Chapter 2

7.8K 268 12
                                    


Gray

"May goodnews ako sayo pare." Sambit ni Markin habang tinatapik pa ang balikat ko. Napa angat naman ako ng tingin at tinignan siya. "May mga mayayaman daw tayong kaklase na transferee." Napataas naman ang kilay ko nung banggitin niya iyon.

"Pano naman nangyare yon? Di hamak na ang liit lang ng school natin kumpara sa ibang bayan." Takang sambit ko naman habang nakakunot ang noo. For poor lang ang mga taong nag aaral sa Calle Minstreal High School, which is kami nila Markin. Bukod sa libre lahat ay wala ring libro doon. Kaya nakakapag taka talaga kapag may nag aral na mamayaman doon.

"Yon ang chismis sakin ni Aling Koring." Excited niyang sabi at napakamot pa sa batok niya. Napabuntong hininga nalang ako dahil mag aayos pa ako para sa klase ko mamaya. First day of School naman kaya wala masyadong gagawin.

"Alam mo Markin, may niligtas ako kagabi." Mayabang kong turan sa kanya. Saming dalawa kasi ako yong mabait talaga at concern citizen sa aming bayan ngunit siya puro bulakbol ang alam kaya napapagalitan palagi ng kanyang Ina.

"Hindi na yan bago sayo Gray! Ikaw ata ang superhero ng Calle eh." Ngitijg sambit nito habang nag thumbs up sa akin. Napailing nalang ako dahil sa kalokohan niya. Tatlong beses na kasi akong may nailigtas kapag gumagala ako sa gabi upang mag computer o di kaya'y mag laro ng basketball sa kabilang kanto. Natyempuhan lang talaga na ako ang nakakakita sa kanila.

"Ano kaba! Lalaki ulo ko niyang sayo e! O sya, uuwi na akong bahay may pasok pa tayo mamaya. Ingat tol! Kita tayo sa school." Ngiiting sambit ko at kumuway pa sa kanya. Nag flying kiss pa ang gago! Kadiri!

Si Markin siya ang kababata ko dahil na rin sa mag kaibigin ang magulang namin at kahit lalaki siya ay komportable kami sa isa't isa. Sa kanya ko ata nakuha ang pag kagusto ko sa mga babae at ang pagiging boyish ko. Diko naman ikinakaila na may naging kasintahan na akong babae. Proud lesbian ata ito! Tanggap naman ako ng tatay ko kahit na ganito ako.

Malapit na rin ako sa bahay ng madaanan ko ang eskinita kung saan nangyare ang pag ligtas ko sa babaeng mataray na iyon. Napailing nalang ako ng maalala ko ang pagtataray niya dahil lang sa nahahawakan siya ng isang tulad ko. Ganun nga siguro talaga ang ugali ng mga mayayaman. Kung hindi lang siya masungit, siya ang tipo kong babae.

Napangiti nalang ako nang maalala ang pag pisil ko sa pisngi niya. I just can't help it. She's too beautiful and cute at the same time pero nasa aura niya ang pagiging suplada pero maganda, sobrang ganda. Bakit ko nga ba siya iniisip? Dapat kinakalimutan ang ganung klaseng tao! Siya na nga lang ang tinulungan siya pa ang nag iinarte.

Kumuway ako ng makita kong nag hahanda na sila Itay para sa Karinderya niya kasama na si Aling Koring. "Andyan kana pala Gray! Gusto mo munang kumain?" Nakangiting paanyaya ng butihin kong tatay. "Hindi na Tay! Maya nalang po. Hi Aling Koring." Sambit ko sa kasing edad na rin ni Itay. Mag kasosyo sila ni Itay sa pag papatayo ng Karinderya. Si Itay ang nag luluto dahil dati siyang Chef sa isang barko samantalang si Aling Koring naman ay may ari ng lupa kung saan sila nakapwesto ngayon.

"Aba goodluck mamaya Gray! May makikilala ka na namang chikababes mamaya na galing sa kabilang bayan." Mapanuksong sambit ni Aling Koring at tinutusok pako sa aking tagiliran.

"Nako! Aling Koring wala akong panahon sa mga ganyan. Alam mo naman na pag aaral muna upang makatulong kay Itay." Ngiting sambit ko at inakbayan si Itay. Binigyan na lamang ako nang mapanuksong ngiti ni Aling Koring at bumalik na sa pag aayos ng kanilang ihahain sa Karinderya.

"Sige ho Tay! Mauna na ako sa inyo. Mag iingat po kayo dito." Nakangiti kong sambit at niyakap ang aking Itay. Siguro nalilito na kayo kong bakit minsan Itay at Tatay tawag ko sa aking Ama. Nakasanayan kona kasi lalo na't noong bata ako yon na ang tawag ko sa kanya.

"Nagtataka talaga ako kung anong itsura ng Mama mo Gray! As you can see blonde ang buhok mo and It's natural tapos hindi ka mukhang pilipino. Mukha kang may half." Paulit ulit na sambit ni Lilang sa akin. Si Lilang ay naging kaklase ko na rin dito sa Calle Minstreal High School.

Nandito kami ngayon sa labas ng classroom dahil hindi pa bukas ang classroom na naka assign sa amin. Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin sa kanya. "Pang ilang beses mo na ba yang tanong na yan Lilang? Junior High palang tayo yan na ang tanong mo. Paulit ulit din ang sagot ko sayo na hindi ko alam dahil wala naman nababanggit sa akin ang Itay." Ngiting pilit na sabi ko kay Lilang. Tumingin ito sakin at nag peace sign tumango na lamang ako.

Kapag tinatanong ko kay Itay kung anong itsura ni Inay palagi niya nalang iniiba ang topic kaya diko nalang inulit sa kanya. Alam ko namang may malalim na dahilan kung bakit siguro wala siya sa tabi ko simula nung nag kaisip ako.

"Ayaw mo ba siyang makilala?" Tanong ni Lilang kaya tinignan ko lang siya ng 'are you serious look' napatawa naman ang gaga at nag peace sign sa akin. Ang weird talaga ng babaeng ito' bakit ko kaya siya naging kaklase?

"Sino bang anak ang ayaw makilala ang kanyang Inay Lilang?" Balik na tanong ko sa kanya and she just shrugged her shoulders. Napailing nalang ako. Gustong gusto kong makilala ang totoo kong Inay dahil gusto kong makaramdam ng pag mamahal ng isang Ina. May rason ang lahat at iyon ang pinang hahawakan ko.

"Gray sa tingin mo kaklase natin yong mayayaman na chiks?" Nagniningning ang mata na tanong sa akin ni Markin habang nakatingin sa malayo. Malamang ay iniimagine na niya.

Advance siya mag isip. Piningot ko na lamang ang tenga niya "Araaay! Grabe naman Gray! May balak ka bang tanggalin ang tenga ko?" Asar na sambit niya sa akin at nag dabog pa. Inirapan ko lang siya at tumingin sa bintana.

Habang nag mumuni sa bintana may nahagip akong bulto. Napakunot ang noo ko nang lumingon ito sa direksyon ko. Si Miss Taray! Dito siya nag aaral? At paano nangyare yon? Sa pananamit niya at ang pag sasalita niya for sure ay galing siya sa mayamang pamilya. Hindi kaya siya ung transferee na pinag uusapan? Hallucination ko lang siguro iyon. Sobrang impossible kasi talaga! Ayan kakaisip mo kasi sa kanya, tudyo naman nang isip ko.

Dahil sa pagiging curious ko ay sinundan ko ito. Napangiwi nalang ako ng biglang may humatak sakin papunta sa likod ng school. Hinila ko ang braso ko at tinignan ang salarin. Si Meagan pala ang isa sa pinaka suplada sa batch namin, sikat din ito dahil nakakaangat sila sa buhay.

"Bakit kaba nanghihila?!" Asar na sabi ko sa kanya, tumaas ang kilay neto at nag walk out na. May sapak talaga sa ulo ang mga babae nakaka asar! Mga bipolar.

Luminga linga ako sa paligid at doon ko lang napansin na nasa masukal akong parte ng school. Nag lakad na ako paalis baka naroon na din ang teacher namin.

"Sorry Miss! I'm late" I said and bow my head. Tumango lamang siya. "Mind if you introduce yourself" she said flatly at tumingin na sa harap. "Hi! My name is Gray Anderson."I said and flash my smile habang nakatingin sa mga kaklase ko. Naupo nalang ako pagkatapos mag pakilala at kanina pa ako kinakalabit ni Markin.

"Isa pang buka ng bibig mo kakatusan talaga kita."'Mapait kong pahayag kay Markin at tumahimik ito. Lalo na't alam kong aasarin na naman ako nito.

She DevilWhere stories live. Discover now