Chapter 20

4.9K 175 14
                                    


Gabrielle Lincoin in the thumbnail!

YR 2004

"Pinatay nang Papa mo ang Mama mo." parang bombang sumabog yon sa boung sistema ko. Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Feeling ko tumigil ang pag ikot nang mundo ko. Napaawang ang bibig ko. Umiinit ang mga mata ko. Gusto kong umiyak. Pero walang lumalabas na likido sa aking mga mata. My heart is screaming from pain. Hindi ko pwedeng ipakita sa kaniya na nasasaktan ako dahil yon ang magiging sandata niya upang mapaniwala ako.



"Y-you are lying!!! My Papa wouldn't do that!!" galit kong asik dito. Ang kaninang sakit na naramdaman ko ay napalitan nang galit at pagkamuhi sa taong ka harap ko ngayon. Napakuyom ako nang aking kamao. Hindi ko kailangan pag duduhan ang lalaking nag palaki, nag mahal, at nag alaga sa amin ni Ate. Maaring sinisira niya lang ang pag tingin at ang relasyon ko sa aking Papa. Hindi ako makakapayag na paikotin ako nito sa kaniyang mga kamay dahil sa aking murang edad. Kailangan kong patunayan sa kaniya na nagkakamali siya sa kaniyang pinag sasabi tungkol sa aking Papa.Kahit ganon ay gusto ko pa din malaman ang totoo. Ngunit  hindi ibigsabihin non ay maniniwala ako sa pinag sasabi nang baliw kong Tito. Gusto kong ako mismo ang tutuklas non. Hindi mapapanatag ang loob ko lalo na't tungkol ito sa pagkatao ko.




"You want proof?" nakangisi nitong tanong sakin. Doon na ako nag simulang manlumo. Bumalik ang paninikip nang dibdib ko. Nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko sa aking narinig. Nanginginig ang mga kalamnan ko sa maaring ipakita niya sa akin. Pero kahit ganon gusto ko pa din malaman kong saan nanggagaling ang pag akusa niya sa aking Papa. Mariin akong tumango na ikinangisi lalo nito. Tinanggal niya ang kanyang sigarilyo mula sa kaniyang bibig at tinapakan ito. Dinukot niya ang kanyang cellphone at mayroon itong pinipindot habang halatang halata sa expression nito ang saya. Is that true happiness? I bet it didn't. Tumigin ito ulit sa akin at marahas na pinisil ang pisngi ko. Napa ungol ako dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa pisngi ko na ikinatuwa naman niya. What a jerk! Ipiniling niya ang mga nanlalandas kong buhok sa aking tenga.




Kinuha niya ang kaniyang cellphone at itinapat ito sa aking tenga. "Makinig kang mabuti." wika nito sa akin at tinanggal nang marahas ang kanyang kamay sa aking pisngi. Ang sakit non ha! Makakaganti din ako sayo. Panigurado ay namumula na ang pisngi ko dahil sa mahigpit niyang hawak.




"Ano bang pinag sasabi mo Isabella?! Nasisiraan ka ba nang ulo?!" narinig niyang wika nang kaniyang Papa Alfred. Nagulat siya nang makarinig siya nang malutong na sampal.




"Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?! Ayan ang DNA test na ipinadala ni Raf sa akin!"




"So ang ibigsabihin nito, may anak ka sa ibang lalaki?! Paano mo nagawa sa akin to Isabella?!" garalgal na wika nang kanyang Papa Alfred at maya maya'y nakarinig na siya nang paghikbi. Lalong lumakas ang kabog nang dibdib ko sa aking narinig ngunit hindi ko iyon pinansin dahil kailangan kong malaman ang susunod na sasabihin nang aking Mama. Hindi pwedeng bomou ako nang konklusyon sa aking utak hangga't hindi ko naririnig ang saloobin nito.




"Bago pa tayo mag kakilala ay ipinanganak ko na ang anak namin ni Rafael at iniwan ko ito sa pangangalaga niya dahil na rin alam kong hindi ako tatanggapin nang aking Ama! Itinago ko sayo ito dahil ayokong magkaroon pa nang lamat ang pamilya natin. Masaya na ako sayo lalo na't biniyayaan pa tayo nang dalawang anghel. Wala sa isip ko ang iwanan kayo at balikan ang anak ko kay Rafael. Simula't sapul pa lamang ay hindi ko minahal si Rafael, bunga lang lahat iyon nang kalasingan! Patawarin mo ako Alfred! Ikaw ang mahal ko.... Kayo nang mga anak ko ang pinipili ko." wika nang kaniyang Mama na umiiyak na rin. Nakarinig siya ulit nang malakas na sampal at putok nang baril. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nanginginig ang boung katawan ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang paglalandas nang mga likido sa pisngi ko. I hate crying! Crying makes me feel weak at ayokong ipakita iyon kahit kanino. Pero kahit anong pag diin amg gawin ko sa aking ibabang labi at pag pigil sa nararamdaman ko ay nangingibabaw pa din ang sakit na lumalason sa boung sistema ko.





She DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon