Chapter 35

4K 143 68
                                    


G R A Y

"Dahan dahan naman Gabrielle. Pinapa-kaba mo ako sa pinag gagawa mo." sita ko naman sa kaniya na ngayon ay sobrang bilis mag patakbo nang bisiklete. Halatang halata sa mukha nito ang excitement at happiness nang mag simula na siyang matuto kaya ngayon walang tigil ito sa pag iikot sa boung Parking Lot mapa 1st floor o 2nd floor man. Ang sakit talaga sa bungo nang babaeng 'ito. Hindi na ako tumuloy papunta sa Cafe dahil mas gusto ko itong alagaan at ingatan. Wala naman akong pakialam kahit sabihin nilang may 'favoritism' sa Cafe dahil mas mahalaga sa akin si Gabrielle kaysa sa sasabihin nang iba.





"I'm fine. Ginawa mo naman akong bata!" asik naman niya sa akin at may kasama pang pag irap. Nag patuloy lang ito sa pag lilibot at hindi pinapansin ang pinag sasabi ko sa kaniya. Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa pagiging matigas nang ulo nito. Para talaga itong bata dahil umaalingawngaw sa boung Parking Lot ang sigaw at mga tawa nito na humaplos sa aking puso. Mabuti na lamang ay mangilan ngilan na lamang ang kotseng nakaparada at halos wala na din namang pumapasok at lumalabas sa boung Parking Lot kaya mas lalong ginaganahan ang Lola nyo.





Mag isang oras na rin kami sa pag bi-bisekleta ngunit nakainom ata nang enery drink si Gabrielle dahil hindi pa din ito tumitigil. Tumatagaktak ang pawis ko at sobrang lakas nang tibok ng puso ko nang huminto ako sa tapat kong saan umiikot ikot si Gabrielle. Halata ang pagod sa kaniyang mga mata ngunit hindi pa rin maiwaglit sa kaniyang mga labi ang ngiti.



Para akong baliw ngayon dahil sa laki nang aking mga ngiti habang pinag mamasdan siya. Kahit tagaktak ang kaniyang pawis ay mas lalo lang siyang nagiging Hot sa paningin ko dahil sumasabay pa ang hangin sa pag sayaw sa kaniyang mga buhok. Kong ang ibang ay mukhang dugyot kapag naliligo nang pawis ay ibahin niyo siya, mas lalong lumilitaw ang kaniyang kagandahankasabay pa nang kaniyang mga ngiti at tawa. Tunay nga talaga siyang Anghel na bumaba sa lupa upang mag hasik nang kagandahan at kabutihan. That's a fact!






"Tama na yan Gabrielle. Tara na?" nakangiting wika ko naman sa kaniya habang pumupunta sa kaniyang pwesto. Tumigil na rin kasi ito dahil panigurado ay pagod na din siya. Tumango naman siya at nagulat nalang ako nang dali dali nitong binitawan ang kaniyang bisekleta at pumunta sa akin. Mas lalong nagulantang ang sistema ko nang maramdaman ko ang mahigpit nitong hawak sa aking bisig. Hindi ko alam kong anong nangyayare o tumatakbo sa kaniyang isip sa mga oras na ito ngunit sinisigurado kong boung puso ko siyang tatanggapin kahit na ano pa man ang mangyare. "Mahal kita palagi." taos puso ko namang wika sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likuran. Hindi ko naman naririnig ang kaniyang pag hikbi ngunit naririnig ko ang malakas na kahol nang kaniyang puso upang masabi kong pareho kami nang epekto sa isa't isa.





"Bakit ang sweet mo ngayon? May kasalanan ka?" bungad na tanong nito sa akin pagkatapos nang mainit niyang yakap sa aking mga bisig. Nakasimangot naman itong tumingin sa akin na mas lalong ikinangiti ko naman. "Anong may kasalanan? Tsaka palagi naman akong sweet ha. Ikaw nga tong sweet may pabigay bigay ka pa nang love letter." namumula kong turan sa kaniya at pinisil pa ang kaniyang dalawang pisngi. Natawa naman ako nang nag mukhang kamatis sa pula ang kaniyang boung mukha dahil sa tinuran ko. "Ang arte mo! Ikaw na nga tong binibigyan." marahas naman nitong asik sa akin at bahagya pa akong tinulak sa aking braso na ikinangiwi ko naman. Ang lala talaga nang mood swings nang babaeng to. Akalain mo yon pwedeng mag bago sa loob lamang nang isang segundo.





"Di naman ako nag iinarte ha. Kinikilig nga ako nang sobra." ganting wika ko naman dito at hinawakan ang kaniyang dalawang pisngi. Hindi ko alam kong bakit pero sobra sobra ang tuwa na nararamdaman ko kapag ganito siya kalapit sa akin, kapag nahahawakan ko siya at higit sa lahat kapag nasasabi ko ang tunay kong saloobin sa kaniya. "You deserve it. Pwedeng dito ka na lang mag dinner? I will cook for us pero kong ayaw mo naman, edi sige! Umuwi kana!" padabog naman nitong turan kasabay nang kanyang masamang tingin. Napatawa naman ako dahil sa inaasta nito at itinaas ang dalawa kong kamay sign as surrender dahil sa talim nang titig nito. "Meron ka ba ngayong Lavi? Ang init init nang ulo mo. Halika na nga para matikman ko na ang luto mo." ngiting turan ko naman sa kaniya at inakbayan siya.




She DevilDär berättelser lever. Upptäck nu