Chapter 17

3.9K 150 5
                                    


VIOLENCE AND MATURED CONTENT AHEAD! 🔞

YR 2004


"Anak this is your Tito Sebastian and your Tito Jack." pakilala nang kaniyang Ama sa kaniya. Tumingala siya at nakita ang dalawang lalaking nakatayo sa harapan niya. Kilala niya ang mga ito. Ang kanyang Tito Sebastian dahil siya ay kapatid nang kanyang Papa at ang kanyang Tito Jack naman ay pinsan niya sa mother side. Sa pagkakaalam niya ay mas matanda nang isang taon ang kanyang Tito Sebastian sa kanyang Tito Jack. Dumadalaw ito sa kanila kapag may mga family gatherings at mga family events. Ngunit hindi sila nagkaroon nang proper introduction dahil palaging siyang nasa kanyang silid at nanonood lamang mag damag. Halatang walang interes ito upang makilala sila pero hindi siya pinalaking bastos kaya ngumiti nalang siya sa mga ito. Alam nang dalawang lalaking nasa harapan niya na likas na mahiyain ito kaya hindi na ito bago sa kanila. Nakasout ang dalawang lalaki nang jacket at mayroon silang kulay black na damit sa loob. Kapares nang kanilang khaki pants at black na sapatos. Sa tingin niya ay bussiness attire ito dahil yon ang palagi niyang nakikitang sout nang kaniyang Ama kapag ito'y papasok sa kaniyang trabaho.






"Say Hi to your Tito's anak." ngiting wika nang kaniyang Ama. Mahiyain kasi ang kaniyang bunso. Halos hindi ito nakikipag halubilo sa iba maliban sa kaniyang nakakatandang kapatid. Tumango lang ang bata at hinalikan sa pisngi ang kaniyang dalawang Tito. "Papa Can I play na po?" magalang na tanong nang kaniyang bunso at tumango naman ang kaniyang Papa na ikinatuwa naman naman nang bata. Humalik siya sa pisngi nang kanyang Papa. At nag paalam din ito sa kaniyang dalawang Tito ngunit napansin niya ang kaniyang Tito Sebastian na malagkit na nakatingin sa kaniyang Tito Jack. Alam niya ang ganoong mga tinginan dahil ganon ang mga tingin na nakikita niya sa mga napapanood niya sa kaniyang tablet.






Hindi nalang ito pinansin nang bata dahil baka guni guni niya lang ito. Tahimik siya ngunit alam niya ang nangyayare sa kaniyang paligid. Matalino ang bunso nang mga Sandoval. Kaya alam niya ang mga dapat at hindi dapat gawin. Tumakbo ang bunso nang mga Sandoval sa kanilang garden at lumapit sa kaniyang ate Stephanie na nakaupo sa kanilang kubo na busy sa pag babasa nang libro. Kong ang batang bunso ay mahiyain at puro pag lalaro at panood  ang nasa isip sa edad na limang taong gulang. Ang kaniya namang ate na mas nakakatanda sa kaniya nang tatlong taon ay mahilig mag basa nang libro at mahilig makipag halubilo sa iba. Marami itong mga kaibigan at naipakilala niya na rin ito sa kanya. Ngunit siya ay walang kaibigan. Hindi dahil walang gustong makipag kaibigan sa kaniya. Ngunit dahil sa pagiging masungit at mataray nito sa ibang tao. Ang kanyang Papa at ang kanyang Ate Stephanie lang ang nakakalam nang kanyang totoong ugali. At sila lang ang tanging exception. Sa katunayan ang kaniyang Ate ay sikat sa kanilang probinsya dahil sa ganda nitong taglay at sa napaka busilak na puso. Kaya sinabi niya sa kaniyang sarili na balang araw ay magiging kagaya din niya ang kanyang Ate.







"Ate can we play?" naka labing sabi nang bunso niyang kapatid. Napangiti naman ang kaniyang ate dahil sa sobrang pag kaaliw niya sa nakakabatang kapatid. Tumango ang kaniyang ate at inilapag sa lamesa ang libro na kaniyang babasahin nalang mamayang gabi. "Anong gusto mong laruin natin bunso?" nakangiting sabi nang kaniyang ate, makikita ang saya nang kanyang nakababatang kapatid dahil sa tinuran nito."Talaga ate? ako pipili nang lalaruin natin ngayong araw?" excited na sabi nang bunso niyang kapatid dahil palagi nalang lutu-lutuan ang kanilang nilalaro sa mga nakalaang araw. Tumango lang ang kaniyang Ate at ginulo pa ang buhok nang mas nakakabatang kapatid. 





"Gusto ko nang tagu taguan ate." napatalon pa ang bunso niyang kapatid na mas ikinatuwa nang kanyang Ate. Mahilig kasi siya manood nang horror, mystery at thriller sa kaniyang tablet lalo na kapag siya ay hindi makatulog sa gabi. Kong ang mga batang ka-edad niya ay hindi kayang manood nang mga ganon ay ibahin niyo siya. Gusto niyang mag laro nang taguan noon pa man ngunit ngayon lang siya pinag bigyan nang kaniyang ate Stephanie. Gusto niya kasing maranasan kong paano mag tago tapos ay mahahanap din nang mga mamatay tao at mga multo sa kaniyang mga napapanood.




She DevilWhere stories live. Discover now