Chapter 14

4.2K 172 20
                                    


Gray and Markin in the thumbnail!

G R A Y

"Come on Gray. We're friends right?" naka pout na wika ni Gabrielle at binigyan pa ako nang puppy look nito. Double kill. Gusto kong pisilin ang pisngi niya pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil baka bigla itong mailang na naman sa akin.




Hindi nalang ako nag paapekto sa pag sikip nang dibdib ko nang marinig ko ang salitang 'friends' sa bibig niya. Mas mabuti nang ganon kaysa wala lang ako sa kanya tama diba? Sa pagkakaibigan naman yan nag sisimula diba? Step by step. Nyenyenye! ayokong maging negatibo ngayong araw dahil masisira lang ang magandang mood ko. Masaya ako dahil mag kaibigan na kami ni Gabrielle. Masayang masaya ako.





Kanina pa pinipilit ni Gabrielle na iuwi kona daw ang natirang pagkain na ipina deliver niya. Syempre bilang isang mahiyaing nilalang ay ilang beses ko itong tinatanggihan. Alas singko na kasi nang hapon. May pasok pa ako sa Cafe nang Alas Siete kaya no choice ako kundi umuwi. Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa sobrang sabik naming ipasyal si Olivia sa mini forest nitong Trump Tower Manila na naka base sa 50th floor.






Halatang ngayon lang nakalabas si Olivia dahil sa giliw nitong mag laro kanina. Nag papasahan kami nang golf ball at minsan pinapahabol ko sa kanya ito. Samantalang si Gabrielle ay nakatingin lang sa amin at minsan ay nag ce-cellphone. Ang dami ring naaliw kay Olivia. Napapatigil ang mga dumadaan dahil din sa pagiging cute nito.





"Okay sige. Thank you ha? Thank you for this day. And for you Baby Olivia!" ngumiti ako kay Gabrielle at kinarga si Olivia. Hinalikan ko ito nang maraming beses. "Papakabait ka ha? Cute cute mo talaga." tumahol lang siya at dinilaan na naman ang mukha ko. Nakakatuwa talaga si Olivia.






"Mauna na ako. Salamat nang marami. Friends?" inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. Ngunit umiling lang siya. Nagulat nalang ako nang hilain niya ang collar nang polo ko at hinalikan ako sa pisngi. Mga bes! Pwede na akong mamatay. Pwedeng pwede na. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil alam kong natutulala na naman ako. Ang lakas nang kabog nang dibdib ko pero hindi ko nalang yon pinansin dahil normal na lamang iyon dahil kay Gabrielle.






"A-Ah Oo! Mag iingat ka ha?" tumango lamang siya at napangiti ako nang makita kong kinakagat na naman niya ang kanyang kuko. Masarap siguro kuko niya mga bes. Lasang lavender din siguro ito. Napailing nalang ako sa naiisip ko. Kinuha ko na ang sapatos ko at sinout na ito.







Tumingin mona ako kay Olivia at kumaway dito. Ngumiti lang ako kay Gabrielle at kumaway na rin. Nakita ko naman ang pag blush nang pisnge niya. Two points! Napakamot nalang ako sa batok nang makalimutan kong diko pala dala ang pinapa uwi sakin ni Gabrielle.






"A-Ah Gabrielle? Nakalimutan ko kasi yong pagkain hehe." taranta naman itong tumayo sa couch at pumunta na sa lamesa. Natatawa akong napatingin sa kanya ngunit inirapan lang ako nito at masama itong tumingin sakin. Ang hot at ang ganda niya pa din. Huhu! Bakit ang unfair nang mundo?






"Here!" balibag naman nitong wika sakin. Bipolar talaga. Sala sa init, Sala sa lamig. May split personality kaya siya?





"Gabrielle? Pwede ko bang kunin ang cellphone number mo?" ngumiti ito nang pagkatamis tamis at sinulat na ang kanyang numero sa isang papel. Kanina mukha siyang demonyo, ngayon naman mukha siyang Anghel. Sabi sa inyo e baka may split personality siya. Napangiti nalang din ako sa inaakto niya. Kinuha kona ang numero nito at nag paalam na.






She DevilWhere stories live. Discover now