Epilogue

8.3K 264 68
                                    

Epilogue

Tristan

"Daddy!" I smiled when I saw my daughter running towards me. It's been a year since I was admitted at ngayon ang labas ko dito. My doctor cleared me. Isang taon ko ring hindi nakita si Hanan dahil dinala siya ni Philip sa Spain.

I hugged my daughter. "You grew taller." I told her. Lalong gumanda ang anak ko. She's ten now at paganda siya ng paganda. I'm sure kung makikita lang siya ngayon ni Safire ay matutuwa ito and I know what exact words she will say: Ang ganda ng baby ko. Manang-mana sa daddy.

Right now, Safire is not with us. Sa pag-stay ko dito natutunang kong tanggapin na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko. I learned how to accept things and be grateful in what I have.

"Daddy, I missed you so much!" She said then kissed both of my cheeks. "Miss na miss po kita mga three thousand times tulad noong sa avengers!"

I laughed. Mukhang lalong dumaldal ang anak ko. "Namiss rin kita." Sabi ko.

"Miss ko na rin po si mommy."

I smiled. "Miss ko na rin siya."

"Mr. Alcantara," Rinig kong tawag ni Zone. I looked at him. Bahagya siyang yumukod. Tumayo ako mula sa aking pagkakaluhod.

"Cut the formalities, Zone. Call me Tristan and thank you for taking good care of my daughter while she's in Spain."

Zone smiled at me. "Hanan is kind just like Lady Safire." Sa pagbanggit ng pangalan ni Safire ramdam ko ang paglungkot ng kaniyang boses.

Kung dati ay naiinis ako kay Zone ngayon hindi na. Well, I was jealous kasi siya nakasama niya si Safire ng walong taon. Mas mahaba ang pinagsamahan nila kaya buwisit na buwisit ako sa kaniya noon.

"Uncle Zone said that mommy is his hero. Si mommy daw po ang nagligtas sa kaniya." Bulong ni Hanan pero narinig iyon ni Zone.

"Lady Safire is indeed my hero."

Tinapik ko siya. "Thank you." Sabi ko uli.

"I miss our house po. Uuwi na po ba tayo?"

Umiling ako. "I bought a new house, baby." Pinapasok ko sa sasakyan si Hanan kapagkuwan ay bumaling ako kay Zone. "I also informed Philip about it gusto ko ng tahimik na buhay tutal sabi niya hindi na gagalawin ng mga kapatid ni Safire ang anak ko."

"We already secured her safety. You can both go back to your old life before milady came back."

I know. Philip assured me that it's safe pero nakapagdesisyon na ako. "I still want a new life. I want to cut all the ties connecting us to the Rosietti's." I sighed. "And it includes you and Philip. I'm sorry." I said apologetically. I know that they care about my daughter pero gusto ko na ng bagong buhay. I want to start anew. Sa ngayon safe pero hanggang kailan? Buhay pa rin ang mga kapatid ni Safire. I can't risk my daughter's life.

"I understand but if you need anything you can call me anytime."

Tumango ako. "Thank you, Zone. I'm sure Safire is so proud."

Nginitian niya ako. "I hope milady is here."

I hope so too. "We need to go."

He gave me a nod. Binuksan ko iyong sasakyan. "Say goodbye to your Uncle Zone." I told Hanan.

"Goodbye po, Uncle Zone. Please visit me if you have time." She waved.

Idée Fixe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon