Chapter 28

3.7K 129 4
                                    

Chapter 28

Safire

Iyong palaban na mukha ko ay naging maamo nang makita ko si Tristan. Narinig kaya niya iyong sinabi ko? Iyong husband thing?! Patay ako!

"Mommy, mommy!" Napatigil si Hanan sa pagtawag sa akin nang makita si Tristan. "D-daddy." Humina ang boses ni Hanan. Para kaming mga daga na nahuli ng pusa.

"W-what are you doing here?" Kinakabahang tanong ko.

"Bakit mom---" Mabilis akong nakalapit sa kaniya at tinakpan ang kaniyang bibig.

"Sshh! Huwag kang maingay. I'm pretending as Hanan's mother. Ang bully kasi ng mga bata dito idamay mo na pati iyong mga nanay."

He looked at me sharply sabay tanggal noong kamay ko sa bibig niya. "How about me as your husband?"

I chuckled nervously. He looked at me sharply. "I heard you." Dagdag pa niya.

"Daddy please don't be mad. Binubully po kasi kami sa loob." She said with a puppy dog eyes. Ginaya ko iyong anak ko kahit hindi ako sure kung cute ba ako o ano.

"Huwag ka ng magalit. Ngayon lang naman."

Umiwas siya ng tingin at tumango. "Pumasok na tayo." He said na nagpangiti sa amin ni Hanan.

"Daddy kiss." Ani Hanan. Yumuko naman si Tristan para mahalikan siya ni Hanan.

Kikiss rin sana ako kaya lang naalala ko joke lang pala na mag-asawa kami. Pumasok kami sa classroom, kita kong pinagtitinginan kami. Gusto ko sana silang taasan ng kilay pero wag na. Kailangan kong magpakabait baka magalit itong asawa ko. I giggled at that thought. Umupo kami sa tabi nila Cara. Since dalawa lang iyong upuan, kinandong na lang ni Tristan si Hanan. Nasa harap namin si Sara tsaka iyong mga chismosa.

Nag-umpisa na iyong meeting. Hindi naman ako nakikinig kasi inaantok ako. Sinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Tristan.

"Mommy, inaantok ka?" Mahinang tanong ni Hanan.

Tumango ako tapos may pumasok sa isip ko. "Oo, baby. Pinupuyat kasi ako ng daddy mo." Malambing kong sabi.

I felt Tristan stilled. Totoo namang pinupuyat niya ako. I looked at Sara. Kating-kati ka na bang lumingon? I want to laugh. Kapag nalaman kong nagkaroon kayo ng relasyon ni Tristan patay kayo sa akin. Lalo na may asawa ka na!

"Bad ka daddy. Pinupuyat mo si mommy. Sa room ko na lang matutulog si mommy."

Hindi nagsalita si Tristan. I wonder kung papayag siya kaya lang kapag pumayag siya wala na kaming night life.

"Payag ka ba, Dy?"

And again I felt him stilled. Galit kaya siya sa pagtawag ko sa kaniya ng Dy?

"Magtigil kayong mag-ina." He said na ikinangiti ko. I closed my eyes.


Tristan

"Payag ka ba, Dy?"

I stilled. She called me Dy. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman but I felt good.

"Magtigil kayong mag-ina." Sabi ko na lang. Tumigil sa pangungulit ang mag-ina ko. I looked at Safire. Napangiti ako. Kaya pala tumahimik nakatulog. Kahit si Hanan ay inaantok. Maya-maya ay nakatulog na rin si Hanan.

Natapos ang meeting. Ni hindi ako makagalaw. "Saf..." Masuyo kong tawag. Mabilis naman siyang nagising.

"Tapos na? Nakatulog ako. Nakatulog rin ang baby natin." She said with a smile.

I can't help but to smile. "Nilawayan mo iyong coat ko."

Tinampal niya ako. "Grabe ka. Hindi ako tulo laway. Halikan kita diyan eh."

I saw Sara looked at me. She gave me a smile and I just nod. Isang malakas na tampal sa likod ang naramdaman ko

"Aray! Para saan iyon?"

"Ewan ko sa'yo! Bilisan mo naghihintay iyong driver ko sa akin."

"May sarili akong sasakyan." Sabi niya.

"Ako rin merong sariling sasakyan." Masungit na sabi niya.

"Anong problema mo?" Tanong ko.

"Wala!" Naglakad na kami paalis pero naririnig ko pa rin siyang bumubulong. "Nawala lang ako ng walong taon naging f*ckboy na." Inis na bulong niya.

Hanggang sa makauwi kami ay busangot na busangot iyong mukha niya. Dinala ko sa kwarto si Hanan habang siya ay pumasok sa sariling kwarto. Pagkatapos kong ihiga ang anak ko ay pumunta ako sa kwarto ni Safire.

"Nakakainis! Ano bang relasyon nila ng Sara na iyon?! Muntik pa kong manghingi ng autograph. Walanghiyang babaeng iyon! May asawa na pati iyong mahal ko kinakalantari!" Aniya habang nanggigil.

Parang sumayaw iyong mga tenga ko sa narinig ko. Tama ba ang rinig ko?! She's jealous and she loves me?!

"Iyong walanghiyang lalakeng iyon, tango pa ng tango. Eh kung itinatali ko siya dito sa kama?!" Ginulo niya iyong sarili niyang mukha tapos ay humiga. "Nakakainis!" Nakangiting isinara ko iyong pinto. Baka mapansin niya ako.

Nagbihis muna ako bago pumunta sa kusina. Ako ang magluluto ng dinner. Habang nagluluto ay tumunog ang cellphone ko. It's Sara.

"Hello."

"Hello, Tristan. Pwede ba tayong magkita?" Aniya sa kabilang linya.

"Why?"

"K-kasi si Rob." She sobbed. "H-he's hurting me again."

Ilang beses na ba niyang sinabi sa babae na iwan na ang asawa nito? Pero hindi ito nakikinig. Ang lagi nitong sinasabi ay magbabago ang asawa. Sa totoo lang ay nagsasawa na siya sa kakatulong dito.

He sighed. "Let's meet. Sa dati." Sabi ko sabay patay ng tawag.

Safire

So magkikita sila? Wow ha! Noong una hindi pa ako sigurado kung may relasyon ba ang dalawa pero ngayon siguradong-sigurado na ako! Inis na inis ako pero at the same time ay nalulungkot. Kasalanan ko naman eh! I had his love. Mahal na mahal niya ako noon pero umalis ako.

Hinayaan ko siyang umalis. Ni hindi ko tinanong kung saan siya pupunta. Ano bang karapatan ko di ba? Hindi naman niya ako asawa.

"Mommy...I mean Tita Saf ok ka lang po ba? Bakit ka po sad?"

Nginitian ko ang anak ko. "I'm not sad, baby. I'm happy kasi kasama kita."

"Tita---"

"Mommy. Hindi pa naman tapos ang araw di ba? Pwede bang tawagin mo muna akong mommy tutal wala naman ang daddy mo. Bukas mo na lang uli ako tawaging tita."

Hanan smiled sweetly. "Sige po, mommy."

Pagkatapos naming kumain ay pinatulog ko na si Hanan habang ako ay pumunta sa may pool. Lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa mapagod ako. Nag-floating na lang ako. I looked at the sky filled with stars.

Hanggang ngayon duwag ka pa rin, Saf.

A lone tear escaped from my eye as I closed my eyes. Wala na sa'yo ang pagmamahal niya. Wala na.

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now