Chapter 13

4.1K 161 9
                                    


Olivia in the thumbnail!

G R A Y

Nasa likod lang ako ni Gabrielle habang hinahanap niya ang susi nang unit niya sa kanyang purse. Nakahinga ako nang maluwag nong nabuhay pa ako dahil sa nangyare sa elevator kanina. Walang wala yong pag bulong niya sa akin sa pag lapat nang labi niya sa aking leeg kani-kanina lamang. Buti nalang at napigilan ko ang ungol na gustong lumabas sa bunganga ko at mapasalamat nalang din at walang tao nong ginawa niya yon. Kanina ko pang napapansin ang pang tetease niya sa akin na sobra sobra naman ang epekto nito sakin.




Kong sa labas na anyo ay kalmado lang ako at kagat lang nang ibabang labi ang tangi kong nagagawa. Ngunit ibahin mo ang nangyayare sa loob nang katawan ko. Pinag papawisan ako nang malamig at alam kong ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong romansa sa tana nang buhay ko. Pero ayoko nang isipin yon. Hindi sexual interaction ang kailangan ko kay Gabrielle at alam yon nang boung katawan ko. Ayoko monang isipin kong san ba patungo tong nararamdaman mo. Susulitin ko ang araw na pwede ko siyang makasama. Yon naman ang tama diba? Live your life to the fullest.




"Tatayo kana lang ba dyan!? What we're you thinking?Come in." masungit nitong wika at inirapan pako. Buti hindi siya napapagod sa pagiging mataray niya. Hindi uso sayo yong pag ngiti girl? Kong uso sa kanya pagiging palangiti panigurado palaging kompleto ang araw ko.





Diko nalang siya pinatulan sa pag susungit niya at pumasok na sa unit niya. Sobrang linis nang condo niya panigurado wala akong makikitang kahit isang alikabok manlang. Gustong kong ipagpag ang sapatos ko pero alam kong tiyak na mamumula sa galit si Gabrielle kong mag kakalat ako nang dumi. Baka tumawag pa siya nang pulis at ipakaladkad ako. Sayang lang ang pinunta ko kong ganon din lamang ang kakalabasan.




Tinanggal ko nalang nang dahan dahan ang sapatos ko at inilagay ito sa gilid. Luminga linga naman ako at nabungaran ko siyang karga karga ang isang napaka cute na puppy. Sobra akong natutuwa sa mga aso mas lalo na sa mga cute na bata. Sarap kaya nilang pisilin at panggigilan.





"Hi cutie." nakangiting sambit ko sa puppy ni Gabrielle at hinawakan ko ang kanyang ulo at maraan itong minasahe. Tumahol naman siya at dinilaan ako sa mukha na ikinatuwa ko naman. "Her name is Olivia." nakangiting turan naman ni Gabrielle at binigay sakin si Olivia. Ang cute cute niya. Patuloy ko lang siyang kinakarga habang hinahaplos ko din ang boung parte nang katawan niya.






Umupo nalang ako sa couch na nasa tabi ko at pinag masdan ang desinyo nang unit niya. Di naman halata na favorite niya ang kulay lavender ha. Mula sa wall, carpet, punda nang unan niya sa couch at lahat nang gamit niya ay associated sa kulay na lavender. Well, hindi naman siya masakit sa mata kaya okay na okay lang.







"Ang cute cute mo naman kasing cute mo ang Mommy mo. Pero dapat hindi ka tumulad sa kanya ha? Napaka sungit niya at napaka sexy." napatakip ako sa bunganga ko. Dahil baka marinig ni Gabrielle at tuksuhin pako. Aliw na aliw ako kay Olivia. Wala din naman akong makausap dito dahil nasa kitchen si Gabrielle. Ang cute cute niya. Kong pwede ko lang siyang iuwi kasama ang Mommy niya ay matagal ko nang ginawa. "Kidnapin nalang kaya kita ha? Baby Olivia" sabay halik ko naman dito. Kasing bango niya si Gabrielle. Like Mother like Daughter nga talaga. Hay nako! Ganito na pala ang pag ibig? Nakakabaliw. Promise.






"Baka mag salita yan." tawang tawang sabi naman ni Gabrielle kaya diko nalang siya pinansin at yumuko nalang. Nakakahiya talaga. So narinig niya yong sinabi ko!? Anak ka nang tatay mo naman Oo! Grabe talaga. Diko na keri. Pulang pula na naman ang pisngi at tenga ko. Tsk. Malala na talaga tong nararamdaman ko. Kahit mag kasama na kami siya pa din ang bukambibig ko at iniisip ko. Hindi naman halatang baliw na baliw ako sa kanya diba?





Diko namalayan na nakababa na pala si Olivia sa akin at karga karga na ito ni Gabrielle habang kumakain ito nang pizza. Napatingin naman ako sa lamesa at nakahain ang greenwhich lasagna, spaghetti, fried chicken at sa tingin ko hawaiian pizza ito. Di naman ako ignorante para hindi malaman ang mga brands na nasa harapan ko dahil nakikita ko ito sa commercial at nakatikim na rin ako nito. Anong akala niyo sakin!? Poor!? Poor naman talaga ako. Kapag malaki laki ang sweldo ko ay kumakain din naman kami sa labas ni Itay minsan ang kasama ko naman ay si Markin.









Kumuha naman ako nang pizza at ibubuka ko na sana ang bibig ko nang napansin kong nakatingin sakin si Olivia at si Gabrielle. Nag iwas naman ito nang tingin kaya natawa nalang ako. Naks naman Gray! Ang pogi mo naman tudyo naman nang utak ko na ikinailing ko naman. Lumakas ang kabog nang dibdib ko nang makita kong namumula ang kanyang pisngi. One point!






Diko na lamang siya pinansin at kumain nalang. Grabe! Ang sarap talaga nang pizza. Bukod kasi sa pasta ay pizza din ang isa sa mga paborito ko. Matagal tagal na rin kasi ang labas namin nila Itay dahil pasukan na naman at hindi pa naman ako nakakakuha nang sweldo ko. Mamaya palang.








"Gray can you do me a favor?" tila nahihiyang tanong naman sakin ni Gabrielle dahil napansin kong nag iiwas ito nang tingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at sumubo nang lasagna. Nakakahiya naman kasi kong tanggihan ko ang alok niya diba? Ang mahal mahal kaya nang Greenwich kaya sulitin kona. Baka mamaya mag bago pa ang isip niya. Bipolar pa naman ang lola nyo.





"Sige ano ba yon?" tanong ko naman sa kanya at ngumiti. Nag thumbs lang ako sa kaniya dahil nakita kong kinakagat nito ang kanyang mga kuko. Mannerism.





"Ahm... Can you not tell this to Ellie? I mean if she ask or someting?" biglang sumikip ang dibdib ko at tila nawala ang mga ngiti sa aking labi ngunit tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Nawalan na ako nang gana.







Syempre nahihiya siyang kasama ako. Nahihiya siyang malaman nang kaibigan niya na dinala niya ako sa condo nito. Nag iinit na naman ang mga mata ko. Gusto kong umiyak pero bakit nga ba? Dapat ready ako sa ganito diba? Sino nga ba ang magmamalaki sa isang katulad ko?






"Hindi naman sa ayaw kitang kasama. It's just that ahm nevermind and let me just do this."  hindi pa rin ako tumtingin sa kanya at naramdaman ko nalang na papalapit na siya sa akin at niyakap niya ako.






Lahat nang agam agam at sakit na naramdaman ko ay biglang nawala dahil sa mainit niyang yakap. Yinakap ko lamang siya pabalik at dinama ang kanyang presensya. Ang pag sikip nang dibdib ko kanina ay napalitan nang malakas na tibok nito. Ang paro paro sa tyan ko ay nag wawala na naman. Tinapik ko ang likod niya at ngumiti. She's being sweet at hindi ko mapigilang humanga sa kanya lalo.






"I'm sorry Gray. I'm sorry." maliit lamang na bagay ang ilihim kay Ellie pero grabe ang dulot nito sa kanya. She's being a baby. Paniguradong may rason si Gabrielle kaya ayaw niyang ipaalam sa kaibigan niya. Wag tayong judgemental mga bes! Hanggang kaya kong intindihin siya ay gagawin ko. Ganon naman ang pagmamahal diba?






"It's okay. Naiintindihan ko Gabrielle."ngumiti ako sa kanya at kumalas na sa yakapan namin. Pinaharap ko siya sa akin. Grabe ang ganda talaga nang babaeng 'to. Imagine being this beautiful? Ano kayang pakiramdam? ipiniling ko ang humaharang na buhok sa kanyang magadang mukha at inilagay ko ito sa kanyang tenga. Bat wala akong maipintas sayo? Bukod sa bipolar mong ugali? Isa kang Anghel. Anghel sa Ganda. 






Tumigil lang ang titigan namin sa isa't isa nang tumahol si Olivia at pumunta sa kanyang Mommy na ikinangiti naman naming dalawa. Panira ka naman baby Olivia e! Yon na e! Sayang. What a great day it is! Hinding hindi ko to makakalimutan. Lahat naman nang araw na kasama siya ay memorable at itre-treasure ko ito habang buhay...



+++

Double Update for you Guys! Thank you for the support! ❤️

Ideophatically

She DevilWhere stories live. Discover now