Chapter 15

4.2K 160 8
                                    


Max Collins as Meagan Garcia in the thumbnail!

G R A Y

"Sigurado ka tol? Wala nang bawian yan ha! Sure ka talaga?" paulit ulit kong tanong kay Markin. Hindi kasi ako makapaniwala.




"Oo nga ano kaba!? Gusto mo bang bawiin ko? Basta ba, ililibre moko mamaya sa Cafe. Ano? Deal?" niyakap ko naman ito at paulit ulit na nag pasalamat. Sinundo kasi niya ako sa bahay kasama niya yong motor niya na isang Honda Cbr 650R na kulay pula na bigay nang kanyang Papa. Ngayong umaga lang daw ito binigay sa kanya kaya naisipan niyang ibigay na sa akin si Baby Tristan.




"Oo naman tol!" ngiting pahayag ko dito at nag fist bump mona kami at natatawang sumakay na sa aming kanya kanyang motor. Sobrang sarap lang sa feeling dahil hindi na ako mag cocommute palagi. Matagal kona rin talaga gustong mag karoon nang motor kahit yong simple lang okay na ako pero tignan mo naman ang binigay na blessing ni Papa God, sobra sobra pa. Tuwang tuwa naman si Itay nang makita niya sa harap nang bahay si Baby Tristan akala niya nga may nakaiwan pa rito e.





"Umamin nga kayong dalawa! Ninakaw nyo yan hano!?" kong hindi lang babae si Lilan malamang nasapak kona 'to. Nakakarindi kasi kanina pa sinasabing di nga namin ninakaw ni Markin yong motor na nakikita niya.







"Ang sabihin mo! Naiinggit ka lang! Wala ka kasing motor!" asik naman sa kanya ni Markin. Tatalakan na naman sana siya ni Lilan kaya mabilis kong hinila si Markin papunta sa cafeteria. May 30 minutes pa naman bago mag simula ang klase kaya mas mabuting tumambay mona kami.



"Tol bili ka nga nang dalawang donut tsaka dalawang softdrinks." inabot ko naman sa kanya ang singkwenta pesos. Ang laki naman nang ngiti niya dahil alam niyang nalibre na naman siya. Syempre hindi naman masamang manlibre lalo na't sobra sobra ang blessings na natatanggap ko nitong mga nakaraang araw.





Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa at mag cocompose nang text para kay Gabrielle para ipaalam sa kanya na andito na ako sa school kahit medyo nag tatampo ako sa kanya dahil di manlang siya nag abalang mag reply manlang sa akin. Kahit tuldok manlang o emoji. Tignan mo yong babaeng yon sala sa init at sala sa lamig. May sapak yon sa ulo sabi sa inyo e. Baka naman busy talaga. Tsk. Busy sa boyfriend niya! Ay oo nga pala Gray! May jowa yong tao. Sinend ko na ang message sa kanya at binalik ulit ang cellphone ko sa bulsa.






"Here's your oder Ma'am." nagulat naman ako nang hindi si Markin ang nabungaran ko. Kundi ang nakangiting si Meagan. Ngayon ko lang siya ulit nakita ha. Balita ko kasi pumunta ito sa La Trinidad e sabagay mayaman naman sila e.






"Oh! Ikaw pala Meagan. Bakit naman ikaw ang nag hatid nyan? Asan si Markin?" sunod sunod ko namang tanong sa kanya kaya napatawa siya. Umupo siya sa tabi ko habang nakangiti pa din. Infairness ha! Ang puti nang ngipin niya tsaka pwede na siyang maging model nang toothpaste.








"Kasama ko kasi si Keziah kanina. We decided to eat mona kaya sabi ko exchange nalang mona kami nang makakasabay kumain." tango lang ang naisagot ko sa kanya. Ngayon ko lang narealize na sobrang ganda din pala ni Meagan. Ngayon ko lang kasi siya natitigan sa malapitan. Ang cafeteria na walang amoy kanina ay naging amoy cherry blossoms. Ang bango huhu! Ano kayang pabango niya? Matanong nga. Maraming kumukuha sa kanya na mag participate sa mga events dito sa school lalo na sa mga beauty contest. Ngunit siya lang ang tumatanggi. Isa rin tong mataray e pero nag tataka talaga ako. Bakit bumait siya bigla sa akin sa pagkakaalala ko hindi naman kami close ha.










She DevilWhere stories live. Discover now