Chapter 39

5.8K 229 102
                                    


G R A Y

"I don't want to be your girlfriend, Gray. I'm really sorry." She hardly whispered. Binitawan niya na ang dalawa kong kamay na nakahawak sa kaniya habang kagat kagat ang kaniyang ibabang labi. Parang bombang sumabog yon sa boung pagkatao ko. Nanghihina ako. Kitang kita ko ang sensiridad sa mukha nito at yon na ang hudyat na inaasahan ko na hindi nga talaga kami pwede. You tell me 'bout your past, thinking your future was me.



Kahit nanghihina at pinipigi ang puso ko nang paulit ulit ay lakas loob pa din akong tumayo mula sa pag kakaluhod. Ramdam na ramdam ko ang malamyos na titig nito sa akin ngunit hindi ko iyon pinapansin. Ayokong salubungin ang mga tingin niya dahil alam kong mas manghihina ako at baka mahimatay na ako sa sobrang sakit nang nararamdaman ko. Pero kaya ko ito. Hindi pa naman end of the world diba? Think positive lang ako kahit na alam kong any minute ay babagsak na ang mga luha ko.




Malalim at malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Hindi mo kailangan humingi nang tawag, Gabrielle. It's fine." Nanghihina kong tugon habang nakayuko pa din. Kahit gustong gusto ko siyang tawagin sa pangalang 'Lavi' ay pinigilan ko pa din ang sarili ko. It's not appropriate lalo na sa sitwasyon na ito. This hurt so bad. Mabuti na lamang ay hindi ako nabubulol nang sinabi ko iyon dahil hindi ko kayang mapahiya pa sa harapan niya. Siguro nga ganon na talaga kapag manhid kana. Wala ka nang maramdaman.







Nangangatog ang mga tuhod ko habang nag lalakad papunta sa upuan na inihanda ko para sana sa gabing ito. Akala ko magiging masaya-akala lang pala. Wala akong naririnig na salita mula sa kaniya kaya mas mabuti nalang na ilayo ko mona ang sarili ko sa kaniya, kahit ilang pulgada lamang dahil baka matagpuan ko nalang ang sarili kong yakap yakap siya.




Hindi ko na namalayan na nakaupo na pala siya sa harapan ko dahil sa malalim na pag iisip. Gusto ko nalang matulog nang matulog para kahit sandali ay makalimutan ko ang sakit. Masyado akong umasa. Bahagya pa akong nagulat nang saglit kaming mag katinginan ngunit kaagad din akong umiwas dahil alam kong hindi na naman kakalma ang puso ko. Kapag siya talaga ang nasisilayan nang mata ko, tumatalon sa saya ang puso ko.






"Halika na, hatid na kita sa room mo." Lakas loob kong tanong sa kaniya at tumayo na ako. Masyado nang malalim ang gabi at may pasok pa kami bukas. Gusto ko pa din naman siyang alagaan at ihatid kahit na winasak niya ang puso ko. Ngunit hindi ko naman siya masisisi doon. Hindi mo pwedeng pilitin ang isang taong mahalin ka din diba? Hindi pagmamahal ang tawag doon kong hindi pagiging makasarili.






"Kong ayaw mo talaga, mauuna na ako. Mag iingat ka. Goodluck pala bukas ha." Hindi pa din kasi siya umiimik at nanatili lang na nakatingin sa kalangitan. Marahil ay nag iisip siya at ayoko namang istorbohin pa iyon. Napabuntong hininga naman ako at mabigat ang mga paang humakbang patalikod at palayo sa kaniya. Nakayuko pa din ako ngunit ramdam na ramdam ko ang pag tulo nang mga luha ko sa aking pisngi. Napakuyom ako nang aking kamao hindi dahil sa inis kong hindi dahil sa sakit. Hindi ko alam kong may mas sasakit pa dito at ayoko namang maramdaman iyon.







"Kapag lumampas ka sa pintuan na yan. I swear to God, Gray. Hindi mo na ako makikita." Malakas at marahas na sigaw niya sa akin mula sa aking likuran. Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa pinto kahit na maliit lang ang mga yabag ko. Ayoko kasi siyang iwanan. Napakunoot noo naman ako sa tinuran nito at napatigil sa pag lalakad. Ano na naman bang pumasok sa isip niya? Kanina ayaw niya akong pansinin tapos ganito ngayon. Ang bipolar talaga.






She DevilWhere stories live. Discover now