrielle which is really a good news.





Iniwan ko mona si Gabrielle sa waiting shed dahil kailangan kong ipasok si Baby Tristan dahil kotse ni Gabrielle ang gagamitin namin, babalikan ko nalang ulit ito kapag pumunta na ako mamaya sa Cafe. Nakita ko na naman nakayuko lang ito habang nilalaro ang dulo nang kanyang buhok. Ang cute. Para siyang bata na hindi binigyan nang candy kaya nag tatampo. Hindi ko alam na may ganito palang side si Gabrielle. Akalain mo yon ang mataray at dyosang kagaya niya ay may itatago palang childish side. Nakaka amaze, mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kaniya dahil na rin nakikita ko ang totoo niyang pag uugali.



Lumapit na ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay upang makatayo na siya. Kitang kita ko ang pag silay nang kanyang mga ngiti nang mabungaran ako. Hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan ito sa kaniyang noo papunta sa kaniyang pisngi at ilong. Narinig ko naman ang kanyang pag tawa kaya napangiti nalang akong hinila siya papunta sa kaniyang kotse. Ang dali talaga mag bago nang mood niya, akalain mo pwede pala yon.



Kanina pa ako palinhga linga ngunit hindi ko mahanap ang kotse niya. Asan na kaya yon? Napakamot pa ako sa batok ko dahil sa sobrang pag kairita. Napatingin naman ako kay Gabrielle na namumula ang pisngi habang kinakagat kagat ang kanyang ibabang labi. "Gabrielle asan pala kotse mo?" nahihiya ko namang tanong sa kaniya. Nagulat nalang ako nang makarinig ako nang malakas na halakhak galing sa kaniya. Nag slow motion ang paligid ko. Ang ganda ganda niya talaga lalo na kapag ngumingiti. Nakakatulala ang kagandahan niya. Ngayon ko lang siyang narinig na tumawa nang ganyan kalakas. Grabe, ang ganda ganda niya pa din. Kapag iba yan panigurado mukhang tanga. Hindi pa rin talaga ako sanay sa kagandahan niya, araw araw ba naman kasi siyang gumaganda.



She DevilWhere stories live. Discover now