Chapter 22

4K 157 24
                                    



Gray Anderson in the thumbnail!

YR 2004

From: Kuya Benjamin
Tatlong araw na palugit para sa pag patay mo kay Alfred.



Nang mabasa ko ang text na yon ay agad akong pinalibutan nang kaba at nang sakit sa dibdib. Ano bang problema nila sa Papa ko? Kahit nanginginig ay sinikap kong hulaan ang password nang cellphone ni Tito Sebastian upang malaman ko kong ano ang kanilang pinag uusapan. Ngunit kahit anong ilagay ko ay hindi ko pa din mabuksan. Inilapag ko na ito sa night stand upang hindi mapansin ni Tito Sebastian ang pakikialam ko. Umupo ulit ako sa kama at mariing sinabunutan ang buhok ko. Nag pupuyos ang damdamin ko sa galit. Kailangan kong bantayan ang kilos ni Tito Sebastian dahil baka hindi lang ako ang inuuto niya sa bahay na ito. Hindi ko mawari kong bakit pati si Tito Benjamin ay gustong patayin ang kanilang kapatid. Kailangan kong kausapin si Papa tungkol dito. Paniguradong alam niya ang ugali nang dalawa.







Inayos ko mona ang sarili ko bago ako lumabas sa impyernong to, pero kahit anong gawin ko ay halata pa din ang pasa sa mukha ko at ang mga pag kapula nang baba ko. Naman eh! Wala naman akong hilig sa make up kaya hindi ko din matatakpan ang mga ito. Luminga linga mona ako dahil baka may makakita sa akin na lumabas sa guest room. Nakahinga naman ako nang maluwag nang safe akong nakapunta sa silid ko. Kinuha ko ang tablet ko at nag research nang mga techniques na dapat kong malaman. Sobrang natagal pa ako sa pag ta-type dahil na rin iisang kamay lang ang gamit ko. Tsk!Nakakainis talaga yong Tito ko na yon! Kahit mas matanda siya sa akin ay wala akong pakialam. Hindi niya ako binibigyan nang respeto kaya hindi ko din iyon ibibigay sa kaniya. Dapat lang na mamatay siya sa mga kamay.Alam kong nagiging kagaya ko na siya pero wala akong pakialam dahil may dahilan kong bakit ko siya papatayin at pahihirapan. Don't mess up with me.Hindi mo alam kong anong kaya kong gawin at hindi ko namalayan na nakangisi na pala ako dahil sa iniisip ko. Tsk. Hindi ko nalang iyon pinsan dahil alam kong mukha na akong demonyo ngayon.










Bou na ang desisyon ko. Bago pa nila magalaw ang Papa ko ay ako na ang papatay sa kanila. Alam kong mali pero kailangan kong gawin ito kahit na ang kapalit pa nito ang buhay ko. Hindi ko na makakayanan kapag ang dalawa ko pang minamahal ay mawawala dahil sa pagiging tuso at lapastangan nang tinuturing naming pamilya. How to kill someone? pindot ko naman kaagad sa search button. Ang daming pumapasok sa isip ko nang mga paraan upang mapatay ko si Tito Sebastian nang hindi ako nahuhuli kagaya nang mga napapanood ko. Ngunit napapailing nalang din ako kaagad dahil mag kaibang iba ang sitwasyon sa movies at sa realidad. Ang tanga ko naman upang ipagkumpara. Bukod doon na mas lalo ko pang ikinakabahala ay dahil mas malakas siya sa akin at paniguradong mas marami siyang alam tungkol sa pag patay. Begginer vs Professional huh.









So anong gagawin ko? Tumayo naman ako at nag lakad lakad sa aking silid. Isa din itong mannerism ko lalo na't malalim ang iniisip ko. Hindi ko naman pwedeng isama si Ate dahil baka pumalpak pa ako. Hindi naman dahil wala akong tiwala sa kaniya kundi dahil ayoko ding masangkot siya sa gagawin ko. Alam ko namang maiintindihan niya ako kapag ipinaalam ko sa kaniya ang mga nalaman ko. Pero kapag sasamahan niya ako sa pagpatay? Nako. Hindi ko siya maasahan sa ganitong klase nang laro. Ayoko din naman madungisan ang mga kamay niya. Mas mabuting ako nalang ang gagawa dahil kahit mahuli ako ay hinding hindi ko naman pag sisisihan. Karma nalang nila yon kong sakaling mag tagumpay ako sa gagawin ko. Tumigil naman ako sa pag lalakad at napangiti sa naisip ko. Ahuh! Sa wakas gumana din ang utak ko. Pag aaralan ko ang mga galaw nito. Kong kailangan ko siyang sundan kahit saan ay gagawin ko. Wala naman palagi si Papa nang umaga kaya hindi niya malalaman kong sakali. Pero paano naman kay ate Stephanie? Hays. Nakakasakit naman sa ulo yang pinag gagawa nang mga kapatid ni Papa.






She DevilTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang