Chapter 3

6.4K 235 5
                                    


Dasha Taran as Gabrielle Lincoin in the thumbnail!

"O! Anak kamusta naman ang first day ng klase mo? Okay lang ba?" Tanong ni Itay habang sumusubo ng pandesal. Nag aagahan kasi kami lalo na't whole day na ang klase ko. Kapag first day lang talaga ang half day at ewan ko ba sa policy ng school. Kumagat muna ako sa pandesal "Okay naman Itay ganon pa rin wala namang pinag bago" ngiting pahayag ko dahil na rin sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"Parang ang saya mo ngayon anak ha! May nililigawan kana ba ron?" Nakakunot noo naman akong tumingin kay Itay. "Tay wala po tsaka pag aaralan muna diba?" Tugon ko naman kay Itay at tumango lang ito. Ngayon na kasi mag transfer yongbabaeng mayaman kaya ini-expect ko na si Miss Suplada yon! Malay mo naman diba? Love at first sight ba to? Pag kakaguluhan siya panigurado dahil may anghel na bumaba pero ugaling demonyo. Napailing nalang ako habang nakangiti.

"Ayan anak o! Ngumingiti ka mag isa mo. Babae na naman naiisip mo" ngiting pahayag sakin ni Itay at sinundot pa ang tagiliran ko. Umiiling iling lang ako sa kanya at yumuko nalang dahil nahuli niya akong iniisip ang babaeng Mataray na yon.

"Itay mag aayos na po ako papasok na rin ako. Ingat po kayo rito!" Yumakap ako kay Itay at yumakap din siya pabalik. Pumunta na ako sa kwarto at naligo na sa banyo. Nag sout lang ako ng pants at blue t-shirt. Ayaw ko namang mag palda dahil mag mumukha akong nanay. I prefer pants more than skirts kasi lesbian ako at hindi ko rin bagay ang mag skirt.


"May I have your attention please!!" Pagalit na sigaw sa amin ni Sir. Robles. Pag kapasok pa lang niya ay naka-kunot na ang kanyang noo. Bad trip ang lolo niyo. Umayos naman kaming lahat ng upo dahil sa nakakatakot nitong aura.

" Totoo ang balita na may transferee na taga Ibang bayan. Once in lifetime lang tayo magkaroon ng isang transferee na mula sa mayamang bayan. Kaya pakiusap ko sa inyo. Lalo na sa mga lalaki na wag niyo silang pag tripan kung balak niyo man. Dahil kayo rin lang ang mapapahamak. Wag niyong sirain ang imahe ng school!! Nag kakaintindihan ba tayo!?" Padabog na sambit ni Sir Robles at tinignan kami ng masama isa isa. Tumango nalang kami bilang sagot dahil ayaw namin mapag initan. Isa rin kasi sa terror na teacher si Sir. Robles, mahirap na.

"Kailan naman sila darating Sir?" Napa angat ako ng tingin at si Lilan pala ang nag tanong kay sir. Ngumiti naman si Sir. "Bukas na bukas din. Para rin ma in-form kayo sila ay dalawang babae. Ang isa ay anak ng Mayor sa La Trinidad at ang isa ay anak ng Gobernador ng boung Manila." napasinghap naman ako at ganoon din ang mga kaklase ko. Ganun sila kayaman!? Bakit kailangan nila mag transfer dito? Kunot noong tanong ko naman sa sarili ko.

Ang La Trinidad ay sa kabilang bayan. Mas mayaman ito kumpara sa Calle. Ang Calle ang pinakamababa ang ekonomiya sa boung Manila kaya nakakapag taka talaga kung bakit dito mag aaral ang mga bigating babae. Naalala ko na naman si Miss Taray! Siya kaya ang isa sa mag transfer!? Napangiti nalang ako habang iniisip ang pag ligtas ko sa kanya. Mukha na akong baliw kakaisip sa babaeng di naman dapat. Hindi ko siya makalimutan dahil na rin siya ang pinakamaganda kong nakilala. Isa siyang literal na Anghel!

"Hoy! Para kang baliw pare, pangiti ngiti kapa diyan! Iniisip mo yong mga transferee ano?" Sabi ni Markin habang nakangisi at tinutukso ako. Pinalo ko ang balikat niya "Wag mokong igaya sayo! Puro babae laman ng isip mo!" Sambit ko sa kanya at ngumisi ako at bumalik na ang tingin ko kay Sir. Robles na nag tuturo sa aming discussion. Diko na pinansin si Markin na kinukulit pa rin ako.


"Sure ka na ayaw mong samahan kita pare?" Paulit ulit na tanong sa akin ni Markin. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya. "Kaya ko! Tsaka malapit lang ako." Sabi ko at inaayos ang magulo kong buhok. Bumuntong hininga siya bago umalis at kumaway sa akin. Nag thumbs up lang ako bilang tugon. 

Pinauna kona si Markin dahil mag apply ako sa bagong bukas na Cafe malapit sa school. Okay na rin yon dahil makakatulong ako kay Itay. Nalaman ko lang ito kay Lilan dahil inalok niya rin ako. Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya dahil wala pang nag bubukas ng Cafe dito sa Calle.

LA DE CAFE

Kitang kita sa mga mata ko ngayon ang pag hanga. Ngayon lang kasi ako nakakita ng isang actual Cafe, dati rati ay nakikita ko lang ito sa mga tv at dyaryo dahil na rin sa walang pundo ang Calle para makapag patayo nito. Sa labas pa lang ay matatanaw mo ng mga 'may kaya' lang at 'mayayaman' ang makakapasok dito. Pumasok na ako at tumulo na ata ang laway ko dahil mapapa wow ka na lang talaga. Kitang kita ang malaking chandelier na nasa gitna ng hallway at ang mga wooden table at mga wooden chairs. Nasa ceiling din ang mga paintings at mga 'everyday qoutes' simple lang ang ayos nito pero napaka elegante.

Medyo kunti palang ang mga tao dahil na rin bagong bukas lamang ito. Napatingin nalang ako sa mga crew at waiters na aligaga kakaserve sa mga customers. Pinag papawisan ako ng malapot, ayaw ko na atang tumuloy dahil na rin sa kadahilanang hindi ako bagay dito. Well trained ang mga waitress at waiter dito dahil na rin sa mga galaw nila. Bakit ko nga ba naisip na mag apply? Hay nako Gray! Anong pinapasok mo?! I mentally asked myself.

"Can you get out of the way!?" Napangiwi nalang ako at natarantang tumabi. Walang tabas ang dila at parang pamilyar yong boses niya. Napa-awang ang bibig ko ng mapatitig ako sa mata ng babaeng kadadaanlang sa harap ko. Si Miss Taray! Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang nag o-order ng gusto niyang kape. May mga kasama siyang apat na bodyguards na nakasout ng itim na polo at naka shades pa.

She's wearing a black dress at sobrang fierce niya sa make up niya. She's so stunning and I can't help but to stare at her. Nag hanap ito ng upuan niya at kinakalabit ang cellphone niya habang ang mga bodyguards niya ay nakaupo na rin sa tapat ng table niya.  Crush ko ba siya? Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya napatingin ako dito "Tumutulo na laway mo."She said and giggled. Ngumiti lang ako at ihinimas ang parte ng leeg ko. "A-ah di naman. U-upo k-kaba Miss? Sorry hehe, aalis na rin ako."sambit ko at akmang tatayo na ng bigla niyang hilahin ang braso ko kaya napa upo ako.

Tinignan ko siya ng may halong pag tataka. Umupo siya at ngumiti "She's Gabriella Lincoin the Daughter of Mr. Ricardo Lincoin the Governor of Manila". Napanganga naman ako at ngiting ngiti dahil siya ang magiging kaklase ko. I can't believe it! I am smiling from ear to ear and I can't help it. Ang saya ko lang. So It's Gabrielle. Ang ganda ng pangalan niya, pero mas maganda siya.

"Are you some sort of psycho?" She said kaya napatingin ako sa kanya. I let out a soft chuckle " No Miss. Just don't mind me. Thank you for the info! Ano pala pangalan mo? I'm Gray!" I said and extend my hand for a shake hand, She accept it and smiled. "I'm Ellie Guanzon. Nice to meet you Gray! So ba't mo tinitigan si Gabrielle, didn't you know na bawal siyang titigan because of her strict bodyguards?" She said that made me gasp.

Ngumiti ako ng alanganin at boung tapang na sinabing "She's so beautiful. I can't help it. I'm sorry" tumawa lang siya at tinapik ang braso ko. "Sorry I can't help but to laugh. Ang dami na kasing nag sasabi niyang when they stared at her but napapangiwi when Gabrielle put a dagger look at them." Ngayon ko lang napansin na may accent siya  at ang conyo niya mag salita. Alam ko naman na mataray siya, I mean sobrang taray. Sa tingin niya palang mapapaiwas ka na. Napangiti nalang ako dahil naaliw ako sa pagiging conyo niya, hindi ko namalayan na nakatingin na pala ako kay Gabrielle. Di niya rin ako mapapansin dahil nakatalikod siya at nakamasid sa boung Cafe ang mga bodyguard niya.

Nakangiti akong mag damag habang nasisilayan siya.

She DevilWhere stories live. Discover now